RH: Chapter 9

3.2K 87 3
                                    

NAGISING si Dennise na masakit na masakit ang ulo niya, "Aw." Napahawak siya sa ulo niya na parang binibiyak sa sakit. Bumangon siya at nang iikot niya ang paningin niya ay parang nawala ang antok niya ng mapansin na hindi niya iyon kwarto at hindi rin niya damit ang suot niya, it's a huge shirt.

"Oh my god." Pinakiramdaman niya ang sarili niya, "Parang wala naman." Kausap niya sa sarili, pero hindi pa rin siya nakakasigurado, "What happened?" nakagat niya ang labi niya, nangilid ang luha niya.

Bumukas ang pinto at natulala siya ng pumasok si Alyssa, nakashorts at sports bra lang ito. "Gising ka na pala." Sabi nito sa kanya at sumandal sa door frame.

"Alyssa?" napalunok siya. "Ahm, ano-kasi-may nangyari ba?" kinakabahang tanong niya.

Tumaas ang mga kilay nito. "Hindi mo maalala? That hurts." Pakiramdam niya huminto ang tibok ng puso niya sa sinabi nito, "May balat ka pala dito." Itinuro nito ang ibaba ng dibdib nito sa gawing kanan. "Heart shape." Nakangiting sabi nito.

"Oh my god." Naitakip niya ang mga kamay sa mukha niya. "Mommy."

"Hey I'm just kidding." Tumatawang sabi nito, napaangat siya ng tingin dito at tiningnan ito ng masama. "Kailangan lang kitang bihisan dahil pawis na pawis ka and may suka din yung damit mo. Here." Hawak nito ang damit niya na maayos na nakatupi. "Pinalaban ko para may pampalit ka."

Lumapit siya rito at padaskol na kinuha ang damit niya na hawak nito tsaka ito inirapan bago siya naglakad papasok sa banyo. Narinig niya pa ang tawa nito bago niya tuluyang sinara ang pintuan.

"Bwisit na yun!" naiinis na sabi niya sa sarili, mabilis niyang inayos ang sarili at nagbihis. Paglabas niya ng banyo ay wala na si Alyssa sa loob ng kwarto.

Lumabas siya ng kwarto, dumiretso siya ng kusina ng hindi niya maabutan si Alyssa sa sala. "Mag breakfast ka muna." Sabi nito sa kanya.

"No thanks, aalis na ko."

"That's it? hindi ka man lang magte-thank you?"

"Thank you." She said coldly, tumalikod na siya rito at naglakad papunta sa pinto.

"What's with the cold treatment?" tanong nito mula sa likod niya.

Humarap siya rito, "Ikaw na din ang nagsabi dati di ba? We can't be friends so I don't think I need to treat you warmly. At para hindi ka mahirapan na iwasan ako, ako na mismo ang iiwas sa'yo but thank you I appreciate your help." Tinalikuran na niya ito.

"Wait." Pinigilan siya nito sa braso, there was something the way she looked at her parang ang dami nitong gustong sabihin sa kanya. "Ihahatid na kita."

"No thanks, I can manage." Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanya at dire-diretso siyang lumabas.

"ANG bait talaga ni Yaya Ising talagang pinabaunan pa kami ng lunch, pakisabi kay Yaya mahal ko na siya." Sabi ni Laura habang hawak nito ang pagkain na pinabigay ni Yaya Ising.

Nasa field silang lahat kasama ang ibang estudyante na kasama sa tree planting na organized ng sports club kaya naman obligado na sumama silang mga cheer leaders at dahil kasama sa soccer team si Alyssa ay nandoon din ito pati na rin si Myco na kasama naman sa basketball team.

Gaya ng sinabi niya kay Alyssa ay siya na ang kusang umiwas dito, sa tuwing makakasalubong o makikita niya ito ay siya na ang umiiba ng daan, hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya dito ayaw nitong sabihin kung ano ang dahilan nito sa pag-iwas kaya naguguluhan siya dahil ito rin naman ang unang nakipaglapit sa kanya.

She's looking at her when Alyssa suddenly looked at her, mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito, Ly's eyes lingered on her kaya naman bigla siyang na-ilang nang biglang tawagin na sila para sumakay na sa bus na magdadala sa kanila sa site at sa kamalasan naman soccer team pa ang nakasabay nila sa iisang bus.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon