37:Triple Y

271 13 2
                                    

-Hannah's POV-


Kinabukasan,maaga akong nagising para makapaghanda sa dadaluhan naming seremonya ni Jumo. Well, hindi ko nga alam kung paano ko nalamang maaga akong nagising kasi nga wala namang umaga't gabi dito sa Emperius Vampiruz, 'di ba? Basta naramdaman ko lang.


Iginala ko ang aking paningin sa kwarto-este sa bahay ko.Sa laki ba naman ng kwarto ko, parang bahay na ito ng sampung katao sa Mortal Universe eh. Kung maganda't malambot ang kama ko sa mansyon ni Vin, pwes, walang wala iyon sa kama ko ngayon. Iyon bang sobrang lambot na tipong kapag unang tapak mo, lulubog ka. Iyon ang kama ko ngayon.


Habang ako'y nagmu-muni-muni, bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kwarto ko na gothic ang design. Lumapit ako rito at binuksan. Tatlong magagandang babae ang bumungad sa akin.


"Magandang araw, mahal na prinsesa", sabay-sabay nilang sambit at sabay-sabay rin silang nag-bow.


"Magandang araw din sa inyo", nakangiti kong sabi sa kanila.


"Inutusan po kami ng Haring Virkujumo kaya narito po kami ngayon para ayusan at pagandahin ka, mahal na prinsesa", sabi ng isa sa kanila.


Nahiya naman ako kaya pinapasok ko na lamang sila. Ang pangalan pala nila ay Yuki, Yumi, at Yuri. Akala ko nga noong una, magkakapatid sila kasi parang halos magkakaparehas na iyong pangalan nila. Iyon naman pala, magkakaibigan lamang sila.


Nag-kuwentuhan muna kami ng kaunti bago sila magsimulang ayusan ako.


"Yuki, ang mga bampira ba may kapangyarihan rin?", tanong ko kay Yuki. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamatangkad. Singkit siya at maputi. In short, maganda siya.


"Opo, mahal na prinsesa. May anim na ranggo po ang kapangyarihan nating mga bampira. Una po ay ang Class E. Ito po iyong mga bampira na wala pang kaalam-alam sa pagpapalabas ng kapangyarihan nila. Ikalawa po ay ang Class D, mababa pa rin pong ranggo ito. Dito, may kaunting kaalaman na po ang mga bampira sa pagpapalabas ng kapangyarihan nila, pero, mahihinang pwersa lamang po ang nailalabas nila. Ang ikatlo pong ranggo ay Class C, medyo lumalakas na po ang mga bampira dito. Kaya na po nilang maging invisible, baguhin iyong anyo nila, at tumatalas na rin po ang pandinig at pang-amoy nila", tumigil siya saglit at ipinagpatuloy ang mga sinasabi niya.


"Ang Class B po ang sunod, masasabi ko pong malakas na talaga ang isang bampira kapag siya ay Class B na. Kaya na po niyang i-summon ang four elements - air, fire, water, earth. Kaya naman po ng mga Class A vampires na gumawa ng mga panibagong nilalang, mabuti o masama man. At higit sa lahat, ang Class S. Wala na atang imposible sa isang Class S. Kaya nilang bumuhay ng bangkay, gumawa ng sariling portal at daigdig. Kaya rin nilang patayin ang sarili nila pero kaya pa rin nilang ibalik ang sarili kahit patay na sila.Kaya nilang gumawa ng potions at secret fluids", sabi niya.


"Pero ito po ang tatandaan niyo mahal na prinsesa, eternal man ang buhay ng isang bampira, namamatay sila kapag pinatay sila", dagdag pa niya.


Namangha ako sa mga narinig ko. Unti-unting pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi niya.


"Sa kaso po namin, ako at si Yumi po ay mga Class B at si Yuri naman po ay isang Class S. Apat na bampira lamang po ang Class S. Ang Haring Virkujumo, ang Haring Virloño, si Yuri, at ang Prinsipe na si Vin Eduard", sabi niya,


Bigla na lamang tumibok ng malakas ang puso ko. Si Vin pala ay isang Class S. Hindi na rin naman ako magtataka doon. Ang lakas niya kaya!


Ang lakas niyang pa-ibigin ako sa kaniya. Nasaan na ba siya? Nami-miss ko na siya eh.



The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now