Chapter Twenty-Five

Start bij het begin
                                    

"Lol. Parang napaka-big deal naman noon!"

"Big deal yun sakin dahil di pa ko nakaka-experience ng monthsary." -Lili

"Nagse-celebrate ka kaya. Every birthday mo diba?" -Giezel

"Ahetchu, Gi!" natawa na lang kami ni Danna sa away nilang dalawa. Kahet kelan talaga to.

"Oi kayo ah! Baka mamaya may something na sa inyo!"

"Eew, Vee ah! May Stanley na ako!"

"Hahaha. Okena, mamaya na nga tayo mag-usap andito na ang drayber ko."

"Aweeh, drayber daw, baka lover. Hahaha!"

"Mga timang! Geh na, babush girls," binabaan ko na sila.

"Sino yun?"

"Ahh, sina Danna, Lili and Giezel lang," ngumiti naman siya ng napakaaaa lapad at biglang tumalon papunta sakin. Para siyang si Jollibee. XD

Tapos hinug niya ako bigla ng napaaaakahigpit at sinabing, "Happy Monthsary, Bunny Bear!" tapos bigla siyang tumawa.

Napatingin naman ako sa kanya, "Hala, Gummy? Okay ka lang?"

He keeps on beaming, "Ah wala lang. Tara na?"

"Okay, Ate Lenny, alis na po kami ni Red."

"O sige! Ingat kayo!"

***

Hindi kami nagkotse ni Red. Sira daw lahat ng kotse nila (weh?) kaya nag-commute lang kami.

Pumasok na kami ng school at gaya kahapon, marami pa rin namang tao.

Ayoko ng i-explain ang mga ginagawa namin ni Red. Sa amin na lang yun. XD Pero konting details na lang... naglaro kami, nag-ikot-ikot, bili neto bili nyan, at ang peyborit ko sa lahat... sumakay kami sa iba't ibang rides. :D

Mga bandang 6.15 ng mag-excuse si Red na pupunta lang daw siyang restroom kaya naman, nagpaiwan na lang ako doon sa may bench. Alangan namang sumama ako sa rest room diba? Dah. XD

"Vee?" Napalingon ako. Sina Danna and Giezel. Asan si Lili?

"Oh?"

"Uy, sama ka sa'min doon sa booth nina Toph!"

"Huh? Ah, hinihintay ko kasi si Red eh."

"Text mo na lang. Tara na!" Hinila na nila ako kaya wala akong nagawa. Ittext ko na lang si Red mamaya.

Medyo na-curious ako kung bakit nasa opposite direction kami dun sa mga hilera ng booths. Papunta kasi kaming CRL garden at ang pagkakaalam ko, walang booths dito. Oh well, baka nagchange na sila ng pwesto.

The Temporary GirlfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu