Chapter Twenty-Two

Start from the beginning
                                    

"Oooh. E ikaw, Violet, anong course mo?"

"Uhm, Education po."

"Education? Bakit naman Education?" nung tinanong to ni Mommy Bella, may amazement sa boses niya.

"Member po kasi ako ng choir noon at yung christmas party po namin e ginagawa namin sa orphanage. Yung sabi po ng mga sisters dun na medyo nahihirapan daw po sila sa pagtuturo sa mga bata since nasa rural part po sila and walang nagvovolunteer na teacher sa kanila at malayo po yung school nila. Di rin po afford na ipaaral lahat ng bata duon kaya nung nagvolunteer ako as student teacher, dun na po nagstart yun," mahabang paliwanag ko.

"Wow, Vee. Idol na kita! :D" -Ericka

"Nasa choir ka? So ibig sabihin magaling kang kumanta? :D" -Gene

At sa hinaba-haba ng explanation ko, yun lang ang natandaan niya e noh? >^<

Akala ko tapos na yung tungkol sakin pero nagsalita ulit si Tito Luis.

"Nga pala, Ericka. The board liked your idea and they decided to use it. I must say, you choose the best model *points at Violet* they like you very much. Hindi nga sila naniwala na its your first time na magmodel. Congratulations to the both of you."

"Model?" napatingin ako kay Red. Uh oh. Di ko pa pala nasabi sa kanya yung tungkol sa escapade namin ni Eri.

"Talaga, Tito? So, what month irrelease? Who's gonna be the cover?" excited na tanong ni Ericka.

"Oh, of course, si Violet. Since nakapag-sign na ng contract yung ibang models for the upcoming month, October issue si Violet. I know maraming bibili noon, nakita mo ba yung mga photos, Violet?"

"Ahh. Yung nagphotoshoot lang po pero yung finalize copy, wala pa po."

"Well, I'll ask my secretary to send you copies."

"Ahh. Thanks po."

"Nagmodel ka?" tumingin si Red sa'kin. Madiing sabi niya. Awts. Galit ata siya.

"Oo, ano ka ba naman, hijo. Tignan mo nga yang si Violet. She got the looks. Ayaw mo ba nun? Pareho na silang model ni--"

Pinutol naman ni Gene ang sinasabi ni Mommy Bella, "Let's eat." tinignan ko si Ericka, medyo naging uneasy siya. At biglang nagchange ang atmosphere sa hapagkainan.

***

"Gusto pa man naming magstay eh may meeting pa kami. Nga pala, Violet hija, tatawagan na lang namin kayo ni Ericka para sa signing of contracts."

"Ay, hija, punta ka ulit dito ah. Magshopping tayo nina Ericka. I want to know you better."

I smiled, "Uhm, okay po." Mommy Bella hugged each one of us and umalis na rin sila ni Tito Luis.

"Bakit di mo pinaalam sa akin na nagmodel ka?" nasa living room nila kami at nakaupo lang kaming apat doon. mahina lang ang pagkakasabi niya pero buo. Obvious sa boses niya galit siya.

Yumuko lang ako at sinabing, "Sorry."

"Red, wag mong pagalitan si Violet. Its my fault. Ako nagsabi sa kanya na huwag munang ipaalam sa'yo."

"E bakit di mo pinasabi?!" irritated na sabi ni Gene.

"Com'on! Y'all know the reason!" ngayon pati si Ericka galit na. Nagkaroon ng silence.

Tumayo si Red, "Tara na. Ihahatid na kita."

Tumayo na rin ako at nagpaalam kay Gene and Eri. Nilapitan ko si Ericka and she hugged me, "Sorry, Vee."

"Lol. Wala tayong kasalanan."

"Tara na, aalis na rin ako," sabay kaming lumabas ng bahay ni Ericka.

***

Buong byahe pauwi sa bahay, tahimik lang kami ni Red. Tanging yung paghinga ko lang nga yung naririnig ko e. Nakarating din kami sa street namin. Huminto siya sa labas ng gate.

Huminga ako ng malalim at nilingon siya, "Sorry."

Tumango lang siya pero hindi man lang ako nilingon. I unbuckled my seatbelt at lumabas ng kotse niya. Pumasok ako ng gate ng hindi sinasagot ang tanong nina Mama and Ate Lenny.

"Ma, pagod po ako. Bukas na ang whooole details. One thing's for sure, they like me, okay?"

Umakyat na ako sa kwarto habang tuwang-tuwa sina Mama at Ate Lenny doon. Kinuha ko yung sign ko na "I'm tired. Don't disturb" at nilagay sa door ko saka ni-lock ito.

Naligo muna ako at nagbihis. Hay. Bakit ganun na lang magreact si Red at si Gene? Super laking kasalanan na ba na hindi namin sinabi ni Ericka na nag-model ako? OA lang ba sila o sadyang malaking kasalanan nga yun? Ay ewan ko. Weird ang mga tao! Weird! >.>

Kinuha ko yung netbook ko and nagconnect sa WiFi saka naglog-in sa FB para magpost ng status.

Paano ko malalaman kung anong mali kung hindi mo naman in-explain sa'kin? :(

Pasensya na, ma-drama talaga ako. Naglog-out na ko at nahiga sa kama ko. Ahh.. Napagod ako ngayon kahet wala naman ako masyadong ginawa.

Bago ako makatulog, biglang nagpop out sa utak ko yung isang line sa book na binasa ko:

"When you hide things away, and keep them secret, they have a . . . power."

(from the book of K. Hannah, 'Angel Falls'. Rosa Luna to her daughter Mikaela Campbell.)

---

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendWhere stories live. Discover now