Twenty-eight

48.8K 1.4K 116
                                    

Hi guys! Sino mahilig sa ebooks? Baka naman may epub kayo ng McMaster Disaster Trilogy ni Rachel Astor? Pag meron, please PM me. Need it badly. Huhu.

-------

Nagising si Elisha sa walang patid na pagriring ng kanyang phone. Kusot-kusot ang mata niyang bumangon at nag-inat. Nilingon niya si Calix sa kanyang tabi na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Kusang napangiti siya nang maalala ang mga nangyari kagabi. Kusang lumapag ang mga daliri niya sa kanyang labi dahil sa halik na ipinadama sakanya ni Calix.

Pagkatapos ng halik na iyon, wala sakanila ang nagsalita. It was a comfortable silence rather than an awkward one. They settled at his room, snuggling each other and talked about random things. She remembered that she was the one who fell asleep first and it was definitely the alcohol's doing.

Naputol ang kanyang pantasya nang tumunog nanaman ang kanyang phone. Tumayo siya mula sa kama not minding how awful her smell was. Kinuha niya ang phone sa loob ng bag niya. She picked it up right away when she saw her Dad's name.

"Pa?"

"Where are you, Elisha Min?" seryosong bungad ng Papa Mico niya. She can sense that she is in big trouble. Uh-oh.

She swallowed a tiny lump. "Uhm, nasa condo po ako ni Calix, Papa."

She heard her father sighed. "Bakit hindi ka nagpapaalam sa'min, Elisha? Nag-aalala ang Mama mo." he sternly said.

Napahilot siya sa kanyang sentido at lumabas ng kwarto. Napaupo siya sa sofa at itinukod ang magkabilang siko sa mga tuhod. "I'm sorry, Pa. Magpapaliwanag po ako pagkauwi ko po."

"Umuwi ka na. Isama mo si Calix. Ngayon na, Elisha." That was all her father said and the next thingshe heard was the busy tone. Bumuntong-hininga siyang muli. Galit ang Papa niya. Alam niya. Sigurado siya doon dahil na rin sa katigasan ng boses nito kanina. Her father was the funniest in his friends. Ito ang pinaka-palabiro at joker sa kanilang magkakaibigan. Pero, nakakatakot ito lalo na kapag galit. Take it from her as his daughter.

Tumayo siya at kahit labag sa loob niya, ginising niya si Calix. Ayaw naman niyang pati ang Papa niya ay magalit rito. Siya na nga ang nakaperwisyo eh. Yumuko siya para gisingin ang binata. She shook his arms. "Calix, gising na. You need to get up."

"Hmm.." ungol nito.

She frustratingly sighed. She poked his cheeks. "Gising ka na please, kailangan ko na umuwi," sabi niya.

Napatili siya nang bigla na lamang hinila ni Calix ang kamay niya dahil upang bumagsak siya sa ibaba nito. She was practically on top of him! Hindi pa siya nakakapagpalit ng suot at tiyak niya na ang baho niya. Tapos... tapos, topless pa si Calix kaya ramdam na ramdam niya ang init ng balat nito. Itinukod niya ang magkabilang kamay sa matigas na dibdib nito para sana lumayo pero hinigpitan ni Calix ang yakap sakanya dahilan para mapasubsob siya sa may leeg nito. She heard him chuckle. Gising ito!

Pinalo niya ito sa balikat. "Bitaw! Ang baho ko kaya!"

Nagtayuan ang balahibo niya nang maramdaman ang labi ni Calix na dumampi sa may puno ng tenga niya. She heard him sniff her. "Hmm, hindi naman. You smell fine, for me."

Pumalatak siya. "Tayo na, Calix. Uwi mo na ako."

"Hmm, five more minutes." ungol nito at inayos siya ng higa sa gilid nito. Their faces were so close, she could feel his breath fanning her. Grabe, wala bang kapintasan ang lalaking ito? Pati hininga, mabango kahit bagong gising. Unfair.

"Nate-tempt ka na bang halikan ako?" he said as his eyes opened at looked at her straightly. Kitang-kita niya kung paano sumilay ang pilyong ngiti nito.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now