RH: Chapter 4

3.6K 95 1
                                    

NAGBABASA si Dennise ng biglang bumukas ang pinto niya at pumasok ang Daddy niya. "Get ready Dennise, I'll give you 30 minutes to fix yourself."

"Saan po tayo pupunta?" bumangon siya at naupo sa gilid ng kama.

"I received an invitation para sa party ng apo ni Nestor Valdez." Iyon lang at lumabas na ito, napabuga siya ng hangin bago patamad na tumayo para maghanda.

After 30 minutes ay bumaba na siya, tiningnan siya ng Daddy niya bago ito tumango at inakay na siya pasakay sa sasakyan, katabi niya ito sa backseat.

She's wearing an above the knee blue evening dress, she made herself look simple yet elegant. Sa isang hotel ginanap ang party, pagpasok nila ay usual na mga itsura ng mga tao ang nakita niya sa party na 'yon. Umupo sila sa table na naka-asign na sa kanila.

"Good evening everyone." Bati ng may katandaan ng lalaki na nakatayo sa stage. "As you all know, I invited you here para ipakilala sa inyo ang nag-iisa kong apo at tiga-pagmana. After staying in the US for a long time, this is the right time to finally meet my grand daughter! Alyssa Valdez! umakyat sa stage ang babaeng sa tingin niya ay kaedad lang niya, nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya ito.

Nagtayuan ang mga guests at pumalakpak kaya naman tumayo na din siya at pumalakpak. Habang nagsasalita ito ay napatitig siya sa mukha nito, maganda ito at maamo ang mukha.

Pagkatapos nito magsalita at magpasalamat ay bumaba na ito at nakihalubilo sa mga tao. Siya naman ay umupo na at itinuloy ang pagkain, "Den, bakit hindi ka makipaghalubilo sa mga kaedad mo?" sabi ng daddy niya sa kanya, may kausap itong business associate nito sa table nila.

"Okay lang po ako Dad." Ngumiti siya rito.

Maya-maya pa ay lumapit sa table nila si Nestor kasama si Alyssa, "Mike, how are you." Nakangiting nakipag-kamay ito sa Daddy niya, maging si Alyssa ay nakipagkamay rito.

"I'm good! You shocked everyone Nestor, no one knows na nagka-apo ka pala kay Ariel before he died." Nakangiting sabi ng Daddy niya.

"Yeah." Tinapik nito sa balikat si Alyssa, "She stayed in the US with her mother kalian lang siya nakabalik, and she's studying now in Ateneo.

"Really? And so is my daughter, Dennise." Nilingon siya nito kaya naman tumayo siya at lumapit sa mga ito.

"Hello po." Magalang niyang bati rito at nakipagkamay.

"You got a beautiful daughter here, Stanley." Nakangiting sabi sa kanya nito.

"Thank you Sir." Bahagya siyang yumukod dito.

"So you go to the same school with my grand daughter." Nilingon nito si Alyssa. "Do you know each other?"

"We don't know each other personally gran, but we bump into each other often." Nilingon siya nito at nginitian, gumanti siya ng ngiti rito kahit ilang pa din siya dahil sa nangyari sa locker room.

"Well, I think this is the right time for you to know each other personally right?" sabi naman ng lolo nito, "Why don't you two dance?" iminuwestra nito ang dance floor kung saan may ilan na nagsasayaw ng sweet dance.

"Po? But—" lumingon siya sa Daddy niya ng maramdaman niya ang kamay nito sa likod niya.

"Nestor is right Den, kesa naman nandito ka lang sa table at mag-isa."

"Yeah, we should dance." Napatingin siya kay Alyssa ng magsalita ito, "I think this is the right time para magkakilala tayo." inialok nito ang kamay sa kanya, wala na siyang nagawa kundi tanggapin iyon at dinala na siya nito sa dance floor. Inilagay nito ang kamay niya sa likod ng ulo nito at ang kamay naman nito sa bewang niya, "Relax, I won't bite." Nakangiting sabi nito ng maramdaman nito ang pagkailang niya.

Nakagat niya ang labi niya, "Sorry, ahm—"

"I see, naiilang ka dahil dun sa incidence sa locker room? o naiilang ka dahil pareho tayong babae at sumasayaw tayo ng sweet ang music background" putol nito sa kanya, natawa sya at nag-iwas nalang ng tingin dito. "Okay para mawala pagka-ilang mo, memory erase na."

