Fifteen

47.7K 1.1K 77
                                    

Sa sumunod na araw, ipinatawag si Elisha ni Ms. Helen sa opisina nito. Nagtaka man dahil sobrang aga siya nitong ipinatawag, sinunod nalang niya ang nais nito.

"I saw the story you proof-read. Magaling ka, Eli." puri ni Ms. Helen sakanya habang magkasiklop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa nito.

Ngumiti naman siya at nahihiyang inayos ang kanyang salamin sa mata. "Salamat po, ma'am."

"If you don't mind, sa'yo ko na muna ipapadiretso lahat ng articles and stories ng mga junior writers for proof reading. Sa ngayon, ito muna ang main job mo." imporma nito sakanya.

Masaya naman siya sa sinabi nito. At least hindi na siya taga-organize ng mga papel na babasahin ni Ms. Helen. Mas maganda ito kesa sa dati niyang ginagawa. Malugod niyang tinanggap ang sabi sakanya ng kanyang supervisor at umalis na ng opisina nito.

Umupo siya sa cubicle niya at binuksan ang computer niya. Tinawag siya ni Apollo na isa sa mga junior editors. Ngitian niya ang babae.

"Tara, kain muna tayo sa cafeteria." yaya nito sakanya. Kasama nito sina Luke, Valeen at Ara na mga kapwa writers din nito.

Tumayo siya at kinuha lang ang phone at wallet niya. Ayaw naman niyang maging KJ. Tsaka, naging close na rin naman niya ang mga ito. Hindi ri naman nalalago ang edad niya sa mga edad ng mga ito.

Sabay-sabay silang naglakad patungo sa elevator upang bumaba sa cafeteria na nasa second floor. Nagke-kwentuhan sila tungkol sa kung anong bagay habang papunta sa cafeteria.

Medyo may karamihan ang mga empleyado sa cafeteria dahil siguro marami rin ang hindi pa nagbe-breakfast tulad nila. Tumungo na sila sa counter upang bumili ng kanilang pagkain. Naupo sila aa may pwesto malapit sa entrance sa cafeteria.

"Balak mo dito magtrabaho pagka-graduate?" tanong sakanya ni Valeen.

Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko pa alam. Pero kung bibigyan ng opportunity, bakit hindi?"

"Try mo! Maganda naman dito sa Global Times. Ang dami pang benefits." segunda ni Luke habang binuksan nito ang sandwich at ibinigay kay Ara. Nililigawan kasi nito si Ara.

"Ano pala full name mo? Tsaka saan ka nagwo-work?" tanong ni Apollo.

"Elisha Min R. Illustre ang pangalan ko. Taga St. Clarisse University ako." sagot niya.

"Uy, diyan ako graduate!" natatawang sabi ni Ara.

"Really? Wow!" sambit niya.

Nagkwentuhan pa sila bago nagpasyang bumalik na sa floor nila. Nang sumapit ang nine o'clock, naging busy na sila sa kanya-kanyang trabaho. May mga junior writers din kasi na nagpasa na ng kanilang gawa at tulad nga ng sabi ni Ms. Helen, sakanya muna dumiretso iyon para maproof read.

Pagsapit ng lunch time ay tinawagan siya ni Quinn.

"Nasa lobby ako, tara kain tayo?" aya nito.

"Yup, sige. Sandali lang. Magpapaalam lang ako."

Nagpaalam siya kay Ms. Helen na kakain na muna siya at pumayag naman ito at sinabing alas-dos nalang siya muli bumalik. Bumaba siya at nagtungo sa lobby kung saan kaagad niyang nakita si Quinn na nakaupo sa waiting area. Sinalubong siya ng kaibigan nang mamataan siya at ikinawit ang braso sakanya. Sumaludo sakanila si Manong Johnny na siyang guard nang lumabas sila.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Quinn.

"Gusto ko ng burger." sabi niya.

"Sige, sa Jollibee nalang tayo, tamang-tama nagtitipid din ako." halakhak nito.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now