Thirty-seven

49.4K 1.3K 136
                                    

Tahimik lamang si Elisha na sumisimsim ng kanyang kape dito sa isang coffee shop malapit sa Inked Media kung saan siya nagtatrabaho. Nang tumunog ang bell sa entrance ng coffee shop hudyat na may bagong dating, kaagad na sumilay ang ngiti niya nang makita kung sino iyon.

Humalukipkip siya at pinagmasdan ang bagong dating na palinga-linga at nang magtama ang mga mata nila ay ngumiti ito at pumunta sa pwesto niya. Kaagad siyang tumayo nang tuluyan na itong nakalapit sakanya.

"Wency!" masayang bati niya at hinalikan siya ang kaibigan sa pisngi tsaka niyakap ng mahigpit.

"You miss me that much, huh?" natatawang sagot nito tsaka siya niyakap pabalik.

She held her friend at arms length at pinagmasdan ito. "Oo naman. Ilang linggo ka din sa Singapore ha!"

Ngumiti si Wency sakanya at umupo na sila, ito sa tapat niya. Pinagsiklop ni Wency ang mga daliri at ipinatong sa lamesa. "So, kamusta naman ang the best author?"

She rolled her eyes at him. "Bolero ka talaga."

Wency feigned shock but a smirk is plastered on his lips. "You know I'm always honest," sabay kindat nito sakanya.

Natawa nalang siya at pinalo ito braso. Hindi pa rin talaga nagbabago si Wency. After they graduated, hindi sila nawalan ng komunikasyon kahit na naging busy ito sa negosyo nito. Immune na rin siya sa mga pambobola ni Wency. Siguro sa mata ng iba masasabi na nilalandi siya ni Wency pero alam niya ang totoo at nang tumunog ang bell muli sa pintuan kaagad siyang ngumiti.

"Hey, hon." bati ng bagong dating kay Wency at hinalikan ito ng mabilis sa labi.

"Hey you. I missed you!" masayang bati ni Wency at umusod ng upo para makatabi ang bagong dating.

"Hi, Eli!" masayang bati nito sakanya.

Ngumisi siya at sumimsim sa kape niya. "Hey, Quinn."

Pabirong inirapan siya ni Quinn at hinilig ang ulo sa balikat ni Wency. "Alam mo ba hon, pinapasakit ni Eli ang ulo ko. Laging late sa mga meetings namin! Nagdadalawang isip tuloy ako kung babawiin ko sakanya ang pagiging maid-of-honor ko." sumbong ni Quinn sa fiancé.

A month after Quinn started to live here in the Metro, nagkakilala ito pati si Wency ng dahil sakanya. Isinama niya si Quinn sa birthday party ni Wency dahil siya lang naman talaga ang kaibigan ni Quinn nang mga panahon iyon. To make the story short, Wency fell for Quinn hard and asked her hand in marriage noong second anniversary ng mga ito last month.

Nag-usap lang silang tatlo tungkol sa nalalapit na kasal ng mga ito. Nakalabas na sila ng coffee shop nang balingan siya muli ni Wency. "May dinner party ako mamaya sa bahay, Eli. Punta ka ha?"

Umakto siya na tila nag-iisip. "I'm not sure, I'll check my schedule."

Sumimangot si Wency sakanya at ang fiancé ang binalingan. "Hon, make sure she's coming. Baka mamaya magmukmok nanaman iyan sa condo niya."

Tumawa si Quinn at tinignan siya. "Of course hon, Eli will come."

Siyempre kapag si Quinn ang nagsabi, hindi iyon dapat tanggihan kaya ngayon nandito siya sa bahay ni Wency at mag-isang nakaupo sa isang single sofa. Katatapos lang nila kumain at gusto niya na umuwi. She's bored. Humikab pa siya.

"Finally, someone I can share my boredom."

Lumingon siya sa kanyang gilid at nakita doon si Harvey na kaibigan ni Wency. She met him kanina at hindi naman siya bulag at manhid para hindi mapansin na kanina pa ito nakatingin sakanya.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now