46:One of The Greatest

61 3 2
                                    

Note:
Alam kong lame ang Chapter 44 at Chapter 45 maging itong Chapter 46 ngunit ipinapangako kong aayusin ko ang Chapter 47 para sa inyo. Maraming salamat mga bampira!

-Hannah's POV-

"Welcome to Blood Academy"

Sa tinagal-tagal kong namuhay sa mundong ibabaw, ngayon pa lamang yata ako nakakita ng ganito kagandang paaralan sa buong buhay ko.

Patuloy pa rin akong namamangha noong mga oras na iyon nang bigla na lamang kusang bumukas ang gate ng Blood Academy. Kung kanina'y gandang ganda na ako sa paaralan na ito noong nakasarado pa ang tarangkahan nito, ngayon naman ay tuluyan ko na talagang hindi maipaliwanag ang nadarama ko dahil mas maganda pa pala ang loob nito.

Anong klaseng paaralan ba ito? Isang paraiso?

"Maligayang pagdating, Haring Virkujumo. Nagagalak akong makita kang muli sa tinagal-tagal ng nagdaang panahon", sabi nitong dalagang nasa harap ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung dalaga pa siya dahil masyadong astig ang katangian ng mga bampira pagdating sa hitsura. Kung ikukumpara sa isang mortal ang babaeng nasa harap ko ngayon, masasabi mong nasa edad 18 hanggang 21 pa lamang siya dahil sa hitsura niya.

Naalala ko tuloy bigla iyong Sacred Vampire Fortune Teller na akala ko'y dalaga pa pero ang edad ay halos mag-i-isang libo na. Nakakamangha, 'di ba?

"Nasisiyahan rin akong makita kang muli, Vetra", ani Jumo at humalik sa kamay ng babaeng nasa harap ko. Vetra pala ang pangalan ng babaeng kaharap ko ngayon.

"Tama ka! Vetra nga ang aking pangalan. At ikaw si?", ikinagulat ko naman ang biglang pagsasalita nitong si Vetra. Hay,naku! Bakit ko ba kasi laging nakakalimutang nakakabasa nga pala ng isip ang mga bampira?

Magpapakilala na sana ako kay Vetra nang biglang magsalita si Jumo.

"Siya si Hannah. Siya ang aking apo at kaya ako naparito ay upang irehistro ang aking apo na makapag-aral dito sapagkat nasa tamang gulang na rin siya", anitong si Jumo at tumango-tango naman si Vetra habang nakangiti.

"Tama ang naging desisyon mo, Haring Virkujumo. Kung gayon nga ang pakay niyo ay mabuti pa't sumunod na kayo sa akin upang magawa ang sadya niyo rito", sabi ni Vetra. Tumalikod naman siya at naglakad na papunta kung saan. Sinundan nalang namin siya ni Jumo kung saan man siya pupunta.

Nang matapos siyang maglakad ay huminto kami sa harap ng isang opisina. Pumasok naman dito si Vetra. Humarap siya sa amin at iminuwestra ang pinto simbolong pinapapasok niya kami rito ni Jumo. Sumunod naman kami ng kasama ko papasok sa loob ng opisinang iyon.

" Maupo kayo", iminuwestra ni Vetra ang dalawang upuan at dali-dali naman kaming umupo rito ni Jumo. Nang makaupo kami'y humarap kami sa nakangiting si Vetra.

"Ahh! Oo nga pala!", ani Vetra at pumunta sa kung saan. Pagbalik niya ay may dala siyang isang kulay kremang papel na kasing-laki ng long bond paper.

Ibinigay niya sa akin ang papel na kasing tigas pala ng isang oslo paper o ng isang venom paper.

Tiningnan ko ang mga nakasulat sa papel. Isa pala itong registration form para sa mga gustong mag-enroll dito sa Blood Academy.

Name:
Age:
Birthday:
Blood Type:

Apat lamang pala ang sasagutan ko rito. Kinuha ko naman ang ballpen na ibinigay niya sa akin. Kulay pula ang tinta nito at parang malapot kapag isinulat. Hmm. Bakit kaya?

Name: Lim,Hannah M.
Age: 18
Birthday: October 21,1997
Blood Type: AB

Matapos kong sagutan ang form ay nakangiti ko itong ipinasa kay Vetra. Nakangiti niya rin naman itong inabot mula sa akin.

"So Hannah, I would like to inform you that tomorrow is your first class. Congratulations dahil isa ka nang ganap na estudyante ng Blood Academy. You're already one of the greatest because Blood Academy is the school of the greatest", aniya. Nagpasalamat naman ako sakanya dahil doon.

***

The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now