13:His Feelings

1.7K 84 8
                                    

[Kabanata 13]

His Feelings




-Hannah POV-



Recess ngayon at kasama ko ang aking mga kaibigan na nakaupo dito sa bench na palagi naming tinatambayan.





"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala!", usisa ni Neil.





Naikwento ko na kasi sa kanilang lahat ang tungkol sa amin ni Vin. Nung una ay natatawa lang sila pero unti-unti silang naniniwala sa mga pruweba ko.




***



Nagmadali kaming bumalik sa aming room.Hindi na namin namalayan ang oras dahil napasarap kami sa kuwentuhan.Siyempre,ngayon lang ulit kami nagkita matapos ang mga nangyari.Hindi muna ako sumama kay Vin dahil napahiya ako kahapon.Baka asarin niya lang ako.Naging green-minded kasi ako kahapon eh.





Laking pasasalamat namin nung wala pa pala yung teacher namin kaya hindi kami late.Dumiretso naman ako sa upuan ko katabi si Vin.





Dumating ang aming teacher at nagturo na.Tumakbo naman ang oras kagaya ng nakagawian.





Medyo naninibago ako sa kinikilos ni Vin sa ngayon dahil dapat ay nagpapapansin at kinukulit niya na ako sa ngayon pero ang tahimik niya sa mga nagdaang oras.





Uwian na at nagtungo naman kami Vin sa kotse niya at sumakay na rito.Habang nagda-drive si Vin ay ang tahimik niya pa rin.Nacu-curious na tuloy ako sa inaasal niya.





"Vin may problema ba?", tanong ko pero umiling lang siya.





Bakit kaya ayaw niyang sabihin? Alam kong may problema siya pero bakit ayaw niyang sabihin ito sa akin?





Nakarating na kami sa mansion niya ng hindi ko namamalayan.





May mali talaga kay Vin eh! Kailangan kong malaman yun!






-Vin POV-

Okay ito na nga eh.





Alam kong naninibago si Hannah sa kinikilos ko sa ngayon. Sa oras na ito, dapat ay nagpapapansin at kinukulit ko na si Hannah pero tahimik lang ako ngayon.





Nag-uwin na at nagtungo naman kami ni Hannah sa kotse ko at sumakay na rito! Habang nagda-drive ako ay ang tahimik ko pa rin.Alam kong curious si Hannah sa inaasal ko.





"Vin, may problema ba?", tanong sakin ni Hannah pero umiling lang ako. 





Marami akong nababasa na iniisip ni Hannah at tungkol yun kung may problema ako.





Nakarating na kami sa mansion at dumiretso ako sa aking kuwarto.





Alam kong may binabalak si Papa na paghiwalayin kami Ni hannah.Alam na palanila ang lahat.Ayaw kasi ni Papa na mahulog ang loob ko sa isang mortal.





Pero paano?





Paano ko gagawin yun?





Hindi na nila ako mapipigilan!





Kasi mahal ko na si Hannah!




***

The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now