Two

49.6K 1.3K 95
                                    

Pinagmasdan ni Elisha ang kabuuan ng canteen ng kanilang university. Kasama niya ngayon si Ailee at Michelle na kasalukuyang bumibili ng pagkain nila. Maya-maya lang ay namataan niya nang papunta na sa table nila sina Adam na kasama ni Dami ngayon. Kasunod ng mga ito sina Isaac, Marky at Calvin.

"Sila Michelle?" tanong sakanya ni Dami nang maupo na ang mga ito sa pwesto ng mga ito.

Sakto namang kalalapag lang nina Michelle ang tray nila. Inilagay ni Michelle sa kanyang harap ang isang burger at canned juice.

"Oh, nasaan ang iba?" puna ni Ailee.

"Si Vera at Mella, may inaayos sa club nila, si Calix may meeting lang sandali sa soccer team. Pero parating na yun." sagot ni Isaac. Inilabas na nito ang wallet at inaya na ang iba na bumili ng pagkain.

Habang hinihintay nilang makabalik sila Isaac, sunod naman na dumating si Calix. "Where are they?"

Nanatili siyang nakayuko sa librong hawak niya at hinayaang sina Michelle ang sumagot sa tanong ni Calix.

"Bumibili na ng pagkain." sagot ni Ailee.

Habang inililipat ang page ng libro niya, kinagatan niya na ang burger niya. Nang babalingan niya sana si Michelle sa harap niya, nagulat siya nang nandoon pa si Calix. Matamang nakatingin ito sa pagkain niya. So, ang tendency niya, inalok niya ito ng burger.

"Gusto mo?" tanong niya rito.

Kumunot ang noo nito at tinignan siya. "No thanks. I'd rather eat a proper meal." pagkasabi nun ay tinalikuran na siya nun. Siya naman ay nagkibit-balikat nalang. Well, that is Calix version 2.0 for you.

Simula nang makabalik ang mga ito two months ago, tinulungan kaagad ni Tito Dylan sina Calix na makapasok dito sa university na pinapasukan nilang magkakaibigan. She doesn't know how they did it, pero na-credit lahat ng subject na tinake ni Calix at Calvin noong nasa US sila kaya naman regular student kaagad ang mga ito pagkapasok.

Kasalukuyang nasa ikaapat na taon na si Calix sa kursong Business Administration habang siya naman ay nasa ikatlong taon na sa kursong Journalism. In just two months, mabilis na nakapag-cope up ang magkapatid. Calvin has new friends with the help of Marky, while Calix found also a place here in the university and that is the soccer team. She was schocked that he plays soccer, and when she said he plays, she means he's really really good. Napagalaman niya na kasali si Calix sa soccer team sa eskwelahan nito sa US.

Ilang sandali lang ay naging maingay na ang lamesa nila nang makabalik na ang iba pa nilang mga kaibigan. Mostly, sina Isaac, Adam at Marky ang maingay.

"I'm telling you, dude. Grabe si Ashley! Ang wild kapag lasing!" natatawang kwento ni Isaac.

"Talaga? Freshman palang yun 'di ba? Buti pinapasok sa club." tanong ni Marky.

"Yeah. But she's already eighteen so wala namang problema." sagot ni Isaac.

She just secretly rolled her eyes with what they're talking about. Boys will be boys. She just kept herself busy reading her book. Nasa pangalawang libro na siya ng novel na binabasa niya na isang trilogy. Sa sobrang engrossed niya, hindi niya namalayan na kinakausap na pala siya ni Michelle.

"Sama ka mamaya?" tanong nito sakanya.

"Huh? Saan?" tanong niya pabalik.

Ailee rolled her eyes at her. "Sa bar nila Calix! Hindi ba, opening nila ngayon. Tara, party tayo mamaya!"

Sa lakas ng boses ni Ailee, natigilan ang nasa kabilang table at napatingin sakanila. Maski sila Isaac, natigilan rin dahil sa sigaw ni Ailee.

"Ang ingay mo naman ate." reklamo ni Marky.

Ailee slapped his brother at his arm. "Shut up!" binalingan siya nito at hinila-hila ang braso niya. "Sama ka maya ha? Sama ka! Sama ka!"

Pinigilan niya si Ailee. "I can't. I have to study." sabi niya.

"Study my ass! Nagbabasa ka lang ng novel mo eh!" reklamo ni Ailee.

"Pagbigyan mo na iyan, Eli. Hindi naman tayo magpapagabi. Kung gusto mo na umuwi, hahatid nalang kita." presinta ni Adam sakanya.

Sa huli'y napabuntong-hininga nalang siya at tumango na naging dahilan kung ba't napatili si Ailee.

Pagkatapos ng klase, dumiretso na siya sa sariling kotse na regalo ng kanyang lolo at lola sa mother side. Noong una, ayaw ng Papa niya na magmaneho muna siya, pero tiklop ito nang kumampi sakanya ang Mama niya. Sumandal siya sa kanyang kotse at tinawagan si Mella kung sasabay ito. Nang sagutin nito ang tawag, sabi ay sasabay nalang daw ito kay Vera papunta mamaya sa club.

Umuwi muna siya para makapagpahinga at makapagpaalam na rin sa mga magulang niya. Kaagad naman pumayaw ang mga ito dahil kasama naman niya sina Isaac. Alas singko palang ng hapon, and she's sure na mamayang gabi pa naman sila aalis kaya naman umidlip muna siya sandali.

She stirred in her sleep when she felt her phone vibrating non-stop. Sinagot niya iyon habang nakapikit parin. She's still sleepy.

"Hmm?" she murmured sleepily.

"Eli! Nasaan ka na?! Nandito na kami sa club!"

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang tinis ng boses ni Elisha. She checked on her wall clock and was shocked when it was already ten in the evening. She put her phone on speaker and hurriedly gpt up.

"S-Sorry! I overslept!" she said while rummaging he closet to find something decent to wear.

Nakikita na niya kung paano umirap si Ailee sa kabilang linya. "Ano pa nga ba? Basta sumunod ka na dito. Hinahanap ka din ni Tito Jeremie." pagkasabi nun ay tinapos na niya ang tawag at mabilis na naligo. It took her just five minutes to finish in the bathroom. She quickly put on her red midriff top, slipped in her tight black pants and wore her black Keds sneakers. She just pulled her hair into a high ponytail, wore her contact lens and applied her face with powder and some cheek and lip tint. She sprayed herself her favorite cologne, Zwistal, which is a baby cologne from Avon.

She put her phone, wallet and other things in her small sling bag and hurried went down stairs. Naabutan niya ang Mama niya na nasa sala at nanunuod ng TV kasama si Manang Mildred. Manang Mildred is her Mama's nanny when she was a kid. Then, she also became hers and Mella's nanny. She's part of their family.

"Akala ko 'di ka na aalis. Kanina ka pa kinakatok ni Nanay Mildred sa kwarto mo." sabi ng Mama niya.

"I overslept po eh. Si Mella nandoon na iyon. Si Vera kasabay nun eh. Alis na po ako at bubugahan na ako ng apoy ni Ailee."

Mabilis na humalik siya sa Mama niya at kay Manang Mildred upang magpaalam. Hindi na siya nagtanong kung nasaan ang Papa niya because he's just propably working in his library.

In just thirty minutes, she arrived at the club. Kaagad siya naghanap ng parking space at tinawagan si Ailee para sabihing nandito na siya.

"Okay, wait at the front, papasundo kita."

So that's what she did. She went in the front of the club. Nakita niyang maraming nakapila para pumasok. She can also hear the loud music coming from inside. Sandali lang ay nakita niya si Calix na lumabas ng club. Tila may hinahanap ito. Marahil ay ito ang pinakiusapan ni Ailee para sunduin siya kaya naman mabilis siyang lumapit dito.

"Hi. Sorry I'm late. I overslept." paliwanag niya kaagad.

"What?" tanong nito. Nakataas ang dalawang kilay nito sakanya. Ngumiti siya ng tipid. Nahihiya kasi siya. Sandali lang siya nito tinapunan ng tingin. Iginala ulit nito ang tingin na para bang may hinahanap. Don't say-

"Eli! Nandito ka lang pala. Tara na, hinahanap ka na nila Ailee sa loob."

Then, her eyes went to Isaac who's waving his hand. He gestures her to come inside, but in instinct, she looked back at Calix. And there, she saw how he smiled at a certain girl. Mukhang ito talaga ang hinihintay ni Calix. She averted her gaze when they were about to kiss.

She followed Isaac inside and never dared to look back again.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now