Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)

Start from the beginning
                                    

Agad ko naman nakita siya na nakaupo sa isa sa mga bleachers. Sabay naman sumenyas sa amin ang official photographer ng school. At. . .

*Click*

Nagkaroon na ako ng instant graduation picture na naka toga at hawak hawak ang aking diploma na ang background ay ang bonggang stage namin at ang mga COCC na matiyagang binibigyan kami ng parangal.

Hanggang sa lahat ay natawag. Hindi ko pa din ineexpect na makakatapos ako ng High School.

Tumayo na kami para sa kantahin ang School Hymn, Alma Mater Song at song dedicated to our parents. Nang matapos ang kanta, halos lahat ay nag-iiyakan sa tuwa. Nang matapos na ang program, sinalubong naman ako ng tropa.

"Yes! Graduate na tayo. Ang bilis ng four years. Noong una, mga bata lang tayo na walang alam kundi ang maglaro ngayon mga teenagers na. At Hello, sa College Life." Sabi ni Renz Goldwin Basmayor, ang tinatawag kong "daddy" sa tropa.

"Congrats sa atin! Party tayo?" - Peter

"Oo nga. Dapat magcelebrate tayo dahil tayo ay tulala pa sa ngayon at hindi makapaniwalang nakagraduate pa tayo. Hahahaha" - Camille

Ningitian ko na lang sila at kagaya nila, ramdam ko din ang happiness at excitement para sa College life. Siguro mas maganda ang magiging buhay ko sa College. Siguro marami ako makikilala doon at lalong. .  makakatagpo kaya ako ng lovelife doon? XD

"Guys, sabi ni Mommy, tomorrow night may party sa bahay. Para ito sa achievements natin." - Alwyna

"Game! Akala ko walang party :) " - Kiara

"6pm at Jimenez' Residence. See you there." Pahabol ni Alwyna.

Bago ko pala makalimutan, ako nga pala si Shayne Fuentes, simpleng girl na mahilig sa music, quite noisy but living in a simple life. Ganyan ako idescribe ng tropa maging ang mga kaklase ko.

Nandito na ang lahat sa venue. Naghanda kasi ng party ang pamilya ni Alwyna. Unica hija kasi si Best kaya cinelebrate talaga ang paggraduate niya. As in all people in business world are invited even her own relatives nandito din. Kaya itong mga tropa ko, sulit na sulit ang mga mata sa nakikita. Kahit hindi nila aminin, alam ko namamangha na sila sa nakikita. Hanggang sa nakarinig na ako ng pagrerelakmo nila.

"Nagugutom na ako. Kailan ba pwedeng simulan itong party?" - Renz

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now