Tiningnan niya ito, "Sure ka?"

"Oo naman, although mahirap siyang kalimutan." Biro nito sa kanya, napalo niya ito sa braso at tumawa naman ito. "See, you should be comfortable with me."

NAKAUPO si Alyssa sa harap ng bar kasama si Alfred, "That's her?" tukoy nito kay Dennise na may kausap na mga babae. Mukhang nage-enjoy naman na ito sa party hindi tulad kanina.

"Yep, that's her." Kanina niya pa ito sinusundan ng tingin.

"Wow, the picture didn't do her justice. She's more beautiful in person and hotter." Uminom ito sa hawak na wine glass. "And look at those legs."

Tiningnan niya ito ng masama, hindi niya alam pero parang ayaw niya ng may ibang nakakapansin kay Dennise kahit na kapansin-pansin naman ito.

"Whoa, what's with the look Ly? Jealous already lover boy?"

"Shut up." Binalik niya ang tingin kay Dennise at nakita niya ng magpaalam ito sa mga kausap at lumabas.

"Go get her." Sabi ni Alfred na nakatingin din pala rito, "Bago pa may makauna sa'yo." Tinapik siya nito sa balikat.

NAGLALAKAD-LAKAD si Dennise sa gilid ng pool, dinig niya mula roon ang tugtog mula sa hotel. Hindi niya matagalan na puro sosyalan lang ang usapan doon kaya naman lumabas muna siya sandali, napabuga siya ng hangin.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Sana ako yun." Nagulat siya sa nagsalita kaya naman napabaling siya rito pero namali siya ng ikot at naramdaman niyang babagsak siya sa pool ng may pumaikot na mga braso sa bewang niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mata nila ni Alyssa, ngumiti ito sa kanya. "Why do you always seems to fall whenever I'm around?" idiniretso nito ang tayo niya ngunit hindi inalis ang kamay nito sa bewang niya kaya naman halos nakayakap na ito sa kanya.

Pakiramdam niya ay tumigil ang oras habang nakatitig siya sa mga mata nito, nakangiti ito sa kanya. "Ahm, t-thank you." Mahinang sabi niya.

"And I'm always there to catch you from falling." Binitiwan na siya nito at naglakad ng mabagal.

Sumunod siya rito, "What are you doing here by the way?"

"Hmn, nakita kasi kita na lumabas." Nilingon siya nito. "Kaya sinundan kita, baka lang kasi kailangan mo ng kasama."

Umiwas siya ng tingin dito, kung nakita siya nitong lumabas ay ibig sabihin ay sinusundan siya ng tingin nito habang magkalayo sila? Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa naisip.

Nayakap niya ang sarili niya ng humangin, nanuot sa kanya ang lamig ng maramdaman niya ang pagpatong ng coat ni Alyssa sa mga balikat niya. "Salamat." Nilingon niya ito.

Huminto ito sa paglalakad kaya naman napahinto din siya, kinuha nito ang mga kamay niya. "Kanina ka pa pala nilalamig hindi ka nagsasabi, ang lamig ng kamay mo oh." Inilapit nito ang kamay niya sa bibig nito at binugahan iyon, naramdaman niya ang init ng hininga nito sa kamay niya tsaka nito iyon pinagkiskis.

Napangiti siya sa ginawa nito, "Ganito ka ba lagi sa mga babae?" natanong na niya bago pa niya mapigilan ang sarili, kaya naman makagat niya ang labi niya.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti. "Only to a girl I am interested in." lumapit ito sa kanya kaya naman napaatras siya ng isang hakbang. "Relax," pinigilan siya nito sa mga balikat. "Aalisin ko lang 'to."

May inalis ito sa buhok niya, dahon na hindi niya alam kung saan nanggaling. "San galing yan?" hinawakan niya ang ulo niya, itinuro naman nito ang puno at nuon lang niya napansin na nasa ilalim pala sila ng isang puno.

"Let's get inside, baka hinahanap na tayo sa loob." Hinawakan siya nito sa kamay at naglakad na sila papasok sa loob.


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon