33:Sacred Vampire Fortune Teller

264 17 2
                                    

-Hannah POV-

...

Kanina pa kami naglilibot nitong si Hannah D.Urizami.Full name na yan para hindi kayo malito.

Pero kahit kanina pa kami ikot ng ikot dito ay wala kaming nararamdamang pagod at gutom.

Siguro dahil na rin yun sa iba ang katawan naming ito.

"Ate Hannah,anong gagawin natin ngayon?Kailangan nating humanap ng paraan para makaalis sa katawang ito.Ayokong maging alipin ng Hari at lalong ayokong maging zombie.Eww", medyo maarteng sabi nitong katabi ko.

"Wow,ang galing hah!Ako pa talaga ang hihingian mo ng paraan gayong ikaw yung tagarito", sabi ko sakanya sabay irap.

Hindi kami magka-away,sadyang ganyan lang turingan namin sa isa't isa.

Saglit siyang nag-isip. "AHA!", sabi niya na parang mayroong ideyang pumasok sa utak niya.Hindi lang pala parang,meron talaga.

"What?", I asked her.

"We'll go to a Sacred Vampire Fortune Teller", sabi niya habang nakangiti.

"Naniniwala ka sa hula?", tanong ko sakanya.

"Yeah.But a Sacred Vampire Fortune Teller is not just a normal fortune teller.Lahat ng hula niya,nagkakatotoo.And she can give us an advice regarding on how can we escape in these effin' bodies", aniya.Tumango na lamang ako sa ideya niya.Sana matulungan kami ng sinasabi niyang 'Sacred Vampire Fortune Teller'

Ilang minuto ang aming ginugol sa paglalakad patungo sa isang templo.Parang nasa Japan talaga kami sa totoo lang.

Walang umaga dito sa Emperius Vampiruz,gabi lang.Pero meron rin namang mga part ang nasisinagan ng araw gaya na lamang nitong templong ito.

And because of that light coming from the i-don't-know-if-it-is-really-a-sun,makikita mo ang mga punong nakapaligid dito.Ang mga dahon ng puno ay kulay pink.Cherry blossom.

Nakadagdag pa ng ganda ang bumabagsak na ilang dahon ng mga puno.Ang ganda talaga ng effect.Sakura lang ang peg.

All I can say is 'Wow' and my mouth forms letter 'O'.

"Ang ganda naman dito", sabi ko na lamang sa katabi kong parang pinag-aaralan ang naging reaksyon ko matapos kong makita ang lugar na ito.

"Why are you like that?", I asked her.

"You're like an innocent kiddo.Is it your first time to see a place like this?", tanong niya.

I just nodded.

Pumasok lang kami sa templo at nakakita ng babaeng nakatalikod sa amin.

Unti-unti siyang humarap sa amin at natameme ako.

Ang ganda,ganda,ganda niya sobra!

Mahaba ang kaniyang buhok na straight sa kaliwa habang nakatrintas sa kanan.Matangos ang kaniyang ilong.Kulay dugo ang kaniyang labi.Kasing tanda ko lamang siya sa tantsiya ko pero kapag pinagtabi kami,magmumukha akong alalay.

Grabe talaga.

"Nasaan ang totoo niyong mga katawan?", tanong niya habang nakangiti at nagulat kami ng katabi ko.

We don't ask her yet she already knew what's our problem.

"Ayan nga ang aming sadya kaya kami naparito sa iyong lugar", sabi ko sa manghuhula.

"Gumamit ka ng 'po', 'opo', 'ho' at 'oho' kapag kinakausap ako,binibini", sabi niya.Napatigil ako

"Eh bakit naman---po?", tanong ko.

"Sapagkat ako'y 973 taon na", sabi niya na nagpatigil sa akin.

What?!Sa ganda niyang iyan,halos isang libong taon na siya?

Kung wala lamang kami sa Emperius Vampiruz ay marahil pinagtatawanan ko na siya dahil aakalain kong joke ang sinabi niya,pero hindi.

Vampires are immortal.Vampires have eternal life.They don't die unless they were killed.

"Sige po" ang nasabi ko na lamang.Tahimik lang si Urizami.

"Kayo'y maupo at hawakan ang aking kamay.Ilang minuto lamang ang itatagal nitong orasyong ito at pagdilat niyo'y nasa katawan niyo na kayo't may malay"

Sinunod namin ang sinabi niya.Pumikit lamang kami at bumigkas na siya ng mga salita.

----

"Amplectentem eum, qui secundum amorem in aeternum tenebrarum, ut te percuterem"

"Sed elegit aliquid pati difficile, quod ideo omnia corporis a te longe venerunt"

"Mea carmina cantu mens quique huius"

"Corporis viribus uniri cum aliquis dicenda! "

----

Pagkatapos niyang sabihin yun,nawalan ako ng malay.

Everything went black.

***

The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now