RH: Chapter 5

3.7K 95 0
                                    

NAGBABASA sa library si Dennise kasama si Mia ng may umupo sa tapat nila.

"Hi Den." Bati ni Alyssa sa kanya, ngumiti ito sa kanya. "Hi! I'm Alyssa." Pakilala ni Alyssa kay Ella at nakipag-kamay rito.

"Hello, Mia." Tiningnan siya ni Mia na parang nagtatanong, "Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Denden." Nilingon nito si Alyssa, naramdaman niya ang pagsipa sa kanya ni Ella sa ilalim ng lamesa.

"Aw!"

"Bakit?" tanong sa kanya ni Alyssa.

"Ah, wala." Umiling siya rito at nginitian ito.

"Ahm, kagabi lang kami nag-meet sa party." Baling nito kay Ella.

"I see." Binalingan siya ni Ella. "Nakabalik na pala ang Daddy mo."

"Yeah, pero bumalik din kaagad siya sa province namin." Napatingin siya kay Alyssa, kumunot ang noo niya ng parang may dumaang galit sa mga mata nito pero ngumiti naman ito kaagad sa kanya kaya hindi na lang niya pinansin.

"You wanna grab some snacks?" sabi ni Alyssa, "My treat."

"Sure!" biglang pagpayag ni Ella, napalingon siya rito. "Let's go." Tumayo na ito at hinila siya kaya naman wala na siyang nagawa kundi tumayo.

Kinuha niya ang mga libro niya ng kunin iyon sa kanya ni Alyssa, "Ako na magdadala."

"Ahm, thanks." Nginitian niya ito at sabay –sabay na silang lumabas ng library.

Nakarating sila sa canteen ng school nila, naunang umupo si Alyssa ng itulak siya ni Ella kaya naman napaupo siya sa tabi ni Alyssa at naupo naman si Ella sa tapat niya, tiningnan niya ito ng masama.

"Ako na o-order sa atin." Pag-prisinta ni Alyssa, tumayo na ito.

"Samahan ka na daw ni Denden." Sinipa naman siya sa ilalim ng lamesa ni Ella.

"Aw! Ha?" napatingin siya kay Alyssa, nakatingin ito sa kanya. "Ahm, sige samahan na kita." Tumayo na rin siya.

"Pasensya ka na kay Ella ah, makulit talaga yun." Sabi niya rito, ng tumitingin na sila ng mga pagkain.

"I'm fine with it," nag-order na ito at nilingon siya after. "She seems fun to be with naman."

"Yep, minsan nasosobrahan lang talaga sa kakulitan." Ngumiti siya rito, ng mapansin niyang nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?" medyo naiilang na tanong niya.

Umiling ito sa kanya at nag-iwas ng tingin, kinuha na nito ang tray na may order nila at bumalik na sa table nila.

Habang kumakain sila ay patingin-tingin sa kanila si Ella, "Ano ka ba Ella, hindi ka mapakali dyan."

"Napansin ko lang, bagay kayong dalawa." Kinikilig na sabi nito.

"Talaga?" inakbayan at nilingon siya ni Alyssa, napatingin naman siya kamay nito at dito, "Oops, sorry." Nag-peace sign ito sa kanya at napakamot sa ulo. Ngumiti na lang siya rito.

"Dennise?" napalingon silang lahat kay Myco nakakunot ang noo nito at masama ang tingin kay Alyssa, "Baby, bakit kasama mo siya at bakit magkatabi kayo?" sabi nito at tiningnan siya na parang pinagtataksilan niya ito.

"Baby? He's your boyfriend? You have a boyfriend?" nakakunot ang noo na tanong ni Alyssa sa kanya.

"What? No way! She's not my girlfriend."

"Den naman." Malungkot na sabi ni Myco.

Tumayo siya at hinawakan ito sa braso, "Myco, I'm sorry pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo, can we stay that way? As friends, please." Inalis nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito bago walang salitang umalis. Napabuga siya ng hangin bago malungkot ng umupo.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon