RH: CHAPTER 1

5.1K 102 0
                                    

NAGISING si Clarisse na papasikat pa lang ang araw, dahan-dahan siyang lumabas ng kulungan ng mga hayop ng pinagtaguan niya, kaibigan ng tatay niya ang may-ari noon pero hindi siya nagpakita mahirap na na may madamay pa siyang ibang tao. Paglabas niya ay may tumama sa kanyang liwanag galing sa flashlight.

"Clarisse?" boses iyon ni Mang Johny, ito ang may ari ng kulungan ng mga hayop na pinagtaguan niya. "Bata ka, andito ka lang pala. Kung ganoon sino yung isang katawan doon sa kubo niyo na nasunog?"

Napaupo siya sa lupa, "Isa po sa napag-utusan na patayin kami." Mahinang sabi niya.

"Kung ganoon—"

"Hindi po aksidente ang nangyari tulad ng pinalabas nila, at kilala ko kung sino ang gumawa." Tumalim ang tingin niya, "Pero hindi niyo na po kailangan malaman kung sino, mahirap ng madamay pa kayo sa gulo." Naglakad na siya palayo.

"Sandali lang hija." Hinabol siya nito.

"Kailangan ko pong umalis, lumayo. Bago pa po magliwanag dahil sigurado ako na pagsikat ng araw uumpisahan na nila ang paghahanap sa akin."

"Pero hindi ka makakalayo kung ganyan ang lagay mo, at wala ka pang pera." Napatigil siya sa sinabi nito. "Halika sumama ka sa akin."

Pumasok sila sa loob ng bahay nito, sa kusina sila tumuloy. Ipinaghanda siya nito ng mabilisan na almusal. "Kumain ka muna, maghahanap lang ako ng maaari mong ipampalit sa suot mo.

Tapos na siyang kumain ng bumalik si Mang Johny at may dalang pamalit niya, dali-dali siyang nagpalit ng damit.

"Saan ka niyan pupunta?" tanong nito.

Napayuko siya, "Hindi ko po alam." Namasa na naman ang mga mata niya ng maalala ang sinapit ng pamilya niya. "Basta ang mahalaga po makalayo ako rito." Lumabas na siya sa pinto sa likod.

"Ihahatid na kita, kahit sa sakayan lang ng bus." Alok nito sa kanya.

"Huwag na po, mahirap na at baka pati kayo madamay."

"Tumulong na rin lang ako, lulubusin ko na." sabi nito sa kanya, "Sandali lang kukunin ko lang ang susi."

Paglabas nito ay sumakay na sila sa owner type jeep nito, at para makasigurado ay sa likod siya sumakay at nagtago sa mga sako na nakatambak doon.

Pagbaba nila sa sakayan ng bus ay inabutan siya nito ng pera. "Mang Johny."

"Pagpasensyahan mo na kung ito lang ang maitutulong ko sa'yo, ayaw mo man sabihin sa akin kung sino ang nagpapatay sa pamilya mo ay alam ko na hindi sila basta-basta na tao." Kinuha nito ang kamay niya at pilit inilagay roon ang pera.

Nag-init ang gilid ng mga mata niya, yumakap siya rito at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. "Salamat po, maraming salamat."

Pinara nito ang unang bus na dumaan na pa-Maynila. "Hinding-hindi ko po makakalimutan ang tulong na ibinigay niyo sa akin. Pangako po babalik ako at ibabalik ko ang pabor na ginawa niyo sa akin." Sabi niya rito bago tuluyang sumakay.

MAY isang linggo na din na pagala-gala lang si Clarisse sa Maynila, malapit na din maubos ang pera na binigay sa kanya ni Mang Johny.

Naglalakad-lakad siya sa medyo madilim na parte ng kalsada ng may mapansin siya na dalawang lalaki na pinalibutan ang isang matandang lalaki. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. "Ibibigay mo ba samin ang pera mo o gusto mo pang masaktan?"

"Kapag ba ibinigay ko sa inyo ang pera ko sa mabuti niyo gagamitin?" matapang na tanong ng matanda.

Kumunot ang noo niya, dapat ay ibigay na lang nito ang pera kesa sumagot pa at masaktan. Nakita niya ng dumukot ang isa sa lalaki ng kutsilyo, napakamot siya sa ulo kamalas-malasan naman na doon pa siya napadaan hindi niya pwedeng iwan na lang doon ang matanda at mapahamak.

Nakakita siya ng kinakalawang na bakal sa basurahan sa tabi niya, kinuha niya iyon at unti-unting lumapit sa mga ito, pinalo niya ng malakas ang may hawak na kutsilyo sa ulo at bumagsak ito, nabitawan nito ang hawak na kutsilyo mabilisan niya iyong pinulot bago binalingan ang kasama nito.

"Hindi ka na lang dapat nangi-alam." Sabi nito at naglabas ng balisong. Inambaan siya nito pero naka-iwas siya at sinuntok ito sa panga, sumubsob ito sa semento pero mabilis din na bumangon at ginantihan siya ng suntok, tumama iyon sa mata niya. Pinilig niya ang ulo niya para mawala ang pandidilim ng paningin niya.

SInipa niya ito sa tagiliran napalugmok ito sa semento ng hawakan siya sa mga braso ng kasama nito na naka-recover na sa pagkakahampas niya rito, kumawala siya rito at pagharap ay sinikmuraan niya ito at sinipa sa tagiliran.

Pagharap niya ay hindi niya inasahan na nakatayo na sa harap niya ang kasama nito hinawakan siya nito sa balikat at naramdaman niya ang pagtusok ng balisong sa tagiliran niya, paluhod siyang bumagsak. Napahawak siya sa tagiliran niya, at ng tingnan niya ay puro na iyon. Nanghihinang napahiga siya sa semento.

"Anong ginawa mo?" nagpapanic na tanong ng kasama nito.

"Tara na!" nagtakbuhan na ang mga ito palayo.

Lumapit sa kanya ang matanda, "Sandali lang hija, tatawag ako ng ambulansiya. Huwag ka mamamatay and that's an order!" inilabas nito ang cellphone nito at tumawag, pero bago pa man siya makasagot rito at tuluyan na din nagdilim ang paningin niya.

PAGDILAT ni Clarisse ay putting kisame ang nakita niya, bumangon siya at nakita niya ang naka-swero niyang kamay.

"Buti naman at gising ka na sa wakas." Napalingon siya sa nagsalita, at nakita niya ang matandang tinulungan niya na naka-upo sa sofa. Tumayo ito at lumabas ng kwarto, pagbalik nito ay may kasama na itong nurse. Pagkatapos siyang check-in ng nurse ay nagpaalam na rin itong lumabas.

"Ang mga magulang mo kailangan natin silang sabihan." Sabi ng matandang lalaki sa kanya. "Muntik ka ng mapahamak at baka naga-alala na sila sa'yo."

Nagbaba siya ng tingin. "Wala na kong magulang o kamag-anak, at dapat hinayaan niyo na lang ako mamatay." Mahina pero madiin niyang sabi.

Umupo ito sa gilid ng hospital bed, ipinatong nito ang kamay sa tuhod niya, "Mukhang may dinadala ka, at handa akong makinig."

Nag-angat siya ng tingin at ng magtama ang paningin nila ay namalayan na lang niya na kinukwento na niya rito ang pinagdaanan niya.

"Mukhang pareho tayo ng pinagdaanan, ang pagkaka-iba lang ay ang kayamanan at kumpanya namin ang kinuha sa akin pero hindi ako nagpatalo binawi ko iyon sa mga ganid." Tinapik nito ang balikat niya, "And I can see revenge in your eyes."

"Pero hindi ko siya kayang kalabanin. Mayaman siya at Gobernador pa ng bayan namin."

"Kaya mo kung tutulungan kita. Tutal wala ka naman ng pamilya bakit hindi na lang ako ang ituring mong pamilya di ba Clarisse?" napa-angat siya ng tingin dito, ngumiti ito sa kanya.

"Patay na si Clarisse, kung kailangan kong harapin ang kalaban ko dapat ay hindi niya alam kung sino ang kaaway at kung sino ang kakampi, at hindi iyon si Clarisse." Sabi niya rito.

Ngumiti ito sa kanya, "Kung ganoon, ano ang gusto mong maging pangalan?"

"Alyssa." Sabi niya.

Natawa ang matanda sa kanya, "Nice to finally meet you Alyssa, tawagin mo na lang akong Lolo Nestor."

Sa unang pagkakataon mula ng araw na pinatay ang pamilya niya ay mau sumilaw na ngiti sa labi niya, "Lolo Nestor, pero kilala niyo po kung sino ang nagpapatay sa pamilya ko? Makapangyarihan po siya."

"Maliit lang ang mundo mo kung nasa business world ka, lalo pa at gobernador siya ng lugar niyo. At kung makapangyarihan siya mas malawak ang impluwensya ko sa kanya. At oo, kilalang-kilala ko siya." Tiningnan siya nito at nginitian. "Governor Mike Lazaro."


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon