RH: Chapter 26

2.7K 67 0
                                    

"BAKIT parang biglaan naman yata ang uwi ng Tita mo? Sabi mo kahapon mo lang na-receive yung e-mail niya." Tanong ni Alyssa kay Den habang papunta sila sa airport para sunduin ang tita niya na uuwi ng Pilipinas galing Paris.

Nagkibit siya ng balikat, "Di ko rin alam, malamang nag-away na naman sila ng asawa niya ganun naman talaga lagi yung dalawang yun. Away-bati."

Tumango-tango ito sa kanya, "So ang parusa ko lang is magiging driver niyo ko for the whole time na nandito ang Tita mo?" pagkumpirma nito.

"Yup! And ikaw din ang maga-alaga sa anak niya."

"I'm fine with it, mahilig naman ako sa bata."

"Sabi mo yan ah." Kinurot niya ito sa pisngi at humilig rito.

"This Friday na pala alis mo." Sabi nito sa kanya, "Uuwi ka na sa province niyo. Last day of class na din 'yon so ibig sabihin buong semester break dun ka?"

"Hmm, I don't know yet." Ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "Why? Mami-miss mo ako?"

"Ikaw nga ang iniisip ko, baka kasi masyado mo kong ma-miss."

Lumayo siya rito, "Asa ka pa."

Pagdating nila sa airport ay naghintay sila sa pagdating ng Tita niya.

"So, what is she like?"

"Hmm, mabait yun kaya nga favorite Tita ko siya." Nilingon niya ito, "Kapatid siya ng Mommy ko."

"I see." Inakbayan siya nito ikinawit naman niya ang braso sa bewang nito.

Maya-maya pa ay natanawan na niya ang paglabas ng Tita niya. "There she is!" itinuro niya kay Alyssa ang Tita niya na nagpalinga-linga ng makita siya nito ay masiglang kumaway ito sa kanya.

Lumapit sila dito at niyakap ito, "Tita! I missed you."

"I missed you too, baby girl." Hinalikan siya nito sa tuktok ng ulo, napangiti siya sa endearment nito sa kanya mula pa noong bata siya.

Kumalas siya rito at hinawakan sa kamay si Alyssa na nakatayo lang sa tabi niya. "Ly, this is my aunt, Tita Cha." Pakilala niya, "And Tita si Alyssa po, ahm." Nilingon niya si Alyssa, "Girlfriend ko po."

"Hello po." Nakipagkamay si Alyssa rito pero tinaasan lang ito ng kilay ng tita niya.

"Let's go." Aya ni Tita Cha at nilagpasan ito, napangiti siya at si Alyssa naman ay napakamot na lang sa ulo nito.

"Hello there little girl." Bati niya sa 5 years old na anak ng tita niya na kumapit sa palda niya, binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Hi ate Den, did you missed me too?"

"Of course! I missed you."

"Me too. I missed you." Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Den, let's go." Narinig niyang sabi ng Tita niya.

"Yes Tita." Nilingon niya si Alyssa, "Tara."

Binuhat naman ni Alyssa ang mga bagahe ng Tita niya tsaka siya sinabayan sa paglakad papunta sa sasakyan nito.

Habang naglalakad ay binulungan siya ni Alyssa, "Kala ko ba mabait? Bat parang ang sungit yata sa akin."

Natawa siya rito. "Ano ka ba, syempre may pagka-over protective kasi sa akin si Tita kaya ganyan. Saka nagulat lang siguro yun"

Pagdating nila sa sasakyan ay inilagay ni Alyssa ang mga gamit sa compartment ng sasakyan nito.

"Are you sure with that girl?" narinig niyang bulong ng Tita niya sa kanya habang nakatingin kay Alyssa.

"Tita Cha naman." Nilingon niya ito at ikinawit ang braso sa bewang nito. "You get to know her okay? Para ikaw na mismo makapag-sabi kung okay ba siya or hindi."

Umirap ito, "Okay, because you said so."

Nang matapos si Alyssa sa paglalagay ng gamit ay lumapit na ito sa kanila. "Done, let's go."

Binuksan nito ang backseat at sumakay na si Tita Cha at ang pinsan niya. Sasakay na siya sa passenger seat ng bulungan siya ni Alyssa.

"Sa likod ka na sumakay, tabihan mo na yung Tita mo para makapag-usap kayo."

"Are you sure?" gulat na tanong niya.

Tumango ito sa kanya.

"Hindi ka kaya magmukhang driver niyan?"

"Ikaw na nga mismo nagsabing magiging driver niyo ako the whole time na nandito ang Tita mo di ba?"

Napangiti siya sa sinabi nito, "Okay sabi mo eh." Sumakay na siya sa backseat katabi ni Tita Cha.

Napakunot ang noon g Tita niya ng tumabi siya rito, "Bakit dito ka naupo?"

Inginuso niya si Alyssa na umikot papunta sa dirver seat, "Siya kasi dito daw ako maupo para makapag-usap tayo."

"Ano, venue na agad tayo?" tanong ni Alyssa ng makasakay na ito.

"Venue?" tanong ng Tita niya.

"It's a surprise Tita." Kinindatan niya ito. "By the way Tita, ano na naman pinaga-awayan niyo ni Tito Chris at napa-uwi ka ng Pilipinas?"

"Paano mo naman nasabi na dahil doon kaya ako umuwi?"

"Kasi lagi naman ganyan ang drama niyong dalawa, mag-aaway kayo aalis ka then susunod naman si Tito para amuhin kayo, ano pa bago dun?"

"Basta naiinis ako sa kanya, bahala siya sa doon mag-isa." Naka-ingos na sabi nito.

"Ano na naman ba pinag-awayan niyo?"

"Wala! Naiinis lang ako sa kanya."

Natatawang napailing na lang siya rito.

"Now I know may pinagminahan pala si Den." Natatawang singit ni Alyssa sa usapan nila.

"Ano?"

"What do you mean?" sabay na tanong nila ni Tita Cha.

"I remember noong hindi pa tayo, binato mo ko ng tangkay kasi nagalit ka sa akin."

"FYI! Ikaw din naman nauna kung bakit ako nagalit sa'yo that time no."

"Wala na kong sinabi, oo na lang."

"Ganyan dapat Den," sabi ni Tita Cha. "Wag mong hahayaan na lalaki ang magpalakad ng relasyon niyo, dapat ikaw."

"E pano po yun, pareho kaming babae. At saka Di ba dapat po pantay?" Natatawang reklamo ni Alyssa na tiningnan sila mula sa rearview mirror.

"Hindi, dapat sino ang "babae"."

"Wala na ulit akong sinabi." Napakamot na lang sa noo si Alyssa.

"Hello Kuya." Bati ng pinsan niya na nakasilip sa sandalan ng driver seat.

"Hello there, cute girl." Nakangiting bati ni Alyssa rito.

"Are you our driver?"

Natawa si Alyssa rito, "Well, you could say that."

"But you don't look like one."

"Really? Thank you."

"Hmm!" nakangiting tumango ito kay Alyssa, "Can I sit there?" tukoy nito sa passenger seat.

"Ofcourse you can."

"Thank you!" nakangiting lumipat ito sa passenger seat.

"Hey, careful." Bilin ni dennise dito

"I'm fine Ate Den." Nakangiting sabi nito at isinuot ang seatbelt.

"What's your name by the way?" tanong ni Alyssa.

"Julie Anne."

"Julie Anne, nice name."

"Where are we going pala?" tanong ni Tita Cha.

"It's a surprise." Si Alyssa na sumagot dito na tiningnan ito mula sa rearview mirror.


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon