RH: Chapter 34

2.8K 88 5
                                    

MAGULO ang isip na tumuloy si Dennise sa study ng Daddy niya, gusto niya itong tanungin tungkol sa lahat ng sinabi ni Alfred sa kanya, para mapatunayan niya kung nagsasabi ito ng totoo o nagsisinungaling lang ito sa kanya. Pagpasok niya ay wala siyang inabutan kaya naman naupo muna siya sa couch para maghintay.

Pero paano kung nagsasabi si Alfred ng totoo? Na totoong—ipinilig niya ang ulo niya para mawala ang naiisip niya, "No it can't be true. My father and I may not be close but—" she sighed.

Tumayo siya at lumapit sa shelf ng mga libro, magbabasa na lang muna siya habang hinihintay ang pagdating ng ama niya. Nang makahanap siya ng babasahing libro ng siya namang bumukas ang pinto at pumasok ang Daddy niya, magpapakita n asana siya rito ng marinig niya ang galit na boses nito, kipkip ang libro na nagtago siya sa likod ng shelf kung saan madilim at hindi siya mapapansin.

"Damn it! What happened? Bakit biglang umatras ang mga client natin para sa itatayong factory?" Galit na sabi ng Daddy.

"Sabi ko naman sayo may humaharang sa project natin." Boses iyon ng daddy ni Luis.

"Pwes alamin mo kung sino! Hindi kita sinuportahan para maging gobernador dito para lang sa wala."

"Siya nga pala, nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"
"May usap-usapan na bumalik daw yung anak ni Ruel."

"Rue?"

"Si Rue, yung may ari ng lupa na pinoproblema mo ngayon."

"Tumigil ka! Sa akin na ang lupang iyon."

"Na napunta sa iyo sa hindi legal na paraan."

Tumawa ang Daddy niya, "Huwag kang magsalita na para bang wala ka ring kinalaman sa pagkakapatay sa kanila LA. Ikaw ang leader ng grupo na ipinadala ko doon."

"Dahil iniutos mo sa amin!" malakas ang boses na sagot nito sa ama niya.

"Na ikaw mismo ang nag-suggest. Baka nakakalimutan mo na wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi sa akin."

Natahimik si LA at tiim-bagang nakatingin lamang kay Mike.

"Isa pa ay hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa mo iyon LA, tandaan mo." Tumayo ito at inikutan si Mike, "Natatandaan mo ba ang aksidenteng nangyari sa asawa ko na siyang ikinamatay niya?"

Dahan-dahan itong tumango, "Oo, kaya naman huwag na huwag mong makakalimutan na kung babagsak ako ay kasama kang babagsak Mike, dahil sa bawat ginawa ko ay nasa likod kita." Iyon lang at walang lingon likod itong lumabas ng kwarto. Ilang sandal lang ay sumunod na ang Daddy niya na lumabas ng kwarto.

Nanginginig ang kamay na tinakpan ni Dennise ang bibig niya para at tahimik na umiyak. It's true? Why? How did this happen?

Umiyak ng umiyak si Dennise sa dilim, doon niya ibinuhos ang lahat ng nagsama-samang sakit sa dibdib niya, kaya pala hindi niya nakitang umiyak o naapektuhan ang Daddy niya ng mamatay ang Mommy niya, and what about Alyssa? Nawalan ito ng pamilya dahil sa ama niya.

DAHAN-DAHAN na naglakad si Dennise palapit kay Alyssa na nakatalikod sa kanya, nakatayo ito habang nakatanaw sa malayo nasa lugar sila kung saan dati itong nakatira, ang lupa na inagaw ng ama niya sa pamilya nito. Humarap ito sa kanya ng maramdaman ang presensya niya.

"Dennise!" nakangiting lumapit ito sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Nagpunta ako kila Aye, pero wala ka raw doon nagbaka-sakali lang ako na nandito ka."

Yumuko ito, "So you knew. Nang sabihin sa akin ni Alfred na sinabi na niya sa'yo alam ko na one of these days ay kakausapin mo ako regarding that."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin the first time that I asked you? Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malaman?"

"Dahil kung sinabi ko sayo alam kong masasaktan ka lang. Mas gugustuhin ko ng masaktan ka at magalit sa akin than see you get hurt by your own father, siya na lang ang pamilya na merun ka hahayaan ko pa ba na mawala iyon sa'yo?"

