PROLOGUE

62.2K 818 137
                                    


8:25am, Aug.13, 1989
London, England


"Victoria." Alam nya kung kaninong boses iyon kaya mabilis syang tumayo mula sa inuupuan nya at tumakbo palapit sa malaki nilang pintuan.


"Chase!" Natutuwang sambit nya bago sya nagpakulambitin sa leeg nito.


"You're too heavy, V." Natatawang sabi sa kanya ni Chase bago sya nito mahigpit na yakapin.


"Shut up, will you?!" Naaasar nyang bulyaw dito bago kagatin ang tenga nito.


"Ouch!" Nakalabing reklamo ni Chase bago himasin ang kanang tenga nya. Nakangising umalis naman si Victoria mula sa pagkulambitin nya sa leeg nito at natatawang iniwan nyang nakasimangot doon.


"Vengeance is mine Victoria!" Rinig pa nyang sigaw nito habang sinusundan sya.


"Stewpid, C." Pagkatapos ay binelatan nya ito.


"Halika nga dito nang makurot ko pwet mo!" Natatawang habol naman sa kanya ni Chase kaya agad syang tumakbo sa garahe na bumubungisngis.


"Pervert monster!" Natutuwang bulyaw nya rito.


"Pervert pala ha!" Nang paliko na sana sya ay bigla syang nahuli ni Chase at pinaghahalikan sa pisngi.


"Ewww. Baho ng laway mo!" Nandidiring reklamo nya rito habang pinupunasan ang pisngi nya kaya sinamaan naman sya ng tingin nito.


"Then why did Stacy told me that my saliva smells and taste like candy?" Nagulat naman sya sa sinabi nito kaya agad nya itong pinaghahampas. Natatawang iniilagan naman sya nito.


"Walanghiya kang pervert monster ka! Ang bata bata nyo pa naghalikan na kayo! Sumbong kita kay tita Margaret, makita mo!" Naiinis nyang bulyaw rito. Natatawang niyakap naman sya nito.


"She initiated it. Hindi ko naman gusto ang kulot na yon ano! Ikaw lang kaya ang gusto ko." Napangiti naman sya sa huling sinabi nito.


"Ngingiti na sya. Kinikilig yan." Panloloko nito sa kanya kaya marahang kinagat nya ang tenga nito.


"Gonna wreck your neck, you perv!"


"Go on V. I know you won't do it." Sabay smirk nito. Inikutan naman nya ng mata ito.


"You're a pain in the ass, C." Pambwibwiset nya. Pero imbes na mabwiset ito ay inilapit nito ang mukha sa kanya.


"W-What are you doing?" Kinakabahan nyang tanong dito. Ngumisi lang ito bago sya mabilis na hinalikan sa labi. It was a kiddy smack pero hindi parin mawawala ang katutuhanang first kiss nya iyon kaya sinapak nya ng malakas ang pagmumukha nito.


"Manyak kang monster ka! Huhuhu!" Sabay ngiwi nya. Kahit bakas naman sa mukha ni Chase ang asar dahil sa pagsapak ni Victoria sa kanyang mukha ay pinatahan nya parin ito.


"Ssshh. Sorry na. I won't do it again, V." Sabay himas himas nito sa likod nya. Medyo sinamaan naman nya ito ng tingin ngunit sa huli ay dinambahan nya parin ito ng yakap. After all, Chase Alexander Fortalejo is her bestfriend. Hindi sya nagtatanim ng galit dito kahit araw araw ata ay pinipikon sya nito.


"Are we okey?" Nagdadalawang isip na tanong nito sa kanya habang yakap yakap nya parin ito.


"Of course, you dimwit!" Natatawa nyang sabi.


"Then promise me you won't tell tita Angela that I kissed you earlier." Humiwalay naman sya ng yakap dito bago piningot ang ilong nito.


"Nanghahalik ka bigla bigla eh takot ka naman pala kay mama." Natawa naman sya nang makitang napakamot ito sa ulo.


"It was just my way of saying that you will always be mine." Napataas naman ng kilay si Victoria sa sinabi nito sa kanya. Minsan talaga naloloka sya sa trip nitong bestfriend nya. They are just 6 years old for pete's sake!


"So when did you start claiming that I am yours?" Panghahamon nya rito. Ngumisi naman ito bago sumagot.


"Since birth, V." Sabay kindat nito sa kanya.


"Conceited freak." Then she rolled her eyes.


"And I will marry you someday." Dagdag pa nito.


"Marry marry ka dyan! Pisot ka pa nga eh!" Sabay tawa nya ng malakas. Tinakpan naman nito ang kanyang bibig at inilapit ang mukha nito sa kanya.


"Soon, you will drool over my gorgeous body, babe." At muli sya nitong kinindatan.



Bata palang sila ay ipinangako na ni Chase sa kanyang sarili na papakasalan nya si Victoria pag nasa hustong gulang na sila. Palagi nya ring sinasabi rito na walang ibang makakapagmamay-ari sa kanya maliban sa isang Chase Alexander Fortalejo.


Subalit papano kung ang kasikatan ni Victoria bilang isang modelo ay ang syang maging rason para sukuan nya ito? At papano rin kung ang pagiging malapit sa babae ni Chase ang maging dahilan para hiwalayan sya nito?


Is there any billion chances for their rollercoaster relationship?



FORTALEJO SERIES presents..

Claimed by a Billionaire.

(Victoria & Chase Story)





NOTE: BAGO NYO PO TO BASAHIN, UNAHIN NYO PO YONG PURCHASED BY A BILLIONAIRE. YON PO UNG UNANG STORY NG FORTALEJO SAGA. TAPOS AFTER NETO, UNG THE SADISTIC BILLIONAIRE.


TENCHUUUU. 💜

Claimed By A Billionaire (COMPLETED) ☑️Where stories live. Discover now