Twenty-nine

48.8K 1.2K 59
                                    

I published a new story entitled "All or Nothing". Maga-update ako dun paunti-unti hanggang sa matapos ko 'tong Hooked. :)

---

Hindi alam ni Elisha kung pang-ilang buntong-hininga na ang ginawa niya pagkababa ng kotse ng Papa niya. Kararating lang nilang buong pamilya sa The Santillan's. Pagpasok nila ay kaagad silang sinalubong ng isang usher at iginiya sila sa private room sa may second floor ng restaurant.

Nahuhuli siya sa paglalakad dahil pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil excited siya sa mga mangyayari. Nang sabihin sakanya ni Calix ang tungkol sa dinner na ito, wala siyang naramdamang kaba kundi ay puro excitement lang.

She heaved a deep sigh before looking up and what she saw made her shocked. Akala niya ay ang pamilya lang niya at pamilya ni Calix ang naririto pero nagkamali siya. Sa mahabang table na naroon, nandoon sina Tito Dylan, Tita Michelle, Tito Marco, Tita Adie, Tito Vin, at Tita Erin habang ang mga anak ng mga ito ay nasa kabilang panig ng lamesa at doon nagkikwentuhan. Pansin niyang wala si Adam sa grupo marahil siguro'y busy ito.

"They're here." masayang anunsyo ni Tita Colyn. Tumayo ito at kaagad na nilapitan ang Mama Ellaine niya at hinalikan ito sa pisngi. Sunod ay hinalikan siya nito at si Mella. Ang Papa naman niya ay kaagad na dumiretso sa mga kaibigan at nagbatian.

Tinungo nila ni Mella ang pwesto ng mga kaibigan. Umupo si Mella sa tabi ni Vera habang umupo naman siya sa gitna ni Calix at Ailee. Nasa harapan naman niya si Michelle na napapagitnaan ng dalawang kuya nito.

"Ano'ng meron? Bakit biglang may get together?" Ailee leaned and whispered.

Tinignan niya si Calix na masayang nakikipag-usap kay Dami na kaharap nito. Looks like wala pa itong sinasabihan tungkol sa panliligaw nito sakanya. Mukhang tanging pamilya palang nila ang nakakaalam.

She just shrugged and smiled at Ailee. She can't wait to see their reactions when Calix drops them the news. Masayang nagkekwentuhan naman ang mga matatanda tungkol sa negosyo o kaya'y sa mga bahay-bagay na maisipan ng mga ito.

Naramdaman niyang may sumipa sa paa niya at nang matanto niyang si Michelle iyon tinignan niya ito na nasa harap niya. Kumunot ang noo nito at tinuro nito si Calix gamit ang tinidor na hawak. She gave her a confused look so she took her phone and started typing. Maya-maya lang ay nagvibrate ang phone niya na nasa gilid lang ng plato niya.

What's up with the two of you? Kanina ko pa napapansin na sobra atang sweet si Calix sa'yo? Something's fishy. Hmm..

Hindi siya nagreply at nginisian ang kaibigan tapos ay nagkibit-balikat nalang na ikinangisi ni Michelle. Maybe she hinted something and chose to zip her mouth for a while.

Natapos ang dinner at kasalukuyan nang isineserve ang desserts na sabi ay si Vera pa daw ang may gawa. They all praised Vera's cooking. Sobrang sarap ng gawa nitong Sansrival kaya sigurado siyang magiging isang magaling na patissiere ito.

Pagkatapos kumain ng lahat, tumayo na si Calix at tumikhim ng malakas kaya nakuha nito ang atensyon nilang lahat. Nakita niyang hinawakan ng Mama niya ang braso ng Papa niya na tila ba ay excited ito. Nakasalubong naman niya ang tingin ni Tita Colyn at nginitian siya nito tapos ay humilig sa balikat ni Tito Jeremie. Ang iba ay halata ang kyuryosidad sa mga mukha.

"Maybe some of you are wondering why Mom and Dad invited all of you for dinner.." Calix smiled shyly that made him more attractive for her. "Actually, this all my idea." nahihiyang dagdag pa nito.

Nagkatinginan sila ni Michelle at isang mapaglarong ngiti ang ibinigay nito sakanya. She also felt Ailee elbowed her. Siya nama ay tinatago ang ngiti habang nakikinig kay Calix.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now