Six

43K 1.1K 64
                                    

Tanaw na tanaw ni Elisha ang kinaroroonan ni Czarina mula sa kinauupuan nila dito sa canteen. Kasama niya ang mga kaibigan niyang sina Michelle at Ailee at nang dumating sina Dami, Adam at Calix umingay lalo ang kanilang lamesa dahil sa tukusuhan nina Adam at Dami kay Calix na ngayo'y papunta na sa kinaroroonan nina Czarina at ng mga kaibigan nito.

Tulad nga ng sinabi sakanya ni Czarina noong nakaraang linggo, gusto nito si Calix mismo ang gumagawa ng effort para ligawan ito. Pagkasabi niya kay Calix nun agad naman ito kumilos. Ilang araw naring nagbibigay ng kung anu-anong bagay si Calix kay Czarina. Ngayon nga ay may hawak itong malaking box ng chocolates si Calix.

Pagkalapit ni Calix kay Czarina, rinig na rinig nila ang impit na mga tili ng mga kaibigan ng huli. Umugong din ng tuksuhan dahil sa kapansin-pansin ang ginawang pagbibigay ng chokolate kay Czarina.

Gusto niyang umiwas ng tingin sa mga ito nang nakita niyang nginitian ni Czarina si Calix at tinanggap ang chokolate. Umupo si Calix sa tabi ni Czarina at masayang nag-usap ang dalawa.

"Martyr."

"Masochist."

Hindi niya pinansin ang bulong nina Ailee at Michelle sakanya. Aminado naman siya sa mga akusa ng mga ito. Pero, ano'ng magagawa niya? Ganoon siya eh. Ganoon na talaga siya pagdating kay Calix.

Nagulat nalang siya nang bigla nalang siyang hilahin ni Ailee at Michelle palabas ng canteen. Tinatawag sila nina Dami at Adam pero tuloy-tuloy lang ang paghila ng mga kaibigan niya sakanya.

Dinala siya ng mga ito sa girl bathroom. Walang tao doon kaya naman ni-lock ni Michelle ang pinto tsaka siya hinarap ng mga ito.

"Masaya ka na?" tanong ni Michelle.

Ngumiti siya ng tipid at hindi sinagot ang tanong nito. Masaya ba siya? Masaya siya para kela Calix at Czarina. But for her? No. Definitely no.

Naiinis umungol si Ailee na para bang gusto na siya nito ibigin patiwarik. "Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinaksak. Nakakainis ka na, Eli! Why won't you do something?!"

Huminga siya ng malalim. "Ano naman ang gagawin ko? Sasabihin ko ang nararamdaman ko kay Calix? Then what? Halata naman na wala siyang gusto sa'kin. I didn't say that I love him, Ails. I said I like him. Lilipas din ito."

Kinunutan siya ng noo ni Michelle. "Don't you want to find out what Calix feels for you? I hate seeing you like this, Eli."

Ngumiti siya at niyakap ang dalawa niyang kaibigan. Sa kanilang magbabarkada, mas close talaga niya sina Ailee at Michelle dahil hindi nagkakalayo ang mga edad nila, habang sina Mella at Vera naman ang mas close. She consider these two as her bestfriends.

"Don't worry about me, guys. It's not like it's the end of the world! It's just a simple infatuation. It will fade. I'm okay, really."

She knows that her friends doesn't believe her. Kahit nga siya, parang pinapaniwala niya ang sarili niya. But, she's sure that this feeling she has for Calix will eventually fade. She just...have to wait.

Bumuga ng hangin si Ailee. "At least, stop being a bridge to them, Eli. Nakakainis lang."

Tumawa siya. "Don't worry. Sabi ni Czarina gusto niya si Calix mismo ang lumapit sakanya. So, I guess, he doesn't need my help anymore."

"Bahala ka na nga! Basta, kapag 'di mo na kaya nandito lang kami." sabi ni Michelle sakanya.

Niyakap niyang muli ang mga kaibigan niya at sabay-sabay silang naglakad palabas ng bathroom at nagkanya-kanyang tahak sa kani-kanilang mga klase.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now