Chapter Twenty-Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

"May ginawa dun sa Admissions. Alis ka na?"

"Oo eh. Tinawagan ako nung kaibigan ko e. Una na ako Kah ah?"

"Okay. Ingat ka."

"Kaw din. Bye na," kinuha ko na ang gamit ko at naglakad na palabas ng library.

Pagdating ko sa lounge, andun si Eri at may ka-text. Nilapitan ko siya.

"Eri. Baket?"

Tumingala siya at ngumiti, "Haloo, Vee.." kinuha niya yung bag niya at tumayo. Tapos hinila na ako.

"Saan tayo?"

"Basta! Pinaalam na kita kay Red. Sabi ko hihiramin muna kita," at kelan pa ako naging pag-aari ni Red? =_=

Pinasakay niya ako sa kotse niya at tsaka nagdrive palabas ng school. Saan naman kaya kami pupunta ngayon?

***

Nakarating kami sa mall tapos naglakad papunta sa boutique niya. Nanlalaki ang mata ko nung tinignan ko siya.

"Teka... Ano nanaman to?"

"Relax, Vee. Panic ka agad. :P" pumasok na kami sa boutique niya.

"Good morning, Ma'am."

"Good morning," dumiretso kami sa isang office. Office pala to ni Eri. Umupo kami sa couch sa may reception area ng office niya.

"Diba, may deal tayo, Vee. Makakatanggap ka ng GCs dahil sa pagpayag mo sa gusto ko? So... ngayon, bibigyan kita ng GC worth 5,000 para makapili ka ng clothes. ^-^"

"WHAT?!"

"Bakit ayaw mo? For this month lang naman yun. Next month may GC ka ulet."

"No. I mean, parang masyadong mahal. Di ka kaya malugi niyan?"

"Hindi noh. Sa totoo nga nyan, yung ibang damit na i-minodel mo, sa boutique ko irrelease kaya for sure, papatok nanaman yun sa masa."

"Kahet na. Ganito na lang, ayos na sa akin ang GC worth 5,000 pero di ka na magbibigay sa susunod na month, okay?"

"Ha? Pero--"

"Eri, nag-enjoy rin naman ako dun sa ginawa naten. At tsaka, di ako sanay sa mga branded na damit. Basta, Eri. Wala ng GC for the next month.."

"*sighs* Ok then. Pero since andito ka na, tara! Ako mamimili para sa'yo!"

Lumabas kami ng office niya at naghanap ng mga damit para sakin.

"Hala, Vee! Ang cute oh. Feeling ko bagay sayo!" tinignan ko naman yung cocktail dress na sinabi niya. It's an ivory silk dress, sleeveless tube at may mga beads sa strap. May partner itong black belt and pleated skirt.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon