RH: Chapter 25

3K 76 2
                                    

INIHINTO ni Alyssa ang motor sa isang open field na may net ng soccer.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Den pagkababa niya.

"Maglalaro tayo." sagot sa kanya ni Alyssa, inilabas nito ang bola ng soccer mula sa bag na dala nito.

"Huh? Di ako marunong."

"Kaya nga tuturuan kita." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila sa gitna ng field. "Dito ako unang natuto maglaro ng soccer, I was 15 that time ng maligaw ako dito, dito ko rin unang nakilala si Alfred naglalaro siya nun dito mag-isa."

Nang makarating sila sa gitna ng field ay ibinaba nito ang hawak na bola. "Warm up ka muna para hindi ka pulikatin."

"I know, dancer ako remember?"

"Sabi ko nga." Pinisil nito ang pisngi niya.

Nag-umpisa na siyang mag-warm up, habang ito naman ay nilaro-laro ang bola sa paa nito. Napatigil siya habang pinapanuod ito, masyado itong absorb sa ginagawa ng mapatingin ito sa kanya.

"Huwag ako panuorin mo, baka lalo kang ma-in love sa'kin."

"Huh! As if, ikaw nga patay na patay sa'kin no." tinalikuran na niya ito at itinuloy ang pagwa-warm up.

HABANG tinuturuan siya ni Alyssa na maglaro ay halos wala din siyang matutunan dahil wala naman itong ginawa kundi humawak sa kanya. Tinapik niya ito sa kamay ng humawak ito sa bewang niya.

"Ano ba, paano ko matututo kung landi ka ng landi sakin?"

Natatawang niyakap siya nito mula sa likod at hinalikan siya sa pisngi. "Serious na to."

Pumunta na ito sa harap niya at seryoso siyang tinuruan, maya-maya pa ay nakakasabay na siya rito.

"Kaya mo na, galing mo talaga!" puri nito sa kanya at nakipag-high five. "Next."

"May next pa?" napapagod na napaupo siya sa damuhan.

"Oo naman, ayaw mo na ba? Last na 'to." Hinila siya nito patayo.

"Promise?" tanong niya ng makatayo na siya.

Tumango ito sa kanya, "Pag nagawa mo ito lahat ng gusto mo susundin ko." Itinaas pa nito ang kamay bilang pag-promise nito.

"Okay." Masiglang sabi niya.

Ipinuwesto nito ang bola sa penalty spot at tumayo ito sa tapat ng net, "Kailangan mo mai-goal ang bola from that spot."

"What?" gulat na sabi niya, tiningnan niya ang bola at net na kinatatayuan nito.

"That's impossible, tapos haharangin mo pa." inirapan niya ito.

"Siyempre para may thrill."

"Ayoko, ikaw na lang ma-thrill." Umupo siya sa damuhan at niyakap ang bola.

"Sige na, akala ko pa naman palaban ka pero sa isang sipa lang ng bola aatras ka na?" pumamewang ito sa kanya at tiningnan siya ng may paghahamon.

Nakipaglaban siya ng titigan rito, maya-maya ay tumayo siya. "Okay gagawin ko na, tutal mukhang naghahamon ka talaga."

Napangiti ito sa kanya, "Good." Nag-thumbs up sign din ito sa kanya bago umayos ng pwesto sa net.

Ibinaba niya ang bola sa penalty spot at tinitigan ang bola tinantya niya ang layo ng bola sa net. Huminga siya ng malalim bago umatras para kumuha ng bwelo.

Pagsipa niya sa bola ay sinundan niya iyon ng tingin, ng malapit na iyon kay Alyssa ay kumilos ito natakpan niya ang mga mata ng kamay at sumilip sa pagitan ng daliri. Nagulat siya ng imbis na harangin nito ang bola ay iniwasan nito iyon, kaya naman nakapasok ang bola sa net.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon