Eleven

47.3K 1.1K 43
                                    

Halos alas siyete na ng gabi nang makarating sila Elisha sa Rancho Illustre. Kaagad na sinalubong sila nina Tito Dylan at ng kanyang Papa Mico nang mamataan ng mga ito ang kanilang sasakyan. Ipinark na muna ni Calix na huling pumalit bilang driver. Tinapik naman niya si Isaac na siyang katabi niya ngayon upang gumising. Si Michelle naman ang gumising sa iba pa nilang kasama na nakatulog na sa kahabaan ng biyahe.

"Masyado ata kayong ginabi, Calix." sabi ni Tito Dylan nang makalabas na silang lahat.

"Marami po kasing stop over, Tito." sagot ni Calix at tsaka nag-inat ng mga braso. Mukhang napagod din ito dahil halos tatlong oras din ang toka nitong mag-drive. Siya naman ay tumulong sa pagbababa ng iba pa nilang mga gamit mula sa van. Lumabas rin ang iba nilang kasambahay sa hacienda upang tulungan sila ilagay sa mga kwarto ang mga gamit.

"O sige na. Ilagay niyo muna ang mga gamit niyo diyan at kanina pa kayo hinihintay ng mga mama niyo. Kakain na tayo ng hapunan." sabi ng Papa niya sa kanilang lahat.

Kaagad naman silang nagsi-akyatan sa kani-kanilang kwarto. Sa ngayon ay kasama niya sina Michelle at Ailee sa kwarto niya, habang sila Mella at Vera ay magkasama sa kwarto ng kapatid, sina Dami at Calix ang magkasama sa iisang kwarto, si Isaac at Adam ang magkasama sa isa pa habang sina Calvin at Marky naman sa isa. Ang mga magulang nila ay tig-iisa ng kwarto dito sa hacienda.

Pagkababa nila ng mga gamit ay sabay-sabay na silang pumunta sa dining room at sabay-sabay na nagsikainan. Pagkatapos kumain ay hindi na sila nagkwentuhan pa dahil pare-parehas silang mga pagod t tadtad sa biyahe kaya naman nagpaalam na sila upang magpahinga at matulog.

"Masyado ka na atang nagiging close kay Calix ulit?" biglang sabi ni Ailee na kasalukuyang nakaharap sa vanity mirror niya at nagsusuklay ng basa nitong buhok dahil katatapos lang nito maligo at si Michelle naman ang kasalukuyang nasa banyo.

Natigil siya sa pag-aayos ng mga una sa kanyang kama at binalingan si Ailee na nakatingin sakanya mula sa salamin.

"What are you talking about?"

Umirap sakanya si Ailee at umikot para maharap siya ng totoo. "I'm not blind, Eli. Halata naman eh."

Kumunot ang noo niya. "Halata ang ano?"

Bumuga ng marahas si Ailee ng hangin. "Hindi ko alam kung wala ka ba talagang alam o nagtatanga-tangahan ka. Basta, sinabihan ka na namin ni Michelle. Susuong ka sa isang sitwasyong hindi mo alam kung paano labanan."

Hindi nakapagsalita si Elisha sa mga sinabi ni Ailee. Ano ba ang masama kung maging close man ulit sila ni Calix? They're friends, for God's sake! Kung yung infatuation niya kay Calix ang tinutukoy ni Ailee, well, it's gone... I think.

Hindi nalang siya sumagot pang muli at nagpapasalamat siya dahil hindi narin naman nagsalita pa si Ailee at bumalik sa vanity mirror at nagsimulang patuyuin ang buhok gamit ang blow dryer niya.

Humiga nalang siya sa kanyang pwesto at napaisip sa sinabi ng kaibigan. Nagiging malapit nanaman ba siya kay Calix? Hindi ba maganda nga iyon? Tutal malapit naman talaga sila sa isa't isa simula pa ng mga bata pa sila. May pinagkaiba ba iyong dati sa ngayon? Tingin niya ay wala naman.

----

Maagang nagising si Elisha kaya naman kaagad siyang bumangon at dahan-dahang naghilamos, nagtoothbrush at nagpalit ng damit. Simpleng white spaghetti strap at maong shorts lang ang sinuot niya. Ipinusod niya ang kanyang buhok at isinuot ang kanyang salamin. Bumaba siya sa kusina at naabutan doon ang ibang kasambahay nila na nagluluto ng agahan.

"Magandang umaga po, señorita." bati ng mga ito sakanya ng makita siya.

"May gatas na ba?" tanong niya.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now