RH: Chapter 35

2.4K 67 1
                                    


"HOY!" tinulak si Dennise ni Ella. "Kanina ka pa tulala jan."

Hindi niya ito pinansin at pumangalumbaba lang siya sa lamesa. Nasa bahay sila ni Mia, pagkatapos ng lahat ng nalaman niya ay umalis kaagad siya sa probinsya nila at dumiretso sa mga kaibigan niya, kailangan niya ng mahihingahan ng sama ng loob.

"Ano ba, magpapaka-emo ka na lang ba jan?" sabi naman ni Mia na tinabihan siya.

"Nag-iisip kasi ako kung paano ba ang dapat kong gawin."

"Isa lang naman ang tamang gawin." Seryosong sabi ni Mia sa kanya, "Magsumbong ka sa pulis, NBI, kahit saan na pwede. Oo ama mo siya pero alam mong napakalaking kasalanan ang nagawa niya, kaya ang dapat ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para maitama yun."

"Yan din ang naisip ko, pero paano? Wala naman akong ebidensya."

"Psh, problema ba yun, eh di maghanap ka sa gamit ng Daddy mo. Paano ba niya na-acquire yung lupa na sinasabi mo? In a legal way ba? For sure may mga papel siyang pinirmahan, hanapin mo yun at isa pa tsaka for sure may iba pang lalabas na testigo." Dire-diretsong sabi ni Ella habang kumakain ito ng cake. Habang sila naman ay gulat na nakatingin lang dito.

"Naks! May sense ka din pala kahit minsan magsalita no?" hindi mapigilan na comment ni Laura.

"Ha?" nag-angat lang ito ng tingin sa kanila.

PAGPASOK ni Dennise sa study ng Daddy niya ay kaagad niyang isinara ang pinto at mabilis na lumapit sa table. Binuksan niya ang drawer doon at nag-umpisang maghanap hanap ng mga papeles. Buti na lang at nasaktong hindi pa umuuwi ang Daddy niya kaya naman hindi siya nag-alalang baka mahuli siya.

Inisa-isa niya lahat ng makita niyang papeles doon pero wala pa rin siyang makita na pwede niyang magamit, "Nasaan na ba yun?" isinara niya ang drawer at binuksan ang kabila ng gumalaw-galaw ang door knob at bumukas iyon. Napasinghap siya at gulat na napatingin sa pumasok.

"Dennise? Ano ginagawa mo dito?" tanong ng abogado ng Daddy niya ng makita siya nito.

Kinundisyon muna niya ang paghinga niya bago sumagot. "Hinahanap ko yung notebook ko, naiwan ko yata dito." Pasimple niyang isinara ang nakabukas na drawer. "Kayo po? Wala pa si Daddy hindi pa bumabalik."

"Ah may pinapaiwan lang siyang papeles dito." Lumapit ito sa isang drawer at inilagay ang hawak nitong brown envelope doon.

Bigla niya naisip na matagal na itong nagta-trabaho sa Daddy niya kaya naman malamang na may alam ito sa kung ano man na papel na kailangan niya.

"Paano, mauna na ako at may meeting pa akong pupuntahan idinaan ko lang yung kailangan kong iwan." Paalam nito.

"Sige po, ingat kayo." Ng makalabas ito ng kwarto ay mabilis siyang lumapit sa pinto at siniguradong nakaalis na ito bago siya lumapit sa drawer na binuksan nito.

Inisa-isa niya ang mga envelope doon ng may mahugot siyang folder na may pangalan niya, binuksan niya iyon. "What is this?"

Nakalagay doon na may pinirmahan siya kung saan ibinibigay niya lahat ng shares of stock niya sa Daddy niya which removes her as the owner of her Mother's company. Pero wala siyang natatandaan na may pinirmahan siyang kahit na anong kasulatan, ni hindi niya nga alam na sa kanya pala iniwan ng Mommy niya ang kompanya.

"Don't tell me this is the exact reason why he killed mom, para sa kayamanan." Mahinang sabi niya sa sarili, alam niya na ang Mommy talaga niya ang mayaman at dati lang nagta-trabaho ang Daddy niya sa kompanya ng Mommy niya, nagkaroon lang ito ng karapatan ng magpakasal ang mga ito.

Dala ang folder na iyon ay lumabas siya ng kwarto.

PAGPASOK ni Dennise sa sariling kwarto niya ay inilabas ulit niya ang folder at binasa ang laman, ayaw man niyang isipin ay mukhang may kinalaman ang papeles na iyon sa pagkakapatay sa Mommy niya.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon