RH: Chapter 27

3.1K 84 1
                                    

"SURPRISE!" masayang sabi ni Dennise ng makapasok sila sa restaurant na pina-reserve nila. Nandoon ang mga kaibigan niya, si Yaya Ising pati na rin ang ibang kaibigan ng Tita niya. "Happy Birthday Tita Cha!."

"Oh my god, thank you." Pasalamat nito, isa-isa itong binati ng mga tao doon ang iba ay inabutan pa ito ng regalo.

"Actually Tita, si Alyssa ang nag-prepare nito. Kahapon ng malaman namin na uuwi ka dito at nalaman niya na birthday mo kahapon din naisip niya na ipag-celebrate ka namin kahit late na." nakangiting bulong niya rito at tiningnan si Alyssa na kausap si Alfred na siyang nakatulong nito sa pagpe-prepare.

"Hmn, really huh." Nakatingin din ito kay Alyssa, "But still, she needs to prove herself first."

Pero hindi nakaligtas kay Dennise ang nakita niyang pagngiti ni Tita Cha habang nakatingin kay Alyssa, a smile of appreciation.

"Cha, kamusta ka na." nakangiting lumapit dito si Yaya Ising.

"Yaya Ising, na-miss ko kayo." Niyakap nito si Yaya.

Nakangiting iniwan na niya ang mga ito para makapag-usap. Nilapitan niya si Alyssa na buhat-buhat si Julie Anne na hindi na ito hiniwalayan mula pa kanina sa sasakyan.

"Congrats." Bati niya kay Alyssa ng makalapit rito.

"For what?"

"It seems like, finally nakuha mo na ang kiliti ni Tita Cha."

"Really?"

"Hmn, wala naman siyang sinabi pero nakita ko naman sa kanya." Hinanap niya ng mga mata si Tita Cha, "Look, she's having fun."

"Ah, finally." Nakahinga ng maluwag si Alyssa at inakbayan siya.

"See, I told you over protective lang talaga siya when it comes to me but once na mahuli mo na siya. She'll treat you as her own as well." Inihilig niya ang ulo sa balikat nito.

"Aw cute, you look like a family." Napalingon silang dalawa kay Tita Cha na nagsalita mula sa likod nila.

"Mommy." Bumaba si Julie Anne mula sa pagkaka-kilik ni Alyssa rito at pumunta sa mommy nito.

"Den, nasaan nga pala ang Daddy mo? Hindi ba niya alam na uuwi ako ngayon?"

"Ow, ahm, alam po niya na uuwi kayo kaya lang hindi niya alam itong party."

"Why?" nagtatakang tanong nito.

"Kasi po..." napalingon siya kay Alyssa na nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"I see, he doesn't approve of Alyssa?"

"Sort of, may iba kasi siyang gusto for me."

"Oh that old man, kahit kalian napakahilig mangialam sa buhay ng ibang tao." Nakagat niya ang ibabang labi, alam niyang sa umpisa pa lang hindi na talaga malapit sa isa't isa ang loob ng Daddy at Tita niya kahit na maayos naman ang pakikitungo ng mga ito sa bawat isa.

"Tita—"

"Oh forget it, can I ask you a favor Dennise?"

Tumango siya rito, "Of course basta ba kaya kong gawin."

"I'm sure you can." Hinawakan siya nito sa kamay, "Can you sing for me?"

"Tita, I'm not prepared."

"Please? I miss your voice, every time you sing for my birthday and other occasions."

Napakamot siya sa noo niya, "Okay, para sa'yo I'll do it."

"Thank you." Niyakap siya nito.

"You can sing?" gulat na tanong ni Alyssa sa kanya.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon