Naiinis ako sa kanilang dalawa dahil mga talunan sila!Hindi nila dapat kinakalaban ang isang harmanji na bampira tulad ko.Ang harmanji ay ang ikatlong pinakamataas na ranggo sa Emperius Vampiruz.Kaya namin na baguhin ang aming sarili at makaalis sa isang lugar sa isang segundo lamang.


Isa pang napanaginipan ko ay natagpuan na raw ang matagal nang hinahanap na apo ni Virkujumo.Si Virkujumo ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang bampira sa lahat.Kung sino man ang apo niyang iyon ay dapat nang mamatay sa madaling panahon dahil mabubulilyaso nito ang mga plano nila___.


Wala naman akong pake sa kanila.Ang pake ko lang naman ay ang aking mahal,si Vin.


-Virlono POV-


"Natagpuan na ang apo niya?", tanong ko sa aking mga kabalyero.

"Opo", sabi naman nila sa korus.


Napapadyak ako sa galit.Hindi maaaring magbalik ang apo ni Virkujumo dahil maaaring mabulilyaso ang mga plano namin ni Valeriana na maghari sa buong mundo ng mga bampira.


Dapat ay mapatay kugn sino man ang apo niyang iyon.Nakakainis!Ang alam ko'y matagal ng patay ang kaniyang apo,yun pala hindi.


Kailangan gumawa ng paraan para makilala kugn sino iyon para mapatay na siya.


-Valeriana POV-


Sinipat ko ang buong bulwagan at pumasok sa silid ng aking asawa.


Nakita ko siyang nanggigigil ang mga kamao.Nakakapagtaka naman.


Dali-dali ko siyang pununtahan sa kaniyang puwesto at kinausap.


"Mahal,anong problema?", malumanay kong tanong sakanya.


"Natagpuan na daw ang apo ni Virkujumo!", pasigaw niyang sabi na siyang ikinagulat ko.Hindi ako nagulat sa lakas ng sigaw niya ngunit nagulat ako sa sinabi niya.


Ang apo ni Virkujumo ay buhay pa?Ang alam ko ay maglalabing-walang taon nang nawawala ang kaniyang apo tatlong araw mula ngayon.


Masama ito.


-Third Person POV-


Sandaling nakaisip ng paraan si Thea kung paano makakalabas sa kuwebang iyon.


Matagal na niyang gustong gawin iyon ngunit para sa kanya ay hindi pa tamang panahon para sa bagay na iyon.


Ngunit para sakanya ay ngayon na ang tamang panahon.


Ang panahon para ilabas ang kaniyang ikinukubling kapangyarihan.Mabilis niyang pinakawalan ang puwersa mula sa kaniyang mga kamay upang masira ang kadenang pumupulupot sa kanya.


Matapos iyon ay dali-dali niyang kinuha ang sulo na may apoy upang magbigay liwanag sa kanyang dadaanan palabas ng kuweba.


Nagtagumpay siya sa kaniyang plano kaya magagawa niya na ulit ang kaniyang mga gusto.


Madaming nagagalit kay Thea kahit mabait naman siya.Nagagalit siguro sa kaniya dahil sa mala-dyosa niyang kagandahan.


Pero hindi nila alam na tanging si Thea lang ang makatutulong sa babaeng nagngangalang,Hannah.


-Someone POV-


Pagkaalis ko sa lugar na iyon ay dali-dali kong kunuha ang aking cellphone at tinawagan si Ate.


"Hello!"


[Hello.Oh ano?Nagawa mo ba yung pinapagawa ko sa iyo?"]


"Oo naman,kawawa nga siya eh!"


[Hindi siya kawawa.Tama lang iyon sa gaya niyang mga talunan]


"Ang sama mo talaga,Ate"


[Wala akong pake sa bobong babaeng yun.Mabuti nga yun sakanya eh]


"Ang bait niya kaya.Magkaibigan na nga kami eh.Ang ganda pa niya,mas maganda kaysa sa iyo"


[WALA AKONG PAKE!PESTE SIYA!]


"Hello,hello.Ate.Hello.ATE!"


*toot*toot*toot*


Hayyyss.Binaba niya na pala ang cellphone.


Naguilty naman ako sa ginawa kong iyon.


-Guillermo POV-


Malapit na pala ang ika-18 kaarawan ni Hannah.


Ano kayang mangyayari sa araw na iyon?


Babalik kaya ang kaniyang memorya?


Huwag naman sana pero kung bumalik nga ay wala na rin naman kaming magagawa.



***

The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now