RH: Chapter 36

2K 62 0
                                    

"YUN LANG? yung lang ang sinabi niya sa'yo? Kapag okay na problema niyo tsaka pa lang kayo magiging okay?" tanong ni Ella sa kanya. Nandoon siya sa bahay nito habang naghihintay kay Alyssa.

Tumango siya rito at malungkot na sumubsob sa garden table. "Yun lang sabi niya tapos umalis na."

"Ano naman sinagot mo?"

"Wala."

"Wala?! Bakit naman hindi ka sumagot? Dapat nag-protesta ka, sinabi mong kahit hindi pa okay pwede naman kayong maging okay."

Nag-angat siya ng mukha. "Umalis nga agad siya bago pa ko makapagsalita."

"Pero kung sakali ano dapat ang isasagot mo?"

Napa-isip siya, ano nga ba ang isasagot niya kung nagkataon? "Hindi ko alam."

"Seryoso?"

Malungkot na tumango siya. "That day ng magkausap kami, ng aminin niya sa akin lahat I realize na ang dami na pala niyang nagawa para sa akin, naisakripisyo, pero ako wala pa akong nagagawa na para sa kanya, pakiramdam ko napakawalang kwenta ko." May tumulong luha sa mata niya.

"Don't think like that." Nilapitan siya ni Ella at ito na mismo nagpunas ng luha niya. "Pareho lang kayong nasaktan at nasasaktan ni Alyssa kaya wag mong isipin na wala kang kwenta."

"No, gusto kong patunayan, sa kanya at sa sarili ko na may kaya akong gawin."

"What do you mean? Ano ang gagawin mo?"

Umiling siya, "Hindi ko pa alam, basta sa ngayon dapat lang siguro na ganito muna kami."

"Pero mahal mo pa siya?"

"Oo naman, hindi naman mawawala yun, pero kasi—" napabuntung hininga siya.

Napakamot na lang si Ella sa ulo. "Ayan na princess charming mo."

Napalingon siya at nakita niya nga si Alyssa na palabas din ng veranda palapit sa kanila.

"Kanina ka pa?" tanong nito ng makalapit sa kanila. "Pasensya ka na ah medyo natagalan ako."

Yun lang di man lang nagpaliwanag kung bakit siya na-late, Naghintay kaya ako! Nakakainis!"Let's go."

Tumayo na siya at humalik sa pisngi ni Ella, "Bye, alis na kami ." nilagpasan lang niya si Alyssa at hindi ito pinansin.

"Anong problema nun?" narinig pa niyang tanong ni Alyssa kay Ella.

"DITO na ba yun?" tanong ni Dennise kay Alyssa paghinto nila sa isang talyer, hindi iyon pangkaraniwang talyer malaki iyon at maayos.

"Oo, dito inilagak ang sasakyan niyo dati ng maaksidente kayo ang pagkaka-alam ko dito rin pinatingnan kung ano ang naging problema ng sasakyan na siyang dahilan ng pagkaka-aksidente niyo." Bumaba ito ng sasakyan at umikot sa gawi niya, ang akala niya ay pagbubuksan siya nito pero dire-diretso lang itong pumasok ng shop.

"Bwisit!" naiinis na bumaba siya ng sasakyan. Nang abutan niya ito ay sadyang binangga niya ito at nilagpasan lang.

"Yes Ma'am?" nakangiting tanong sa kanya ng nasa counter na lalaki, halatang pa-cute ito sa kanya.

"May hinahanap po kasi kaming tao." Nakangiting sagot niya rito, baka kasi hindi sila nito i-entertain kapag nalaman na hindi naman pala sila customer.

"Sino?" lalong lumuwang ang ngiti nito.

Nilingon niya si Alyssa na palapit sa counter nakakunot ang noo nito, "Yung may ari, si Mang Felipe?"

Nagpabalik balik muna ang tingin ng lalaki sa kanila ni Alyssa bago nagkamot ng ulo. "Teka tatawagin ko lng si Boss." Lumabas ito sa counter.

Habang naghihintay ay iniwasan niyang tingnan si Alyssa kahit nararamdaman niyang nakatingin ito sa kanya, naiinis siya rito kahit na walang dahilan basta naiinis siya rito gusto niyang mainis.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon