Chapter Forty-Two

Start from the beginning
                                    

"O Madam, ayan na," sabay lapag ni Stan nung order ko.

"Salamat, Sir. :P" sagot ko. Umupo na rin yung apat.

*bzzt bzzt*

*bzzt bzzt*

*bzzt bzzt*

Napatingin naman ako sa phone ko, nuh ba yan. Atat mga taong i-text ako?

"Aba.. Mga manliligaw ba yan?"

"Wala ako nun. Si Drei yung isa. Habang yung dalawa galing kina Mimi."

"Oi Ree, kinukulit ka parin ni Drei?" tanong ni Ales habang sumusubo ng kikiam niya. Ah, nagutom ako bigla.

"Hindi naman. Gusto niya lang daw maghanap ako ng ma-d-date niya. Lokong yun, sabi niya kasi matchmaker daw ako. Ales! Dalian mo na oh, nagiging wild na si Mimi."

"Kayong dalawa ah. Baka atik lang yan, magddate lang kayo. :D" asar naman ni Gi.

"Naku. Ayaw daw ni Ree sa mga gwapo kaya di pa ako niyan sinasagot," sagot niya. Sinipa ko naman. Feeling nanaman po siya. :P

Pagkatapos niyang kumain, tumayo na siya habang iniinom yung bottled water niya kaya tumayo na rin ako. Magkikita kami nina Mimi ngayon at driver ko si Ales since may lisensya pa lang ako at wala pa akong kotse. :P

"Sige, mauuna na kami ah. Babush, guys. See you when I see you!"

“Ba-bye!” sagot nung tatlo. Nagbeso ako sa kanila tapos nagfist bump lang kami ni Stan. Napaka-weird naman kung ibebeso ko rin siya eh. :P 

Naglakad na kami papuntang parking lot. Di naman talaga nanliligaw si Ales. Friends lang talaga kami. Close friends.

"Inaalila mo na ako, ah. Lagi na lang akong alalay," reklamo niya.

"Isipin mo na lang na sidekick kita. :P"

"Sidekick? Wow naman ah. Ayoko nun, dapat bida ako. Tao ako eh."

"Ano namang kinalaman ng pagiging tao sa pagiging sidekick? At teka... Tao ka pala? :D" Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Kung makita niyo lang ba. :P

Nahawa ata sa tawa ko, bigla naman siyang natawa. Para kaming mga timang. Ang lakas ng tawa namin kaya napapatingin yung iba. Pero, so what naman, diba? :P

Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko kung sino ang makakasalubong namin.

"Violet!"

Kahit pala anong iwas mo sa ibang tao, magkkrus at magkkrus pa rin ang landas niyo.

I manage to smile and hold Vince for support.

"Hi, Venisse!" I hugged her.

"Its been a month na rin. How're you? Ganda mo dun sa commercial mo. Congrats!"

"Well, thank you. Okay naman ako. Naka-survive sa finals. By the way, this is Vincent. Ales, sina Venisse and Red."

Hindi ako nag-glance kay Red. Kailangan ko lang talaga siya i-acknowledge. Pero alam ko namang nakatingin siya sa akin and it makes me uncomfortable.

"Hi. Vincent Alessandro Wee nga pala," sabay offer ng hand niya kina Venisse and Red.

"Bagay sa'yo ang short hair, Violet. Mas gumanda ka lalo."

"Nahiya naman ako pero thank you!" Tumawa lang kami dun.

"Its been 4 weeks na rin. Nagpalit ka na pala ng phone number."

Napatigil ako sa pagtawa pero pinilit kong magsmile. Tumingin ako kay Red.

"Nawala phone ko 3 days after tayong magkita. Kaya wala na tayong communication."

"I think you two have to talk," sabi ni Venisse. Bago ko pa man mapigilan si Venisse, hinila niya na si Ales papunta sa bench. Pinanlakihan ko ng mata si Ales pero nginitian niya lang ako. Lenye. Iwan mo talaga ako dito.

"Vee, I'm s--"

"No." Pinigilan ko na siya. Ayokong marinig yung mga salitang yan.

"Please. Wag mong sabihin yung mga katagang yan. Red, wag mo na lang isipin yung mga sinabi ko."

"But--"

"You're happy now. And mas gusto ko na yung ganito. I know na di mo masusuklian yung feelings ko so... can you wait hanggang sa maka-move on na ako? Saka na tayo maging magkaibigan."

Mukha siyang nahihirapan, siguro he's guilty. Bakit naman siya magi-guilty? It’s not his fault in the first place.

"Its okay, Red. I'm happy that you're happy," I turned papunta kina Ales, I held his hand.

"Venisse, mauuna na kami ni Ales ah?"

Venisse smiled. Ales led me sa kotse niya pero bago yun, nag-stop kami sa harap ni Red.

"Sige, pre. Mauuna na kami ni Ree," sabi niya. Tumango lang si Red sa kanya at napatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Mula dito, nakita ko kung gano sila kasaya ni Venisse... kung gano siya kasayang makasama si Venisse. And that hurts. Kaya ayaw kong marinig yung sasabihin niya kanina dahil alam kong magssorry lang siya saken dahil di niya ma-rreturn yung feelings ko sa kanya. Yung pinakamasakit pa naman na sagot para sa isang taong nagmamahal e ang “I’m sorry.”

"You need this?" Pinakita niya yung panyo sa akin.

"No. 1 month ng pag-iyak sa bagay na di naman nangyari is enough already. Pagod na ako. Tama na yun. Besides, I'm okay now," I buckled my seatbelt and looked straight ahead.

"But you know," he said while starting the engine, "Your actions speak louder than your words."

Mahal ko si Red and I know its not okay. Masakit na makita siyang masaya ng di dahil sakin. Masakit na malamang may mahal siya... pero si Venisse ang babaeng yun.

One thing I learned from this experience siguro e when you love, expect to get hurt. Kasi, partners in crime yung dalawa. At malalaman mo naman na mahal mo yung isang tao kung nasasaktan ka dahil sa kanya.

"Andito na tayo, Ree. Tara?" He opened the door for me and offered his hand. I took it.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Red. Feeling ko, nagkaroon na ng closure sa pagitan namin. At alam ko, yun na talaga yung huling pag-uusap namin na masasaktan ako.

So, I guess I should be moving on now..

This chapter of my life will end here..

Well then, this is the end of me being his temporary girlfriend.

---

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now