RH: Chapter 22

2.9K 85 0
                                    

"HI Lolo Nestor!" masayang bati ni Dennise sa lolo ni Alyssa ng makapasok sya sa bahay ng mga ito.

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya, "Den hija, buti naman at napadalaw ka."

"Pasensya na po ngayon lang ako nakapunta dito, pasalubong ko po pala." Iniabot niya rito ang box na dala niya na may lamang cookies. "Ako pa po ang nag-bake niyan para sa inyo."

"Salamat." Kinuha nito mula sa kanya ang box at bahagyang ginulo ang buhok niya. "Yang isang box?" tukoy nito sa isa niya pang dala na box.

"Kay Alyssa po." Nakangiting sabi niya.

"Ganoon ba, halika ibigay mo na sa maid at ng maihanda sa inyo."

Iniiwas niya rito ang hawak na box, "Hindi pwede 'lo kasi kailangan si Ly ang unang makakita."

Natawa ito sa kanya, "Ganun ba, oh siya nandun siya sa pool area puntahan mo na lang routine na kasi niya iyon ang mag-swimming ng ganitong oras."

"Sige po." Nagtuloy-tuloy na siya sa pool area, paglabas niya sa sliding door ay sakto naman na nakita niya ang pag-dive ni Alyssa at pagtuloy nito sa paglangoy.

Tumayo siya sa gilid ng pool at hinintay ito na makabuo ng isang laps at makabalik.

Nang pag-ahon ng ulo nito ay umangat ang paningin nito mula sa paa niya hanggang ulo niya, napangiti ito ng makita siya. "Sabi na, legs pa lang ikaw na."

Umupo siya at sinabuyan ito ng tubig mula sa pool. "Puro ka talaga kalokohan. Ahon ka na dyan."

"Gusto mo lang makita katawan ko eh." Lumangoy na ito papunta sa hagdan.

"Huh! As if!" lumapit siya sa upuan at kinuha doon ang towel na nakasabit.

Pagharap niya ay sakto namang pag-ahon ni Alyssa mula sa pool, napatitig siya rito mula sa pagtulo ng tubig sa katawan nito hanggang sa paghawi nito sa buhok palayo sa mukha nito. Naglakad ito palapit sa kanya, pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras.

"Abs.." Yun lang ang tumatakbo sa isip ni Dennise

At dahil two piece lang ito ay nailang siya, hindi na bago sa kanya ang makakita ng katawan ng babae. Dahil sya sa mga kasama nya sa Cheering squad. Pero iba sa Alyssa.

Paglapit sa kanya ni Alyssa ay iniabot niya rito ang towel na hawak niya, iniwasan niya ang mapatingin sa katawan nito. Pagkakuha nito sa kanya ng towel ay kumindat ito sa kanya kaya pakiramdam niya nadoble ang pamumula ng mukha niya. Tinalikuran niya ito at naupo sa garden set.

Naupo ito sa tabi niya at nakita niyang naka-robe na ito kaya naman nabawasan na ang pagkailang niya although hindi rin nito itinali ng maayos ang robe na suot. Maya-maya ay dumating ang isang maid na may dalang juice at tig-isang platito at tinidor merun din ng cookies na binigay niya kay Lolo Nestor.

"Oh right, here." Iniabot niya kay Alyssa ang box na dala niya kanina. "Ako nag-bake niyan pati yang cookies."

Kinuha nito sa kanya ang box, "Really? Thanks." Inakbayan siya nito at naramdaman niya ang paghalik nito sa sentido niya. Kumuha ito ng cookie at tinikman iyon. "Hmn." Tumango-tango ito habang nakangiti.

"How is it?"

Tinitigan siya nito. "Perfect!" isinubo nito sa kanya ang kalahati ng nakagatan nito.

"Open mo na yung binigay ko sa'yo."

"Oo nga pala." Ipinatong nito sa kandungan nito ang box na bigay niya at dahan-dahang binuksan. "Wow."

Chocolate cake iyon na may nakasulat na I ♥ U na color orange which is her favorite color nito at may mga designs din iyon na heart na color blue na favorite color naman niya.

"Did you like it?" kinakabahang tanong niya, ngayon lang niya sinubukan na mag-bake ng cake at lagyan din ng sarili niyang design, dati ay masaya na siya na mag-bake para i-share sa mga kaibigan niya.

"I love it!" nakangiting sabi nito sa kanya, kitang-kita rin ang kasiyahan sa mukha nito "Kung pwede lang na wag na lang kainin to para hindi masira."

"Pero sayang naman."

"Yeah, thank you babe." Ibinaba nito sa lamesa ang cake at niyakap siya, gumanti siya ng yakap dito kahit na basa ito.

"Gusto mo na bang tikman ngayon?" tanong niya rito ng humiwalay na siya rito.

Napatingin ito sa cake, "Mamaya na lang pagsawain ko muna mata ko. Sayang yung message."

Natatawang kinurot niya ito sa ilong. "Sige na nga." Tumayo na siya at hinila ito patayo. "Tara na sa loob, magbihis ka na."

"What? Hindi ka ba nama-machohan sa akin?" pinakita pa nito sa kanya ang bicep nito.

"Hindi, kasi mas macho ko sa'yo."

Natatawang inakbayan siya nito at naglakad na sila papasok sa loob ng bahay, "Mas macho ka pero mas mas sexy ako sayo."

TUMITINGIN-TINGIN si Dennise ng mga pictures sa album habang hinihintay niya si Alyssa na makaligo, nasa entertainment room siya.

Napakunot ang noo niya ng mapansin na wala itong baby pictures ang picture lang na merun ito ay ng medyo binata na ito sa tingin niya ay 15 to 16 years old ito. At malaki rin ang pinagbago ng itsura nito, payat ito noon at may pagka-dark ang skin nito na parang babad ito sa araw kumpara sa ngayon na hindi na ito ganon kaitim. Morena na ang kulay nito. Wala rin itong picture na kasama ang mga magulang nito.

Siya namang pagdating ni Alyssa, nakapaligo na ito at medyo basa pa ang buhok ng maupo sa tabi niya. "Bagay pala sayo yung medyo dark-skinned." Pinakita niya rito ang pictures nito.

Napangiti ito ng tipid. Kinuha nito mula sa kanya ang photo album at itinabi.

"Nasaan nga pala mga baby pictures mo? Bakit wala yata dito?"

"Nasunog." Simpleng sabi nito sa kanya.

"Ha?"

Nilingon siya nito at noon niya napansin na parang malungkot ito na agad naman nitong naitago ng ngumiti ito sa kanya, "Just kidding, wala dito talaga dahil 15 years old na ko ng makuha ako ng Lolo ko."

Tumango-tango lang siya rito, hindi na siya nagtanong at naramdaman niya na parang ayaw nitong magkwento at hindi rin niya magugustuhan kung anu man iyon. "Ano nga pala papanuorin nating movie?" tanong niya rito.

"Let's see." Inilabas nito ang mga DVDs nito at naghanap ng maaring mapanood nila. "This one, gusto ko 'to."

Pinakita nito sa kanya ang hawak nitong DVD, "Ayoko yan!" tanggi agad niya.

"Bakit? Maganda kaya 'to."

"Basta ayoko yan The Grudge."


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon