"Abat hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo?" sabi nung isang babaeng mukhang ipinaglihi sa pusit ng kanyang ina

"Bakit sino ka ba?" Pang aamok ko pa, sa totoo lang madali ko lang namang hilahin iyong mga bra nila eh


"Gusto mo ba talaga ng away?" sabi naman nung isang pinaglihi sa kabayo

"Hindi eh, ikaw kasi gusto ko"-pilosopong saad ko sabay ngisi

"Abat~"-sabi nung mukhang pusit na yon kaso naputol yung sasabihin niya kasi tinawag ako ni tandang Hervin

"Zoe!halika nga dito!" Sigaw ni tandang Hervin na siyang nilingon ko at inirapan, sigurado akong pangangaralan nanaman ako nito


"Iiiieee!"nagsitili naman tong mga haliparot na to! psh.

' Ang hot niya!'
'Ampogi!'
'So cute!'
'Waah!I like him na!'

Yan!tili ng mga ugok! Aba, ano naman yung kahot-hot sa lalaking yan?

"Sorry girls but he's taken na eh!" seryosong saad ni Heza



Dapat pala bumili na din ako ng popcorn


"Ay!okay lang!pede pa naman  yan maagaw eh!"sabi nung pinaglihi sa unggoy



"Abat ang kakapal din naman ng mga mukha niyo ano? " sigaw ni Heza habang dinuduro duro yung mga ugok



"Huwag kang mag eskandalo dito" bulong ni Tanda pero rinig na rinig pa rin tapos ay hinila siya palayo pero hindi pa rin nagpatinag si Heza kaya binuhat na lang siya ni Tanda na parang bagong kasal at inilayo na sa amin, sayang akala ko pa naman makakapanood ako ng live boxing




Nang akmang haharapin ko ulit yung mga tipaklong ay may sumingit nanaman


"Anong nangyayari dito ha?" Boses ni Hariz kaya ayun napalingon nanaman ako nakita ko naman siyang kumindat sa mga tipaklong


"Ayiieee!ang hot niya!" sabi nanaman ng mga malalanding tipaklong




Pinanood ko nanaman sila


"Single ka?" sabi nung malanding pusit

Nagulat naman kami nang bigla niyang hinatak si Jane at hinawakan ang bewang ni Jane pinipigilan ko naman ang tawa ko

"Girls I want you to meet my Fiancè"-sabi ni Hariz habang ngumiti ng pagkalawak sa mga tipaklong



May binulong si Jane kay Hariz kaso di namin narinig,tapos ay piningot ni Jane si Hariz palayo,hay nako! Mukhang sila ata yung magkakaroon ng live boxing! pustahan pa tayo!



"Hala kawawa naman si kuya pogi!" Sabi nung mga malalanding tipaklong

Akmang magsasalita na sana ako nang may tinitignan sila sa likod ko


"Uy, tingnan niyo yung guy na papalapit oh?ang hot niya!"
Sabi nila ulit tapos ay nagtitili, may mas masahol pa ba sa salitang malandi? Kung meron man ay iyon ang nababagay na salita para sa kanila



Tiningnan ko naman yung sinasabi nila, at agad na napahagalpak ng tawa , anong pagkain ba ang nakain ng mga ito at sinabihang hot itong kumag na ito


"Asan ang hot diyan?" Nahihirapang sabi ko habang nakaturo kay Ken



Sinamaan naman nila ako ng tingin tapos ng dumapo ang tingin kay Ken ay nagpapacute sila, mas lumakas pa ang tawa ko dahil sa mga ginagawa nila sa mukha nila




"Hey are you fine? Did they hurt you?" sabi ni Ken atsaka tinignan ako kung ano ang lagay ko binigyan ko naman siya ng mapang asar na ngiti

"Dapat sila ang tinatanong mo niyan, sila ang mas mataas ang porsyentong maospital kaysa sa akin" mayabang na sabi ko tapos ay inilagay ang mga kamay ko sa bewang ko


"Honey!hinihintay ka na nang mga anak natin!tara na? Oh sino tong mga to?" Boses ng isang babae na tumatakbo papalapit sa amin, sinuyod ko naman ito ng tingin, naka two piece swimsuit ito ng kulay asul at may maipagmamayabang naman pagdating sa mukha, may itsura ang haliparot

Nagulat naman ako ng bigla siyang kumapit sa braso ni Ken tinignan ko naman ang kumag at mababakas sa mukha nito ang gulat



Itinuro nung babaeng haliparot yung mga malalanding tipaklong  at pati ako?  tinignan ko nga yung kumag at pati siya ay hindi alam kung anong nangyayari

"Kilala mo ba siya?" Pabulong kong sabi kay Ken habang nakatingin pa din sa babaeng haliparot

"Hindi ko siya kilala" bulong saken pabalik ni Ken at nagkibit balikat,eh anong pinagsasabi nitong baliw na babaeng to?

"Umalis na nga kayo! Alis!" sabi nung babaeng haliparot at pinagtabuyan kami umalis nga yung mga malalanding tipaklong tapos tinignan niya ako

"Ikaw?di mo ba sasamahan yung mga kaibigan mo?" Mataray na sabi niya sa akin nakanganga ko namang itinuro yung sarili ko

"May saltik ka ba miss?"imbis na sagutin ko yung tanong niya ay maangas ko siyang tinignan


"Ken baby,kilala mo ba to?" Malanding sabi nung babae tapos ipinulupot yung kamay sa braso ng shota ko, ikinuyom ko naman ang kamao ko




"Ikaw nga ang hindi kilala eh"-sabi ko ng pabulong at napairap na lang sa kawalan, ano bang meron sa araw na ito at pinapalibutan ako ng mga taong may mental dis order




"Ah oo kilala ko siya girlfriend ko" diretsong sabi ni Ken atsaka pilit na inaalis ang mga kamay nung babaeng haliparot



"Ah okay!friend ka pala ni papa Ken" nakangiting sabi nung babae , napamaang naman ako sa sinabi niya, may saltik nga ito.

"Hindi mo ba narinig miss? Jowa ko iyang dinidikit dikitan mo, baka pwedeng dumistansya" malamig na sabi ko, putek nakakabakla.



"Tara!date tayo!" Pambabaliwala nung babaeng haliparot tinignan ko naman siya ng hindi makapaniwala




"Oh siya nga pala ako si Trisha Amberson-Trillias" hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng ito


"Sira talaga ulo mong babae ka ano?" Nagtitimping sabi ko atsaka iniwan ko sila doon, baka kasi kung anong magawa ko doon sa babaeng iyon


-End of chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now