RH: Chapter 3

3.5K 91 0
                                    

NAGLALAKAD si Alyssa sa loob ng campus ng may humarang sa kanya. "Anong kailangan niyo?"

"Mukhang madali kang makalimot ah." Sabi ng lalaking nasa gitna.

Kumunot ang noo niya at tinitigan ito. "Ah, ikaw ba yung binugbog ko last Sunday sa bar?" tumaas ang sulok ng labi niya.

Naningkit ang mga mata nito sa sinabi niya, "Mayabang ka lang dahil lugar mo yun, pero dito ako ang hari." Pinatunog nito ang mga kamay.

Tiningnan niya isa-isa ang mga ito, kaya niyang patumbahin ang mga ito pero hindi sa lugar na 'yon nasa loob sila ng school premises at ayaw niyang magka-record sa unang araw niya roon at isa pa mas may importanteng bagay siyang dapat pagluunan ng oras. "Wala akong oras sa inyo." Nilagpasan niya ang mga ito. Pinigilan siya nito sa braso, itinulak naman niya ito at tsaka siya tumakbo.

"Habulin niyo!" narinig pa niyang utos nito sa mga kasama, natawa siya rito at ipinagpatuloy ang pagtakbo.

KATATAPOS lang maligo ni Dennise, mag-isa na lang siyang naiwan sa locker room nila. Inalis niya ang twalya at naka-underwear lang siya ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok. Napatili siya, mukhang nagulat naman ito sa kanya.

Bago pa siya maka-react ay lumapit ito sa kanya at tinakpan ang bibig niya, ipinasok siya nito sa shower cubicle at isinara ang pinto. "Shhh, wag ka maingay." Isinalya siya nito sa pader.

Narinig niya na bumukas ang locker room at may mga pumasok. "Dito ba pumasok?" boses ng lalaki. "Wala namang tao."

Tinitigan niya ang mukha ng babae sa harap niya, nakatagilid ang mukha nito sa kanya, nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito, ito yung nakabunggo niya kanina. Naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya ng ma-realize niya ang ayos nila, her body was pressed on hers habang nakatakip ang kamay nito sa bibig niya at naka-underwear lang siya, napapikit siya sa kahihiyan.

"Tara na, bukas na natin hanapin yun." Bumukas at sumara ang pinto ng locker.

Tsaka siya binitawan nito at nilingon. "Pasensya ka na." tinitigan siya nito at bumuka ang bibig nito ng parang mamukhaan din siya nito, bumaba ang tingin nito sa katawan niya, napalunok ito bago bumalik sa mukha niya ang tingin nito. "Sorry talaga."

Nayakap niya ag sarili niya, "Labas ka na."

Mabilis naman itong lumabas ng cubicle. Akala niya ay lalabas agad ito ng locker room kaya naman nagulat siya ng iabot nito sa kanya ang towel niya mula sa taas ng pinto ng cubicle. Kinuha niya iyon at mabilisan itinapi sa sarili. "Salamat." Iyon lang at narinig na niya ang pagbukas at sara ng pinto.

PAGDATING ni Dennise sa bahay nila ay sinalubong siya ni Yaya Ising, "Ya, nasan si Daddy?"

"Kaalis lang, umuwi sa probinsya niyo. Hindi ba nagpaalam sa'yo?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya, "Lagi naman ganoon yun, parang walang paki-alam sa akin." Dumiretso na siya sa kwarto niya, hindi siya lumaki sa ama niya kinuha lang siya nito ng mamatay ang Mommy niya ng 15 years old siya, napapansin lang siya nito kapag kailangan siyang isama nito sa mga business gathering nila.

Pakiramdam niya ang tingin lang nito sa kanya ay tagapag-mana at hindi anak, lagi siya nitong isinasama sa mga business gatherings nito para daw kung makakilala siya ng lalaki na maari niyang maging boyfriend maganda na yung nasa business world din at malaki pa ang maitutulong sa negosyo nila.

Nakahiga na siya sa kama niya ng maalala niya ang nangyari kanina sa school, ang babaeng nakabangga niya at pumasok ng locker room. "Sino kaya yun? Bakit bigla na lang sumusulpot?"

Pipikit na siya ng may maalala, napabangon siya at tumili. "Oh my God!" niyakap niya ang sarili, "Nakita na niya ang katawan ko! Eeeeeeeeeeeeh!" itinakip niya ang kamay sa mukha niya, "At hindi lang yun, nahawakan niya din!" natigilan siya, "Nahawakan niya nga ba? Nadikit lang pero ganun na din yun! Waaaaaaaah!"

"Alyssa, can we talk?" natigil si Alyssa sa pag-akyat ng hagdan, nilingon niya ang lolo niya na nakatayo sa pinto ng study nito.

Lumapit siya rito, "Ano yun 'lo?" sumunod siya rito ng pumasok ito sa loob ng study.

"As I have said dati, I'm planning na ipakilala ka na sa public as my successor, that is actually on the plan right ang makilala ka ni Mike, so you better prepare gathering would be next week." Naupo ito sa swivel chair sa likod ng desk nito.

"Lo, make sure na isasama niya ang anak niya sa party." Naupo siya sa sofa.

"Why?"

"As I have said 'lo, kinuha niya sakin ang pamilya ko kaya dapat lang din na kuhanin ko sa kanya ang pinakamahalagang tao sa kanya." Tumayo na siya at naglakad sa palapit sa pinto.

"You mean..."

Nilingon niya ito, ng nasa tapat na siya ng pinto. "Yes Lolo." She smirked at him before she leaved the room.

Pagpasok niya sa sariling kwarto ay hinubad niya ang jacket at pabagsak na humiga sa kama, she close her eyes and think of her family. Bumangon na naman ang galit sa dibdib niya, "Tulad ng pinangako ko sa inyo, gaganti ako at malapit na 'yon."

Bumangon siya at binuksan ang drawer ng side table niya ng makita niya ang picture ni Dennise doon kinuha niya iyon at tinitigan. Maganda ito, lalo na ang mga mata nito, she smile as she remember what happened that day and her cute reaction when alyssa saw her almost naked.

Napahawak siya sa dibdib niya ng parang biglang kumabog 'yon that same feeling when they accidentally bump into each other and their eyes met.

"What's happening to me?" tumayo siya para lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina, kumuha siya ng tubig sa ref at uminom. Isinandal niya ang noo sa pinto ng ref, "I think I'm just tired, kailangan ko ng maka-isip ng paraan para magkakilala kami ni Dennise."

And again Den's face flashed on her mind, "Argh!" nasabunutan niya ang sarili.

"DEN, may bagong student, transferee." sabi ni Ella sa kanya.

"Ano naman bago dun? Every sem naman may transferee." Nagtatakang siya rito.

"This time it's different! Ang cute niya!" kinikilig na sabi nito.

Umikot ang mata niya rito, "Cute? Ano siya aso?"

"Huh! Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nakikita no." inirapan siya nito. "OMG! Ayun siya!" itinuro nito ang babae na nakasandal sa lockers at sakto naman na nag-angat ito ng tingin at nagsalubong ang paningin nila.

Napasinghap siya, Yung babae kahapon! Nakatitig ito sa kanya, kaya naman nahila niya si Ella at pumasok sa nadaanan nilang CR.

"Ano ka ba? Pagkakataon ko na 'yun, nakatingin siya sa gawi natin." Reklamo nito sa kanya.

"OA mo naman, malay mo naman kung satin nga nakatingin."

"Bakit ka ba kasi nanghila?"

"Ahm, nakita ko kasi si Myco." Pagsisinungaling niya.

Naglakad si Ella papunta sa pinto,

"San ka pupunta?" tanong nya.

"Check ko lang kung nasa labas pa si Myco." Tuluyan na itong lumabas ng CR. Maya-maya pa ay bumalik din ito, "Wala na, tara na baka ma-late pa tayo."


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon