RH: Chapter 29

3.4K 76 0
                                    


"BAKIT naman tayo umalis doon?" reklamo ni Chris kay Dennise habang nasa sasakyan sila, hindi pa sila umaalis naka-park lang sila at nag-uusap.

"Kasi hindi ka naman kakausapin talaga ni Tita, kita mo ngang babatuhin ka na ng vase."

"Ang kailangan mo kasi Kuya Chris," singit ni Alyssa sa usapan nila. "Suyuin mo, yung sweet na talagang hindi siya makakatanggi sa'yo hindi yung susugurin mo sa hotel room talagang mababato ka niya."

"Paano gagawin natin?" tanong nito sa kanila.

Napaisip din siya, "Wait, di ba singer ka Tito?" tumango ito sa kanya. "Haranahin mo kaya?"

"Pwede yun." Sang-ayon ni Alyssa, "Tutulungan ka namin na mag-prepare."

"Talaga?"

"Oo naman, pero sa ngayon magpahinga ka muna. Gusto mo ba munang makasama si Julie Anne?" tanong niya rito.

Sa wakas ay napangiti na rin ito, "Oo naman."

"Oh sige, hihiramin ko muna siya kay Tita then ihahatid ko siya sa hotel na tutuluyan mo."

Inihatid na nila ito sa hotel na pag-stay-an nito at tsaka sila bumalik sa hotel ng Tita niya.

"Ano na naman?" nakasimangot na salubong nito sa kanila ni Alyssa.

"Tita, sorry na. Gusto ko lang naman na magka-ayos kayo ni Tito, wala na siya hindi ko na siya kasama promise." Naglalambing na yumakap siya rito, "Huwag na magtampo ha?" she looked at her with puppy eyes.

"Matitiis ba naman kita with that look?" pinisil nito ang pisngi niya. Napangiti na ito sa kanya.

"Thank you Tita." Yumakap ulit siya rito. "Can I ask a favor?"

"Ano?"

"Pahiram muna si Julie Anne, ililibot lang namin ni Ly." Ngumiti siya ng alanganin dito.

"Sigurado ka bang ikaw ang nanghihiram?" pumamewang ito sa kanya.

Napakamot siya sa noo, "Actually si Tito talaga, nami-miss na daw kasi niya si Julie. Pagbigyan mo na Tita, siyempre kahit naman si Julie nami-miss na niya yung Daddy niya di ba?"

Napaisip ito. "Okay, sunduin niyo na lang sa ninang niya tawagan niyo." May iniabot itong calling card sa kanila.

"Thanks Tita."

"REALLY Ate Dennise? I'm seeing Daddy?" masayang tanong ni Julie ng sunduin nila ito ni Alyssa sa ninang nito.

Nakangiting tumango siya rito. "Yup, pumayag na si Mommy mo so ihahatid ka namin."

"Yehey!" yumakap ito sa kanya, "Thank you."

Pagkahatid nila kay Julie kay Tito Chris ay sobra pasasalamat nito. "Thank you, kung hindi dahil sa inyo baka hindi pumayag si Cha na nasa akin ang anak namin."

"Wala yun Tito ano ka ba." Napangiti siya sa nakitang saya kay Julie ng makita nito ang Daddy nito.

"Paano nga pala plano natin na magka-ayos kami ni Cha?"

"Ako na bahala dyan Kuya Chris," sabi ni Alyssa "Ang gawin mo na lang mag-practice ka ng kakantahin mo, may dala ka bang gitara?"

Umiling ito, "Hindi ko na naisip na makapag-dala."

"Pahiramin na lang muna kita Tito, dalhin ko dito mamaya." Alok niya.

"Then tawagan ka na lang namin kung saan ka pupunta." Dugtong ni Alyssa. "Ako na bahala sa lahat wala ka ng aalalahanin after nito for sure okay na kayo."

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon