"Sya nga pala, ingatan mo 'tong si Sam ha? Kasi kapag may nangyari sa kanya, humanda ka sakin." Mayabang na sabi ni Dwight. Tiningnan ko muli sya ng masama pero ngumisi sya. "Just kidding. Pero ingatan mo talaga sya kasi ayokong may mangyari sa kanyang masama." Seryoso nyang saad. Tumango naman si Ethan kay Dwight.

"Makakaasa ka." Saad nya at nagkamay sila. Naglakad na si Ethan palabas kaya hinarap ko si Dwight. "Ang hard mo kay Ethan." Saad ko. Hinaplos nya naman ang pisngi ko at tumingin ng seryoso.

"Tama lang yun, para malaman nya na wala na syang pag-asa sayo." Saad nya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Magkaibigan lang kami." Saad ko. Niyakap nya naman ako ng mahigpit.

"Gusto man kitang ipagdamot sa iba, hindi ko magawa dahil alam kong mali yun. I want you to have your own freedom. Basta hanggang friends lang kayo ha?" Tanong nya. Kinurot ko naman sya sa bewang nya.

Opo. Nothing more, nothing less. Ikaw lang ang mahal ko." Natatawa kong saad. Ngumiti din sya sa akin. "Aba dapat lang, gwapo, macho, mayaman, mapagmahal, maalaga at syempre, magaling sa kama. Saan kapa?" Saad nya. Napailing na lang ako sa sinabi nya. Pilyo talaga. Tumawa ako tapos ay niyakap sya.

"Take care, okay? Magtext ka sa akin kapag nasa school kana. I love you, babe." Saad nya. Tumango naman ako at ngumiti. "Copy that. I love you too, babe." Saad ko then he gave me sweet kiss. Nagpaalam na din agad ako dahil hinihintay na din ako ni Ethan sa labas.

********

"Babe gusto mo ba neto?" Tanong ni Dwight. Napailing na lang ako dahil ang kulit nya. Paano kasi lahat na ata ng products dito sa market gusto nyang bilhin para sa akin.

"Hindi naman natin magagamit yan e. Mag aaksaya ka lang ng pera." Saad ko. Lumapit naman sya sa akin tapos ay ngumisi. "Madami naman ako nun. Tsaka hindi kita paghihinayangang gastusan no?" He said then he gave me quick kiss. Nanlaki naman ang mata ko at ginala ang tingin sa paligid. Mabuti na lang walang nakakita.

"Sarap." Saad nya at ngumiti. Inirapan ko sya tapos ay nagsimula na muli akong mamili. Pagkatapos namin mamili ay kumain kami saglit. Papauwi na sana kami kaso dumaan kami sa isang boutique ng mga damit.

"Choose, I'll pay it." Saad ni Dwight. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Dwight, hindi na. Kaya ko bumili." Saad ko. Hinawakan nya yung kamay ko. "Alam ko, pero gusto kitang ibili." Saad nya. Hindi naman ako kumibo kaya bumuntong hininga sya.

"Can't choose? Ako na lang pipili para sayo. Stay here." Saad nya at tinalikuran ako. Pinabayaan ko na lang sya at ginala ang tingin sa mga damit dito. Maganda ang mga ito pero naakit ng isang dress ang aking mata. Kinuha ko yun at tiningnan ang tiketa pero napabitaw din ako dahil sa presyo nun.

Wow ha? Para sa isang plain pink dress ay umaabot na ng limang libo? Paano pa kaya kung may design? Hinakbang ko ang paa ko pero napaantras din ako dahil sa babaeng nabangga ko.

"Fuck! Are you blind?!" Irita nyang sigaw sa akin. Pinupunasan nya ang damit nyang natapunan ng kape. "S-sorry miss." Saad ko at hahawakan ang kamay nya pero tinapik nya ito.

"Don't touch me." Maarte nyang sagot. Napatitig naman ako sa mukha nya. Teka, parang nakita ko na ang mukhang ito ah? Tinitigan kong mabuti ang mukha at hindi nga ako nagkamali, nakita ko na sya. Sya yung babaeng nakasalubong ko sa elevator nung nagpunta ako sa kompanya ni Dwight.

"What? Are you not gonna pay my dress? Bago pa naman 'to tapos tatapunan lang ng kape dahil nakasalubong ako ng tangang babae?" Saad nya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Ako tanga? Bakit ako lang ba ang hindi nakatingin sa daan? Eh kung nakatingin sya edi sana naiwasan nya ako? Stupid.

"Babe, I got one for.." hindi na natapos ang sasabihin ni Dwight dahil napatingin sya sa babaeng kaharap ko. "Hi Dwight." Bati nung babae at lalapit sana kay Dwight pero hinila ako ni Dwight palapit sa kanya. Tumaas ang kilay nito na parang aabot na sa mars. Creepy.

"Britt? What are you doing here?" Tanong ni Dwight. Sinong Britt? Hindi naman nabanggit sa akin ito ni Dwight. "Well, shopping of course." Saad nya tapos ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Who is she?" Tanong nya. Agad naman akong tumayo ng ayos. "Ako si Sam." Pakilala ko pero inirapan nya ako. "I don't care. Im not talking to you." Saad nya. Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi nya. Yumuko ako pero naramdaman ko ang braso ni Dwight sa balikat ko.

"She's Sam. My girlfriend." Sambit ni Dwight. Iniangat ko ang tingin ko kay Britt at bakas ang pagkagulat sa mukha nito. Pero tumawa ito na parang isang witch. "You're funny Dwight." Natatawa nyang saad.

"Im not kidding, Britt." Seryong sabi ni Dwight. Sumeryoso din ang mukha ni Britt ng marinig iyon. "Well, hindi ka dapat lumalabas kasama ang babaeng yan dahil ako ang fiancee mo." Nanigas ako sa kinakatayuan ko. So it means sya yung gustong ipakasal ng Dad ni Dwight sa kanya. I observed her from head to toe, at napairap. Anong panama ko sa babaeng 'to? Pananamit pa lang kabog na, sa mukha pa kaya?

"F-fiancee?" Nauutal kong tanong. Tumingin naman sa akin si Britt. "Yes. Im his fiancee." Matigas nyang saad. Tumingin ako kay Dwight pero nakakunot ang noo nito.

"Sa pagkakaalam ko, hindi tayo engage." Matigas din na saad ni Dwight. Ano daw? Hindi ko maintindihan ha? Ang gulo. "Well, this coming sunday. You're Dad is going to announce it." Saad nya. Nanlaki lalo ang mata ko.

"So see you this sunday." Saad nya at nilagpasan kami. Nanatili lang akong nakatulala sa sahig habang pinoproseso ang sinabi ni Britt. So ieengage na pala sila sa linggo, tapos hindi man lang sinabi sa akin ni Dwight.

"Babe, don't listened to her." Saad ni Dwight habang hinuhuli ang tingin ko. "T-totoo ba yun?" Tanong ko. Napatigil naman sya habang nakatingin din sa akin. Hinihintay ko ang sagot nya.

"Y-yeah." Saad nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya. Ngumiti ako ng pilit sa kanya tapos ay naglakad na palayo.

So totoo nga? Bakit hindi ko agad naisip yun? Na maaaring siyang iengage sa iba? Pumatak ang luha sa aking mata habang naglalakad. Kaya ko ba syang makitang may kasamang iba? Kaya ko ba ulit mamuhay ng nag iisa?

..itutuloy..

[A/N:] Hi., nag update ako kahit walang kwenta yung update ko. Gusto ko kasi ipasok ulit si Britt sa storya. Haha, may bago na namang kontrabida na susubok sa relasyon nila Sam. Sa tingin nyo matutuloy ang engagement ni Dwight and Britt? Abangan ang susunod kong update. Haha. Free to vote and comment. Enjoy reading! xoxo :)

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now