40:Farewell

5.1K 171 13
                                    

Note:

HELLO PO SA INYONG LAHAT! Kamusta na po kayo? Kung tinatanong niyo kung kamusta ako, well, huwag po kayong mag-alala dahil buhay pa naman ako. Isa pong milagro ang nangyayari ngayon dahil nagawa kong mag-update makalipas ng isang buwan. Yes! Feb 3 pa ang last update ko sa story na 'to gayong March 22 na ngayon. Naaalala niyo pa po ba sina Hannah at Vin? Marahil madami nang nakalimot sa kanila dahil paiba-iba ako ng username sa wattpad pati na rin sa title ng kwentong ito. Ang original title talaga ng librong ito ay "Being the Girlfriend of Vampire Prince" na naging "BTGOVP" na naging "The Untitled Vampire Story". Lupet ko no? Guys, thank you sa pagbabasa ng kwentong ito kahit hindi ito kagandahan. Happy 77.2K+ reads sa kwentong ito. Alam kong ang kunti ng reads pero I don't care because reads are just numbers. Ngayon, gusto ko pong malaman kung may nagbabasa pa ba ng kwentong ito. Click "vote" button and comment atleast one para naman malaman ko kung buhay pa ba mga readers nito. Anyway, binabati kita kung nasa Chapter 40 ka na dahil dito na po magsisimula yung mga twists. Another one is maging masaya na kayo dahil mapapabilis na akong mag-update dahil bakasyon na! Next update po is sa Saturday (March 24). Thank you!


***


-Third Person POV-


Gulat man sa pangyayari, mabilis pa ring nailagan ni Hannah ang lumilipad na bagay na patungo sakanya.


'Di makapaniwala si Virkujumo sa nakita niya kaya naman lumikha kaagad siya ng matibay na barrier na maaaring proteksyon ni Hannah.


"ANONG PROBLEMA MO, VIRLOÑO?!" , nagngingitngit sa galit si Virkujumo samantalang nakangisi lamang sakanya si Virloño.


Dahil na rin sa namumuong tensyon sa paligid, natakot ang mga bampira kaya naman nagsisisigaw ang mga ito at humanap ng daan para makalabas sa nasabing lugar.  


"Wala ka pa ring pinagbago, Virkujumo. Isa ka pa ring talunan!", ani Virloño sabay nagpakawala ng umuulan na mga metal patungo sa direksyon ni Virkujumo.



Mabuti na lamang at nakagawa siya ng isang barrier kaya naman hindi siya tinablan nito.


"Ikaw ang walang pinagbago, Virloño! Gaya ng dati, hampaslupang inggitero ka pa rin! Bakit ba hindi mo matanggap na mas makapangyarihan ako sa'yo? Bakit hindi na lamang tayo maging magkaibigan?", nakangiting sambit ni Virkujumo pero taliwas ito sa reaksyon ni Virloño. Naglalagablab ito sa galit dahil sa nasabing antas ng kakayahan.  


Binata pa lamang ay talagang magkalaban sina Virkujumo at Virloño sa kahit anong larangan. Kapangyarihan,kakayahan,popularidad at marami pang iba.


"Kaibigan?HAHAHA. Nagpapatawa ka ba? Paanong magiging kaibigan ang isang traydor na katulad mo?", ani Virloño at nagpakawala naman ng mga makamandag na ahas patungo sa direksyon ni Virkujumo.


Nakapagpalabas naman ng apoy si Virkujumo kaya naman natunaw ang mga ahas.


Tumingin siya nang masama kay Virloño. " Hindi ka nga talaga magpapatalo, Virloño. Mamamatay ka na sa inggit! Ayaw ko nang magkipagtalo sa isang mababang lebel kagaya mo!", sigaw ni Virkujumo at akmang aalis na sa lugar na iyon gamit ang teleporting skills nang bigla niyang maalala ang apo na si Hannah.  

The Untitled Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon