Chapter 8 ♚

75K 1.9K 57
                                    

The Bitchy Gangster Queen 8

SCARLETT

Kasalukuyan akong nasa loob ng lugar na tinatawag nilang King's Lair. Napag-alaman ko na HQ pala nila 'to. Yes, may HQ sila sa loob ng campus at dito sila madalas tumambay para maiwasan ang mga humahabol sa kanila. Ngayon ko lang din nalaman na si Chase pala ang anak ng may ari nitong paaralan. Great.

Inimbita nila akong pumasok, so why not? Ito pala ang laman ng tinitignan kong bintana at pintuan sa labas. In fairness, maganda ang loob.

Nag libot-libot ako ng tingin. Kung sa labas titignan, mukha itong maliit lang pero pag pasok sa loob ay malaki, mayroon pang ikalawang palapag. Kumpleto rin sila sa mga gamit. May maliwag na sala, kusina at hapag kainan. Siguro puro kwarto ang nasa taas, hula ko.

Sa ngayon, nasa sa tapat ako ng mga litrato nila simula bata. Sa totoo lang, ang ku-cute nila dati. Anyare ngayon?

"Hey, Scar, tama na pag tingin diyan! Baka matunaw." sigaw ni Shin mula sa sala. Nakuha pa niyang magsalita ng may laman ang bibig. Kanina pa kasi ako nakatingin dito. Nasa taas sila Chase at James hindi ko alam ginagawa nila. Si Chis, tahimik lang na nagbabasa ng libro malapit sa bintana.

Inalis ko na ang tingin sa mga 'yon at gumawi sa sala. Umupo ako malapit sa pwesto ni Shin. "Gusto mo?" Alok niya sa'kin ng cake. Hindi pa ako nakakasagot, kumuha na siya agad ng platiro at hiniwaan ako. Kumuha rin siya ng tinidor at inabot na sa'kin. "Ayan. Eat well. Masarap 'yan." Aniya.

Wala na kong nagawa kun'di kumain. Nasa harap ko na e. Besides, it's mocha, my favorite flavor! Yum!

We were peacefully eating until...


"Oy! Oy! Masakit ah!"

"Shit, sorry! Masakit ba?"

"Gago, ayaw kasi mag dahan-dahan!"

"Di nga?"

"Tanga! Ano sa tingin mo?! Ouch!" Sigaw ko ulit at hinigpitan ang kapit sa unan.

"Pota kayo! Ang sakit!" Sigaw naman ni Shin na ngayo'y may hawak ng walis. "Tinamaan din ako no! Walang hiya ka, Micky! Get ready for my revenge!" Inis na sigaw nito na ikinalaki ng mata ng huli kaya nag madali itong tumakbo papalayo.

Agad naman 'tong hinabol naman siya ni Shin.

Muling may tumama na kutsana sa ulo ni ko kaya mariin akong napapikit at sinamaan ang nag hagis non. "Bastos! Nakakilan ka na ha!" Sigaw ko kay Micky. Nag madali siyang dumampot ng bagong unan na nagkalat na at ibinato ito doon.

Nagawa nitong makaiwas kaya nakihabol narin ako. Masasakal ko ang dalawang 'to!

Malakas na natawa si Micky habang nag mamadaling tumakbo para makatakas. "Sorry na, Scar!" Sigaw pa nito.

Paano ba naman kasi, lahat ng makita at maisipang damputin nito ay sinasama niya sa pag hagis. Napahilot nalang ako ng sintido. Kids.

Ni hindi ko nga alam kung paano humantong ang lahat sa ganito. Sa pagkakaalala niya, tahimik lang siyang kumakain kanina, then what the fuck just happened?

Hindi ko alam kung naglalaro ba sila o ano. Kasalanan talaga 'to ni Micky! Kung hindi niya binato ng cake si Shin e'di sana hindi 'to gaganti. Nag pahiran sila ng icing at hindi na nakuntento sinali pa ako. Hutaness. Ngayon, mukha na kaming mga batang naiwan sa kusina.

I will fucking kill these two!

Hindi nag tagal, naubos na ang icing kaya nag simula na silang mag hampasan ng unan. Nang pati unan naubos, ang walang'yang Micky ay dumambot ng tinidor at ito ang ibinato.

The Bitchy Gangster QueenDär berättelser lever. Upptäck nu