Eighteen

44.7K 1.1K 89
                                    

Tulad ng sinabi ni Calix, hinintay nga siya nito nang matapos ang oras niya sa trabaho. Ngayon, lulan silang pareho sa sasakyan ng binata at tinatahak ang daan kung saan man ang sinasabi nitong somewhere.

Hindi na siya nagtanong pa dahil limang beses na ata siya nagtanong at tanging 'basta' lang ang sagot nito. She just patiently waited until they arrive to what place he's talking about. It took them an hour before his car stopped in front of a condominium tower.

"We're here." anunsyo nito.

Nagtataka man ay lumabas siya ng kotse ni Calix. Pagpasok sa lobby ng tower, sinalubong kaagad sila ng isang lalaking na nakasuot ng formal attire.

"Mr. Santillan," bati nito kay Calix at naglahad ng kamay.

"Mr. Cruz," pabalik na bati nito tapos ay inakbayan siya ni Calix upang ipakilala sa lalaki. "This is Elisha Illustre, my friend." sabi nito.

She can't help but to smile bitterly when he introduced her as his friend. What does she expect from Calix? Of course, he's her friend. She cam back from her reverie when she felt Calix tugging her hand towards the elevator.

Tahimik lang siya habang nag-uusap sina Mr. Cruz at Calix tungkol sa mga different types ng units dito sa tower. Tumigil sila sa 18th floor. Naglakad sila sa may dulo ng pasilyo at tumigil sa pinakahuling unit doon. May pi-nunch na password sa keypad si Mr. Cruz at nag-scan ng thumb print tsaka sila pumasok sa loob.

Foyer palang masasabi niyang magarbo ang unit na ito. May maliit na hagdan na may tatlong baitang na kadugtong ang living room. Sa kaliwang bahagi naman ang kitchen at dining room. Sa kanan ay may pasilyo kung saan may tatlong kwarto.

"So, Mr. Santillan, this pad has two bedrooms with individual bathrooms. We also have a separate bathroom at the next door for visitors. There is a laundry are beside the kitchen. Now, the best part is the veranda." paliwanag ni Mr. Cruz habang isa-isang ipinapakita ang bawat sulok ng unit. Ini-slide nito ang glass door sa may living room at naroon ang may katamtamang laki na veranda. May dalawang rattan lounge chairs doon at hula niya na mas maganda ang tanawin doon lalo na kapag gabi.

Nang matapos ang tour, umalis na sila at nagtungo sa admin office na nasa ground floor.

"What do you think?" baling sakanya ni Calix.

Gulat naman niya itong nilingon. "Huh? Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Well, kaya nga kita isinama eh." nakangiting sagot nito.

"Ayos lang naman." kibit-balikat na sagot niya.

Kumunot ang noo ni Calix sakanya at tsaka binalingan si Mr. Cruz na nakangiting naghihintay sa desisyon ni Calix.

"Could you give us a moment?"

Tumango naman si Mr. Cruz. "Sure, Mr. Santillan. I'll be outside for a moment. Excuse me."

Pagkalabas ni Mr. Cruz ay tuluyan na siyang hinarap ni Calix. "Is there something wrong?" You.

Sinalubong niya ang titig ni Calix. Pero hindi nagtagal ay binawi rin niya iyon. Damn those eyes. "Wala naman."

Rinig niya ang ginawa nitong pagbuntong-hininga. "I know there's something wrong, Elisha. Hindi mo iyon maitatago sa'kin."

Huminga siya ng malalim at nginitian si Calix. "Wala nga. Kulit mo rin." pinagaan niya ang boses para wala na itong masabi.

Nanatiling nakatitig lamang ito sa mukha niya kaya naman umiwas siya ng tingin dito. Kinuha niya ang folder na ibinigay ni Mr. Cruz kay Calix at binasa iyon.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now