Ten

46.8K 1.2K 52
                                    

Sorry ngayon lang nakapag-update. Galing ako vacation eh. Hehe. Tapos naghahanap narin ako ng work work work work work! Ang hirap nga maghanap ng work. Huhuhu.

---------

"So, we'll see you next week, then?"

Nginitian ni Elisha ang HR head na nag-interview sakanya. Tumayo siya at kinamayan si Mrs. Roncesvalles.

"Yes ma'am. Thank you po."

Nang makalabas na siya sa office ni Mrs. Roncesvalles ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Salamat naman at mayroon na siyang host company para sa kanyang OJT. Starting next week, she will start her internship in Global Times Corporations. Isa itong publishing company na nage-export rin ng mga gawa sa iba't ibang bansa. Natutuwa rin siya dahil isang kilalang kompanya ang napasukan niya. Tiyak na malaking puntos iyon kapag nag-apply na siya ng trabaho pag nakatapos na siya.

"Have a nice day, ma'am!" paalam sakanya ng security guard ng kompanya.

Nginitian niya ito nang makalabas na siya. Kinuha niya ang phone sa bag niya dahil kanina pa ito nagva-vibrate.

"Ailee." sagot niya sa tawag ng kaibigan.

"Tagal mo sumagot!"

"I was in a middle of an interview."

"Oh! Oo nga pala! So, how was it?" excited na tanong nito.

Bumuga siya ng hininga. "Good. Natanggap ako!"

Impit na napatili si Ailee sa kabilang linya. "Congratulations, Eli!"

"Thanks! So, nasa bahay na ba kayo?" tanong niya habang nag-aabang ng taxi.

"Yeah! We're all here! Ikaw nalang ang hinihintay."

Mabilis na sumakay siya sa taxi na napara niya at sinabi dito ang subdivision nila. "I'm on my way home."

"Okay! See you!" excited na sabi nito.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa subdivision nila. Tinuro nalang niya ang bahay nila. Nang makarating doon, nakita niya ang tatlong van na nakaparada sa harap ng bahay nila. Nagbayad siya sa driver at bumaba na.

Nasalubong niya sina Dami at Marky na naglalagak ng gamit sa likod ng van. "Hey! We've heard about your internship. Congrats!" bati sakanya ni Dami.

"Thanks! Wait lang ha? Palit lang ako damit." paalam niya sa dalawa.

Pagpasok niya ng bahay nakita niyang nagkukumpulan ang iba pa niyang kaibigan sa sala habang ang parents nila ay nasa kusina. Dumiretso siya sa Mama at Papa niya para ipaalam sa mga ito na dumating na siya at magbibihis na.

Paakyat na siya nang marinig na tinawag siya ni Ailee. Sumenyas nalang siya na magbibihis lang. Pagdating sa kwarto, nagshower lang siya ng mabilisan. Nagsuot lang siya ng plain white shirt at tinuck-in sa denim shorts tapos sinuot niya ang white sandals niya. Hindi niya na hinubad ang contact lens niya. Inilagay niya sa isang malaking pouch ang mga toiletries at ibang kaartehan niya sa mukha tsaka isiniksik sa maliit niyang maleta. Mabuti nalang at nakapag-empake na siya kagabi ng mga damit kaya hindi naman na siya gahol.

Bumaba na siya dala-dala ang maleta niya. Nadaanan siya ni Isaac sa may hagdan kaya kinuha nito ang maleta niya at inilagay sa likod ng van. Siya naman ay naupo muna sa may sofa katabi ni Calvin.

"Excited na ako mag-swimming sa falls!" tili ni Ailee.

"Me too!" segunda naman ni Michelle.

Hooked [Fin]Where stories live. Discover now