Sixteen

49.2K 1.2K 79
                                    

Ang mga lugar na mababasa niyo ay gawa-gawa ko lang po ah? Hahaha.

-------------

Mabilis na naligo si Elisha pagkahatid sakanya ni Calix. At dahil napagkasunduan nilang magkakaibigan na magkita ng alas-siyete sa Metrowalk, isang oras nalang ang gugugulin niya upang mag-ayos. Isa pa, ayaw naman niyang paghintayin si Calix sakanya pagkarating nito. Pinilit siya ni Calix na sabay na daw sila pumunta ng Metrowalk kahit na sabi niya ay magpapahatid nalang siya sa kanilang driver. Hindi na siya naka-angal dahil may parte din naman sakanya na gusto niya.

Matapos maligo ay isang itim na halter top ang kanyang isinuot. Tinernuhan niya iyon ng maong shorts at pinaresan niya ng kanyang itim na strap sandals. Sinuot niya ang kanyang contacts at naglagay lang ng pulbo at lip tint. Tinali niya ang kanyang buhok sa isang mataas na ponytail kaya kitang-kita ang kanyang hugis ng kanyang mga leeg hanggang balikat. Nagsuot rin siya ng itim na choker na bigay ni Tita Colyn sakanya.

Dahil wet party ang event sa Jukebox na club na pupuntahan nila, minabuti niyang magdala ng extrang damit. Nilagay niya iyon sa kanyang sling bag. Iiwan na lamang niya ang bag sa kotse ni Calix. Nang sipatin niya ang relong suot, halos alas-siyete na pala. Nakarinig siya ng katok at nakita niyang dumungaw ang ulo ng Mama niya.

"Anak, nandiyan na si Calix." imporma nito. Tuluyan itong pumasok sa kanyang kwarto at umupo sa kama niya habang kinuha naman niya ang pabango niyang Zwistal at halos ipaligo niya na sa katawan. Ang bango kasi nito!

"How do I look, Ma?" tanong niya sa Mama niya nang harapin niya ito.

Sa postura, galaw at itsura ng kanyang Mama Ellaine, hindi mo aakalaing forty-four na ito. Napanatili nito ang magandang pangangatawan, elegante pa rin ito kumilos at wala kang kulubot na makikita sa balat. Daig pa nga siya ng kanyang ina dahil nagpakulay pa ito ng buhok na light brown kaya matingkad ito at bumagay sa maputing kutis nito.

"You're always beautiful in my eyes, anak." nakangiting sabi nito. Maya-maya ay tumayo na ito. "Halika na at hinihintay ka na ni Calix sa baba."

Sabay silang bumaba ng kanyang Mama patungong living room. Doon, nakita niya si Calix na nakikipagtawanan sa Papa Mico niya na may hawak na tablet.

"Ano iyan, sweetie?" untag ng Mama niya nang lapitan ang Papa niya.

"Nakakatuwa ang larong ito, sweetie. Pataasan tayo mamaya tapos dapat may parusa ang matatalo." pilyong sabi ng Papa niya at nakita niya pa kung paano nito itaas-baba ang kilay nito sa Mama niya.

Nakita niyang Stacks ang larong tinutukoy nito na pansin niyang kinaaadikan ni Calix. Lumapit na siya kay Calix at hinila na ito patayo, medyo nahihiya na kasi siya dahil sa paglalampungan ng mga magulang niya sa harapan ni Calix, kung sa harapan niya sana ay ayos lang pero nakakahiya kay Calix. Baka ma-culture shock ito.

"Alis na kami Ma, Pa." paalam niya at hinalikan sa pisngi ang mga magulang.

Lumapit si Calix sa mga ito at nagmano. "Alis na po kami Tita, Tito."

Tinapik ni Papa sa balikat si Mico. "Sige, mag-iingat kayo. Ihatid mo siya Calix ha?" bilin ni Papa sakanya.

"Si Mella po nasaan? Sabay na kaa namin?" tanong niya.

"Tumawag ang kapatid mo. Hindi raw makakauwi dahil may biglaang overnight sa kaklase kaya marahil ay hindi makakasama iyon." sabi ng kanyang Mama.

Inihatid sila ng magulang sa gate at kumaway ang mga ito sa kanila. Pinagbuksan naman siya ng pintuan ni Calix bago ito umikot sa driver's seat.

"Seatbelt, please." sabi nito pagkapasok.

Naglagay naman siya ng seatbelt at inayos na ang kanyang pag-upo. Tinext niya si Ailee kung nandoon na ba sa Metrowalk.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now