21:Thea

1.6K 83 11
                                    

-Hannah POV-


Nanlalamig pa rin ang aking mga kamay sa aking nakita.Nang hinawakan ko ang pangil na iyon ay mayroon talaga kaya bigla akong kinilabutan.Ito na ba ang babala na magiging isa na akong ganap na bampira?


Naalala ko bigla ang petsa sa ngayon.Bigla kong natandaan na tatlong araw mula ngayon ay ang aking ika-labingwalong taong kaarawan.Naalala ko rin bigla ang sinabi ni Vi---Ughh.Naalala ko ang sinabi ng manlolokong iyon na kailangan kong uminom ng dugo sa saktong kaarawan ko para mapangalagaan ang aking hitsura.


Sandali kong sinipat ang aking pagmumukha.Dali-dali ko na lamang tinapos ang pinagagawa sa akin ni Tatay.Hindi na ako kumain matapos iyon.Nagtungo na lamang ako sa kuwarto ko at pinilit na matulog.Kahit anong galaw na gawin ko at kahit anong posisyon ay nananatili pa rin akong gising.Pagod na ang katawan ko pero hindi ito sumusunod sa sinasabi ng utak ko.


Patagal ng patagal ang oras at mabuti na lamang ay nakatulog na rin ako.


-Third Person POV-


Sa loob ng kuweba malapit ang portal ng Zerwana Bampress na pagmamay-ari ng Emperius Vampiruz ay matatagpuan ang isang babaeng nagngangalang 'Thea Vanrizon'.Isa siyang perzakias na bampira.Ang perzakias na bampira ay ang siyang pinakamababang uri ng bampira sa imperyong nasabi.Ngunit gayumpaman ay may tinatago pa rin silang kapangyarihan.


Binibigyan siya ng kawal ng pagkain tatlong beses.Kahit naman hindi siya kumain buong buhay niya ay hindi rin naman siya mamatay dahil nakahigop na siya ng patak ng pinakabanal na likido na siyang nagbibigay ng eternal na buhay sa sinumang hihigop nito.


Tanging isang sulo lamang na may apoy ang nagiilumina sa loob ng kuweba upang maggabay sa kanya.Isang ordinaryong babae lamang si Thea pero nakulong siya dito dahil sa kanyang obsession sa mahal na prinsipe.Hindi kasi pwede yun.Matibay na ipinaguutos ng Haring Virlono na ang 'mataas ay para sa mataas lamang at ang mababa ay para sa mababa'.


Isang napakagandang babae ni Thea ganggang ngayon.Hindi naman kasi tumatanda ang mga bampira lalo na kung nakainom siya ng dugo sa saktong ika-18 kaarawan niya.Mapalalaki man o babae.Sa mundo ng mga mortal,siguro ang maitatawag kay Thea ay isang dyosa sa sobrang ganda niya.


Pero hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang pagmamahal ni Thea sa prinsipeng si Vin.Dahil kung magiging sila ni Vin ay maaaring tumaas ang kanyang ranggo sa imperyo,ayan ang palagi niyang iniisip.


Ang pinakakinaiinisan niya sa lahat ng babaeng bampira sa kanila ay walang iba kundi si___


-Leah POV-


Masama ang napanaginipan ko kanina habang ako'y natutulog.Napanaginipan kong gusto raw maghiganti ni Thea laban sa akin.Si Thea,isang perzakias,ay ang aking pinakamortal na kaaway na bampira.


Si Hannah,isang mortal,ay ang akin namang pinakamortal na kaaway na isang tao.


The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now