8:Official Announcement!

2.5K 97 5
                                    

[Kabanata 8]

Official Announcement!




-Hannah POV-



Nakakuha na nga kami ng pera sa bangko kasama si Vin.


Binayaran na ni Vin yung operasyon at bukas daw,ooperahan na si Nanay.Alam na rin ni Tatay ang lahat pero wala siyang tutol dito.


Sabi sa akin ni Tatay,boto daw siya kay Vin para sa akin hindi dahil sa pera kundi nakikitaan niya daw ito ng malasakit.




Kasalukuyan akong nasa guest room ng bahay ni Vin.Siya lang pala ang mag-isang nakatira dito.




Sabi sa akin ni Vin,dito na lang daw ako para meron akong kasama.




Maganda ang bahay este 'mansion' ni Vin.Isang mansion na sobrang laki na isang nilalang lamang ang nakatira.




Hindi mo rin aakalain na isang BAMPIRA ang naninirahan dito dahil parang isang tao ang may-ari nito.




Kasalukuya'y gabi na at madami akong iniisip.




Una,ay sobrang saya ko dahil maooperahan na si Nanay bukas. 




Ikalawa,ay ang pagiging magboyfriend at girlfriend namin ni Vin. 




Ikatlo,ay hindi pa rin ako makapaniwala na BAMPIRA si Vin.Hindi ko lubos inaasahan na nag-eexist ang mga tulad niya dito sa mundo.



At ang ikaapat,ay baka kagatin ako ni Vin at gawin niya rin akong bampira. 




Habang tumatagal ang aking pag-iisip sa mga bagay-bagay ay inantok na ako hanggang sa ako ay makatulog...



---



Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata.


The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now