RH: Chapter 39

5.5K 97 35
                                    


"SIGURADO ka na ba dito Dennise?" tanong ni Lolo Nestor sa kanya.

Tumango siya rito. "Opo, sigurado na ako."

"Pero—"

"Dapat ko pong gawin kung ano ang tama at iyon ang gusto kong gawin, alam ko mahirap para sa akin pero kung maganda ang kalalabasan I think worth it naman."

Napabuntung hininga na lang ito. "Kung iyon ang gusto mo."

"Salamat po, sana po huwag niyo na lang muna sabihin kay Alyssa, alam ko kasi na hindi siya papayag."

"Makakaasa ka hija."

"Thank you Lolo Nestor." Yumakap siya rito.

Kailangan niyang gawin ito, dahil tulad ng sabi niya kay Ella, gusto niyang mapatunayan kay Alyssa at sa sarili niya na may kaya siyang gawin.

PAGPASOK ni Alyssa sa visitor's area ay nandoon na si Mike kasama si Luis, pagkakita sa kanya ni Stanley ay sumama agad ang tingin nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kanya.

"Gusto ko lang makita kung gaano kamiserable ang buhay niyo ngayong nandito na kayo sa kulungan."

"It won't take long, at oras na makalabas ako dito sisiguraduhin kong magbabayad ka!"

Tumaas ang sulok ng labi niya, "Yun ay kung mangyayari iyon."

"Sino ka ba? Bakit mo ginagawa ito?"

"Hindi mo ako kilala? Tsk!" nilingon niya si LA na titig na titig sa kanya. "Baka gusto mong tanungin ang kaibigan mo baka sakaling nakikilala niya pa ako."

Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya nito. "I-Ikaw!"

"Mukhang matalas pa ala-ala mo at nakilala mo pa ako."

Nanghihinang napaupo ito. "Buhay ka pa talaga." halos pabulong na sabi nito.

"Alam mo sa sarili mong buhay ako."

"Pero—"

"What are you two talking about?" naguguluhang tanong ni Mike.

"Siya—" titig na titig pa rin sa kanya si LA. "Siya ang anak ni Ruel na nakatakas."

Galit na lumapit sa kanya si Mike at kinwelyuhan siya. "Ikaw!"

Naalarma naman ang mga guardiya pero sinenyasan niya lang ang mga ito ng huwag mangialam. "Don't touch me." Inalis niya ang kamay nito. "Ikaw pa ang may karapatan na magalit ngayon?"

Gumalaw-galaw ang mga labi nito.

"Ngayon ang tamang panahon para pagbayaran niyo ang mga kasalanan na ginawa niyo." Yun lang at tinalikuran na niya ang mga ito.

INIHINTO ni Alyssa ang sasakyan sa tapat ng bahay ng Lolo Nestor niya pero hindi muna siya bumaba nanatili lang siya sa loob ng sasakyan. Pakiramdam niya ay naubos ang lakas niya ng makaharap niya si Mike lalo pa at alam na nito na siya si Clarisse, nang makita niya ang mga ito ay gusto niyang sugurin at saktan ibuhos lahat ng galit niya pero hindi niya ginawa.

Pagbukas sa kanya ng pintuan ng katulong, "Nasaan si Lolo?"

"Nasa kusina po." Sagot nito sa kanya. "Ah, nanjan po pala—"

Hindi na niya narinig ang iba pang sinabi nito at tumuloy-tuloy na siya sa Lolo niya.

"Tikman niyo muna kasi bago kayo magreklamo." Napakunot ang noo ni Alyssa ng marinig niya ang boses ni Dennise ng nasa pinto na siya ng kusina, pagpasok niya ay naabutan niya nga ito kasama ang Lolo niya habang kumakain ng cake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon