Chapter XLIII - Ohana

Magsimula sa umpisa
                                    

 

“Eto talaga. Hayaan mo na. Minsan lang naman ‘to eh. At isa pa, galing kami sa Pedia niya.”

 

“Ah ganu’n ba? May gusto ba kayong inumin? Sabihin niyo lang at ipapabili natin sa mga messenger.”

 

“Nako, ‘wag na. Makakaabala pa kami.”

 

“Mama Kim, can we go and see Ninong?” Hinila-hila ni Seph and dress ko. “Please Mama Kim?” Sabay pout ng lips.

“Seph. Stop that!” Suway ni Steph. Akmang kukunin niya na ang bata nang pigilan ko siya.

“No it’s okay Steph.” Yumuko ako kaya magkasing height na lang kami ng bata. “Sinong pupuntahan natin baby?”

 

“Ninong!”

 

“Ninong who?”

 

“Uh… Kim. Si Xian.”

 

“Ha?”

 

“Oo. Si Xian. Parang mag-ama kasi ang dalawang ‘yan. Paano ba naman kasi, spoiled na spoiled siya sa asawa mo.”

 

Hindi ko na gaanong pinansin si Steph. Nagpadala na lang ako sa paghila ni Seph. “Mama Kim! Let’s go!”

 

“Alright, alright!”

 

Dinala kami ng mga paa namin sa opisina ni Xian. He was busy over the phone. Halatang may kausap na mahalaga.

“NINOOOONG!” Natigilan si Xian sa pagkausap sa kabilang linya nang tumakbo papunta ang bata sa kanya.

“I’ll call you again later.” Then he hung up the phone. Saka tinuon ang pansin sa bata. “Hey little buddy!” Kinarga niya ito at hinalikan sa pisngi. Hindi man lang napansin ang presence ko.

Biglang nagpababa si Seph mula sa pagkakakarga at tsaka tumakbo papunta sa akin sabay hila sa magkabila kong kamay. “Ninong! I want you to meet my Mama Kim! Mama Kim, this is my Ninong. Ninong Xian.”

 

Nagkatinginan lang kaming dalawa. We’re both having our emotionless faces. “AAHHHHH! You have to shake hands and say ‘Nice to meet you!’. Mommy said you have to greet people that way.” Napanganga ako sa sabi ng bata. Eto talagang  si Steph, kung anu-ano ang mga tinuturo sa anak niya.

“Oh, shake hands daw sabi ng bata.” Inabot ni Xian ang kanang kamay niya. Tinignan ko lang ito. “What now?” Inirapan ko siya. Halata naman kasing sinasamantala lang mga nangyayari.

 

“Eto na nga oh. Nice to meet you.”

 

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon