49:Virloño's Revenge

116 5 3
                                    

-Hannah's POV-



Pupungas-pungas akong gumising habang umuunat pa. Ramdam kong matagal ang itinulog ko ngunit inaantok pa rin ako. Masakit ang katawan ko at parang pagod na pagod pa rin ako hanggang ngayon. Namula naman ang aking mukha nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Vin kagabi.



"Gising na pala ang asawa ko"



Napatingin ako sa nagsalita. Si Vin. Lalo pang namula ang aking pisngi na parang kamatis matapos kong marinig ang sinabi niya.



Asawa? Ahhh! Nahihiya na tuloy ako sa kaniya ngayon!



Nakita kong topless si Vin habang nakasuot lamang siya ng isang gray cotton shirt. Tiningnan ko naman ang aking sarili. Nakabalot ako ng kumot. Nangunot ang aking noo matapos makita ang aking sarili.



Tiningnan ko ang ilalim ng kumot at napatili naman ako sa nakita ko. Ahh! Wala akong damit ni panty! Huhu!



Nakita ko naman si Vin na nakangisi sa akin kaya sinimangutan ko siya. Napakamanyak niya talaga kahit kailan!



"Huwag ka nang mahiya, babe! Ilang beses ko nang nakita 'yan. Kanina nga hinahawak-hawakan ko pa 'yan habang tulog ka!" nakangising aniya at tila ba umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.



"MANYAK!"



***



Matapos maligo at makapagbihis ay dumiretso na kami ni Vin sa aming room dahil may pasok pa kami. Nakita ko naman si Riza na nandoon na sa room namin at nakaupo. Na-upo na rin ako at inilagay ang aking bag sa upuan.



"Saan kayo galing? Ba't di ka nakauwi sa dorm natin kagabi?" bungad na tanong sa'kin ni Riza.



Namula naman ang aking mukha dahil sa tanong niya. Should I tell her about what happened yesterday? Hmm. I think so. "Niyaya kasi ako ni Vin na doon ako mag-stay sa dorm niya kasi na-miss talaga namin ang isa't isa at ngayon lang ulit kami nagkita after four years kaya hindi ako nakauwi sa dorm natin."



I looked at her face. It seems that satisfied naman siya sa sagot ko. Thanks God dahil hindi na siya nag-usisa pa ng maraming tanong.



Ilang saglit pa'y dumating na ang aming history teacher na si Ms.Rose. Nagsimula na rin ang kaniyang klase at talaga namang nagugustuhan naming magkakaklase ang paraan ng pagtuturo niya. Maganda ang lesson dahil marami siyang itinuturo about sa history ng Blood Academy.



Nasa kalagitnaan na ng klase nang bigla kaming nakarinig ng isang malakas na pagsabog. Nahinto kaming lahat sa aming ginagawa at napatingin sa labas. Nagsimula na ring mag-ingay ang aking mga kaklase dahil sa nangyari at ang iba nga'y parang maiiyak na sa kaka-panic.



"Class, don't panic! Titingnan ko lang kung ano ang nangyayari sa labas!" sigaw ni Ms.Rose ngunit ganoon pa rin ang iba kong kaklase. Wala na rin naman kaming nagawa at nakita ko si Ms.Rose na lumabas ng aming room upang tingnan ang nangyari. Napalingon naman ako kay Vin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now