36:Virloño's Evil Plan

258 15 6
                                    

-Hannah's POV-


"Jumo,ano iyong pinag-usapan niyo nung tumawag sa'yo?'', tanong ko sakanya matapos siyang makipag-usap doon sa tumawag sakanya.


"May nag-imbita sa akin.May seremonya daw bukas kaya kinausap niya ako kung pwede daw ba akong dumalo.Um-oo naman ako kasi wala rin naman akong gagawin bukas.Oo nga pala,kasama kita doon bukas hah", aniya.


Medyo na-excite naman ako kasi siyempre! Ngayon ko lang masasaksihan kung paano ginaganap ang isang seremonya ng mga bampira! Ang dami na ngang pumapasok sa isip ko eh.Iniisip ko kung maghihigupan ba sila ng dugo,tapos kakainin nila yung laman ng isa't isa!


Ayy! Ano ba itong iniisip ko? Basta excited na ako kasi 'di ba ang daming magaganda't gwapo dun?


Pero.


Kahit gaano pa sila ka-gwapo,isang lalaki pa rin ang itinitibok ng puso ko ehh. Walang iba kundi si Vin. Siya lamang ang lalaking kayang patibukin ang puso ko.


"Hannah, ayos ka lang ba? Parang ang lalim yata ng iniisip mo?", bigla naman akong natauhan sa sinabi ni Jumo.Kanina pa pala ako tulala dito.


"Ayos lang ako", ang sagot ko sa kaniyang tanong.


***


-Virloño's POV-


Bukas na ang seremonya tungkol sa pagbabalik ng anak kong si Vin.Pero siyempre,may isa pang sobrang importanteng dahilan kung bakit may seremonya bukas.


Iyon ay ang kasal ng aking anak na si Vin at Clarinet.


Sinadya kong agahan ang kasal ng aking anak na si Vin at Clarinet upang ako na at ang aking asawang si Valeriana ang maghari dito sa Emperius Vampiruz.


Sa totoo lang,isa sina Leah at Clarinet sa mga babaeng pumunta sa Mortal Universe upang hanapin si Vin.At silang dalawa lamang ang maswerteng nakahanap kay Vin.


Pero sayang si Leah,mas pinili niyang sumama sa isang mortal.Wala na rin naman akong magagawa doon.At isa pa,nandiyan na si Clarinet.


Siya ang nagwagi.Kaya siya,ang mapapangasawa ng aking anak na si Vin.


Bigla ko na lamang naisip si Jumo.Napangisi ako bigla.Sinadya kong imbitahan siya bukas sa seremonya.At higit sa lahat,pinasama ko sa kaniya bukas ang kaniyang apo.


Siya at ang kaniyang apo ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat.SILA KASI ANG SISIRA SA PLANO KONG MAGHARI DITO SA EMPERIUS VAMPIRUZ!


"Mahal", napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.Napangiti ako nang malaman kong ang asawa ko iyon,si Valeriana.


"Nasasabik na ako sa plano ko bukas,Mahal", sabi ko sakanya.Napangiti na lamang siya.


Bukas,kami na ang maghahari dito sa Emperius Vampiruz.


Paalam,Virkujumo.Pero sinisigurado kong mamamatay kayo bukas ng apo mo kasabay ng paghahari ko dito sa mundong ito.


***



The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now