Twenty

50K 1.3K 156
                                    

Pagkasapit ng Lunes, hindi napigilan ni Elisha na magkwento kay Quinn tungkol sa nangyari nitong Sabado. Ayaw niya namang magkwento kela Ailee at Michelle dahil alam naman niya ang sasabihin ng dalawa sakanya. Paulit-ulit rin sinasabi ng mga ito na gawin lang niya kung ano ang tama. Na kesyo huwag raw siya magpakahina at duwag sa nararamdaman niya kay Calix.

Bumuntong-hininga siya habang natapos siya magkwento kay Quinn. Nandito sila sa cafeteria ng Global Times para sa lunch break nila. Alam niyang naghihintay sa kanya si Calix dahil lagi naman silang sabay mag-lunch kay tinext niya ito kanina na hindi muna siya sasabay at dito nalang sa cafeteria kakain at idinahilan niya na maraming gagawin.

"Huy, magsalita ka naman. Kaya nga ako nagkwento sa'yo dahil kailangan ko ng ibang opinyon bukod sa mga kaibigan kong sina Ailee at Michelle."

Tumango-tango si Quinn as if she's assesing the situation. Sumipsip ito sa straw na nakalagay sa bote ng softdrinks na iniinom nito.

"Sabi mo lagi nga kayong nagsasabay kumain?"

"Oo."

"Tapos lagi rin siya nagpapadala ng goodmorning and goodnight texts? Kahit weekends pinapaalala niya na never skip your meals?"

"Oo. Ganoon nga."

"You also said that he became very attentive to your needs?"

Tumango siya sa tanong nito.

"Na ikaw lang ang tanging may access sa unit niya? As in ikaw lang?"

"Oo, iyon ang sabi niya sa'kin."

"Sabi mo rin, hindi siya nagrereklamo kahit na corny ang mga pinapanuod niyo? Tulad ng nangyari noong sabado?"

"Oo nga. Kakasabi ko lang, Quinn."

"And...you said that he kissed you. Twice?"

Bumuga siya ng hininga. "Sa cheek and sa noo. Bakit ba inuulit mo ang mga nakwento ko na?" inis na sabi niya rito. Kaya nga niya ikinwento kay Quinn ang mga napapansin niya kay Calix nitong mga nakaraang buwan para sana sakaling may mahanap siyang sagot sa mga katanungan sa isip niya. Pero, pinapaikot pa ni Quinn ang usapan.

"And you're looking for an answer for his doings?"

Umirap siya sa hangin. "What's your point, Quinn? Naiinis na ako. Inuulit mo lang ang mga sinabi ko eh."

Natawa si Quinn sa inakto niya at sumandal sa upuan. "The answer's obvious, Eli. Like duh, hindi mo ba naisip iyon?"

"And that is?" she arched an eyebrow at Quinn who is grinning at her like a cat.

"He likes you."

"What?" kunot-noong tanong niya.

Quinn leaned at the table and said every word slowly for her to understand. "Calix. Likes. You."

Sandaling prinoseso niya sa utak ang sinabi ni Quinn sakanya. Then suddenly, she burst out laughing dahil sa joke ni Quinn but it slowly dies down when she saw Quinn staring at her as if she became a lunatic.

Tumikhim siya at umiling-iling. "Imposible. Hindi mo ba ako narinig kanina? Lagi niyang sinasabi na friend lang ang turing niya sa'kin."

Tinaasan siya ng kilay ni Quinn. "Kailan niya iyong huling sinabi sa'yo?"

Nag-isip siya kung kailan nga ba. "Uhm, about a month ago?"

"Tagal na pala eh. Bawal ma-develop?" she said sarcastically.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now