"Don't you think hindi ako nasasaktan ngayon?" pigil ang luha na sabi niya rito. "Knowing na itinago mo sa akin ito? Especially what he did to my Mom? God! Ni hindi ko na maisip kung kaya ko pa siyang tingnan sa mata ng hindi ko nararamdaman ang galit dito." Itinuro niya ang dibdib niya, tuluyan ng tumulo ang luha niya, "When all along alam mo ito, nagmukha akong tanga!"

"Den, that's not what I meant. Itinago ko sa'yo dahil alam kong ito mismo ang mangyayari." Sinubukan siya nitong hawakan pero umiwas siya rito. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito bago ito yumuko.

"I know what my father had done is unforgivable, dahil kahit ako hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya, sa mga taong sinaktan niya. But is it enough reason para gamitin mo ako?" itinulak niya ito sa dibdib, "For you to hurt me? You said ayaw mo kong masaktan pero sinaktan mo pa rin ako, when you used me!" malakas niya itong sinampal.

Hindi ito gumalaw, tinanggap lang nito ang sampal niya. Nagtaas ito ng tingin sa kanya, "That night when you asked me kung ano ang dahilan ko kung bakit ko nagawa iyon, hindi ko sinabi sayo because whether I tell you or not mawawala ka pa rin sa akin, the difference is kung ano ang impact sayo, and this is the exact reason kung bakit hindi ko sinabi sayo."

"You're hurting, yes it is given that I hurt you, but what you're feeling now is beyond hurting. Nasasaktan ka dahil sa pamilya mo, you're dad is your only family now pero nawala na siya ng tuluyan sa'yo ng malaman mo ang lahat, you lost your own father. Though I don't think he deserves you as his daughter." Kumuyom ang mga kamay nito. "Mas gugustuhin ko ng magalit ka sa akin than seeing you na galit sa mundo, sa sarili mo just like what I am seeing now, galit ka sa sarili mo dahil hindi mo matanggap na kayang gawin iyon ng sarili mong ama, galit ka dahil nasasaktan ka."

Nag-iwas siya ng tingin dito, "You don't know even half of what I feel."

"I know, because I feel the same way. Galit ako sa sarili ko dahil kahit alam kong galit ako sa Daddy mo hindi ko pa rin maiwasang protektahan ang image niya sayo, dahil na rin sayo. Dahil dapat ginagawa ko ang talagang trabaho ko para makapaghiganti sa kanya pero hindi ko matuloy-tuloy dahil sayo, dapat binibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko pero hindi ko magawa dahil sayo! Now tell me, do you even know half of what I am feeling right now?"

Natigilan siya sa sinabi nito, nakita rin niya ang pagtulo ng luha sa pisngi nito. "Alyssa—" pabulong na sabi niya.

Hinawakan siya nito sa kamay at itinaas iyon, "This." Ipinakita nito sa kanya ang suot niyang bracelet na bigay nito. "You once asked me kung sino ang nagbigay nito sa akin, regalo sa akin to ni Clarissa, ang kakambal ko na kasamang namatay at inilibing sa mismong lugar na ito. Sabi niya sa akin ibigay ko ito sa babaeng magpapasaya sa akin, ng ibigay ko ito sayo kasama kong ibinigay ang dapat na hustisya ng pamilya ko dahil mas pinili ko ang maging masaya kasama ka kaysa sa galit dito sa dibdib ko."

Hindi siya sumagot dito, nanatili lang siyang nakatitig sa bracelet na nakasuot sa kamay niya.

Binitawan nito ang kamay niya, "No, I don't think you know even half of what I feel." Naglakad na ito palayo sa kanya.

Napaupo siya sa damuhan ng marinig niya ang papalayong sasakyan nito, itinukod niya ang dalawang kamay sa lupa at hinayaang tumulo ang luha niya. She now realized kung ano ang mga ginawa nito para sa kanya, pero ano ang dapat niyang gawin? Hindi niya alam kung dapat pa ba na maging sila kung alam niyang pareho silang masasaktan, madami na itong ibinigay para sa kanya pero siya wala pa siyang nagagawa na para dito.

BIGLANG pumasok si Alyssa sa kwarto na tinutuluyan ni Alfred, "We're going."

Napabalikwas ito ng bangon, "Now? Nakausap mo na ba si Dennise?"

Tumiim ang mga bagang niya, "Yes. Get ready, aalis na tayo." hindi na niya ito hinintay na sumagot, lumabas na siya ng kwarto nito at kinuha ang cellphone niya.

"Lolo, I'm ready. Let's start tomorrow."

Pagkababa ng tawag ay tumingin siya sa taas at sinuklay ang buhok niya, "This is the right thing. I know, I'm doing it right. God, please guide me."

3ؑC

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon