Twenty-one

46.7K 1.5K 213
                                    

"Mag-iingat ka, Quinn. Mamimiss kita." sabi niya sa kaibigan at niyakap ito.

"Ikaw rin! We'll keep in touch. See you next year!" biro nito sakanya.

Babalik na kasi sa Cebu si Quinn dahil tulad niya, may isang taon pa ito sa kolehiyo. Pero, ang sabi nito ay sa Manila na ito mag-stay after graduation para maghanap ng trabaho.

"Sige, papasok na ako. I wish you well, Eli. Alagaan mo si Hunky Calix ha?" tatawa-tawang saad nito.

Kumaway siya kay Quinn bago pa ito pumasok sa airport. Nang mawala na ito sa paningin niya ay naglakad na siya tungo sa parking para sa kotse niya. Kakasakay palang niya nang tumunog ang phone. Kinuha niya iyon sa bag niya at sinagot nang makitang si Calvin iyon.

"Hello?"

"Ate! Nasaan ka?"

"Airport. Pabalik na ako ng bahay. Bakit?"

Narinig niyang pumalatak sa kabilang linya si Calvin. "Ate, game ni Kuya Calix ngayon, 'di ba?"

Napamura siya sa isip dahil nakalimutan niyang ngayon nga pala ang soccer game na sinasabi ni Calix. Ni-loud speaker niya ang phone at nilagay ito sa stand na nakalagay sa kotse niya. Nagmamadaling inistart ang kotse at pinaharurot papunta sa Sports Field na gaganapan ng laro ni Calix.

"Start na ba? Papunta na ako."

Rinig niya sa kabilang linya ang maiingay na tao. Mukhang marami ang manunuod. "Malapit na ata. Nasa field na ang mga players eh. Pero wala pa si kuya." sabi nito.

Pumalatak siya. "Sige, sige. I'll be there in less than ten minutes."

Binaba na ni Calvin ang tawag. Mabuti nalang at hindi kalayuan ang sports field na paggaganapan ng laro ni Calix. The game's not school related, though. Nag-sponsor kasi ang isang sikat na brand ng energy drink para sa isang competition. Random ang mga players sa iba't ibang university at isa nga si Calix sa mga nakasali.

Pinaalam na nito iyon sakanya noong isang araw pero ewan ba niya at nakaligtaan niya iyon. Marami kasi siyang ginagawang reports tungkol sa OJT niya dahil isa iyon sa mga requirements for completion niya.

Niliko niya ang kotse at nakita ang malaking sports stadium kung nasaan ang pagdadausan ng soccer game. Mabilis siyang nag-park at naglakad patungo sa entrance ng stadium. Napatigil siya sa paglalakad nang makita si Calix na nakasandal sa gilid ng entrance. Nakayuko ito at nakatingin sa sahig.

"Calix?"

Mabilis na nag-angat ito ng tingin at inilang hakbang lang nito ang pagitan nila tsaka siya niyakap ng mahigpit. "Akala ko hindi ka na dadating." bulong nito sakanya habang yakap-yakap siya nito ng mahigpit.

Tinapik niya ang likod nito dahilan para bumitaw ito sa pagkakayakap sakanya. "Sorry, hinatid ko kasi sa airport si Quinn. Start na ba ang game?"

Tumango ito. "Nagsimula na mga five minutes ago."

Malakas na pinalo niya ito sa braso at hinila papasok sa loob. "Bakit ka nasa labas kung nag-start na pala?! Hindi ba isa ka sa mga first players?!" sermon niya sa lalaki habang hatak-hatak ito papasok sa loob.

"I'm not playing if you're not watching." simpleng sagot nito.

Hinarap niya ito at humalukipkip. "Ano'ng sabi mo?"

Tumiwid ito ng tayo at ginaya ang postura niya. He also crossed his arms. "I said, I'm not playing if you're not here, cheering for me."

Sandaling natigilan siya. Tapos, napangiti siya sa sinabi ni Calix. "Talaga lang ah? Tinatamad ka lang ata maglaro."

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now