Seventeen

47.4K 1K 50
                                    

Mabilis na rumesponde ang mga bouncers nang makakuha sila ng atensyon dahil sa ginawang pagsuntok ni Calix kay Byron. Inilabas ng mga bouncers si Byron dahil sa pambabastos na ginawa nito. Mabilis din nawala ang tensyon at bumalik ang atensyon ng mga tao sa bagong DJ na pinapatugtog ang mga sikat na kanta ni Ariana. Patuloy pa rin naman ang pagbubuhos ng tubig at bula sa mga taong sayang-saya sa nangyayari. Ngunit kahit ganoon, pansin ni Elisha ang busangot na mukha ni Calix na seryosong kinakausap ngayon si Dami at Adam sa isang sulok kung saan malayo sa mga nagsasayang mga tao. Maya-maya ay nakita niyang lumabas ito.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya nang makalapit sakanila sina Adam at Dami.

Ngumiti naman sakanya si Adam. "He just needs some air. Medyo mainit pa ulo niya eh."

Dami looked at her intently. "Sabi niya ay hinawakan ka daw sa kung saan nung lalaki. Totoo ba iyon?"

Tumango siya sa tanong ni Dami. "Hinaplos niya ang bewang ko at pinisil-pisil. Hindi na sana ako magsusumbong pero nainis talaga ako sa mukha ni Byron eh."

Nakita niya rin ang pag-iiba ng ekspresyon nina Dami at Adam. Kita rin niya ang pag-igting ng panga ng mga ito.

"Shit naman. That asshole deserve the punch! Kung alam lang din namin, ganoon din ang gagawin namin, Eli." seryosong sabi ni Adam.

Alam naman niya iyon eh. Protective ang mga kaibigan niyang lalaki sakanilang mga babae. Kaya hindi naman niya binibigyang malisya ang pagsuntok ni Calix kanina kay Byron. Pero, aaminin niyang masaya siya dahil pinagtanggol siya nito. Kahit na alam niyang protective lang ito sakanya bilang kaibigan.

"Sundan ko muna siya." sabi niya sa dalawa.

Tumango si Dami. "Sige. Hatid ka na namin."

Tumanggi siya sa alok ni Dami. "Kaya ko na. Sige na, mag-enjoy na kayo. Babalik din ako."

Hindi naman na ito nagsalita pa. Dumiretso siya sa labas at doon nakita niya sa Calix sa may gilid ng club na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. Habang papalapit siya, pansin niya na magkasalubong ang mga kilay ni Calix. Halata pa rin na galit ito.

"Hey." mahinang tawag niya rito.

Nag-angat ito ng tingin sakanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Hey."

Tumabi siya rito at sumandal rin sa pader. Sandaling katahimikan ang namayani sakanila bago niya naisipang basagin ang katahimikan.

"Thank you pala kanina."

"Dapat lang iyon sa gagong iyon." rinig niya ang marahas na pagbuga nito sa kanya. Sumandal ito patagilid upang maharap siya. Nanatili itong nakahalukipkip. "Okay ka lang ba? Sabihin mo sa'kin kung may ginawa pa iyong gagong iyon sa'yo." seryosong saad nito.

She can't help but to feel butterflies in her stomach whenever Calix shows this kind of side of him. Ngumiti siya sa binata upang pagtakpan ang pagkakilig niya.

"Okay naman ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Naiinis lang talaga ako sakanya kasi feeling pogi."

Tumawa ng malakas si Calix dahil sa sinabi niya. Wala na ang kunot ng noo nito. This is what she wants to see from Calix. Iyong carefree side nito. Napapangiti nalang siya kapag nakikitang masaya naman ito.

Bumuga ito ng hangin at nakangiting hinarap muli siya at ginulo ang kanyang buhok. "Pasok na tayo sa loob? Medyo malamig dito, basa pa naman ang mga damit natin."

Sumang-ayon siya sa suggestion nito at mauuna na sanang maglakad nang maramdaman niya ang braso ni Calix na pumalibot sa balikat niya. Inaakbayan siya nito!

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now