39:Flying Dagger

2.8K 88 9
                                    

-Hannah's POV-


Habang mas tumatagal ang tinginan namin ni Vin, mas lalong naninikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Tuloy-tuloy pa rin sa pagbagsak ang mga nag-uunahan kong mga luha.


Itinatak ko sa aking isipan na dapat ay mapigilan ko itong mga pangyayari. Itinatak ko sa aking isipan na dapat ay mapigilan ko ang kasal na ito.


Napansin kong nagsimula na ang seremonya. Sinimulan nila ito sa isang dasal na hindi ko maintindihan ang lenggwaheng ginamit. Ang ama ni Vin ang nag-lead ng dasal na ito.


Habang taimtim at tahimik na nagdadasal ang lahat, pasimple akong sumulyap kay Vin. Naka-upo silang dalawa ni Clarinet sa napakagandang upuan na naka-pwesto sa gitnang bahagi ng lugar na ito. Elevated rin ang mga upuang ito na nagpapahiwatig na espesyal ang mga nakaupo rito.


Dumilat si Vin at nagkatitigan kami. Kinausap ko siya gamit ang isip.


"Vin, anong ibig sabihin nito? Magpapakasal ka na?"


Tiningnan ko ang kaniyang reaksyon. Nagtataka siya at umiiling-iling.


Naiinis ako dahil hindi ko magawa ang nagagawa ni Vin. Naiinis ako dahil hindi ko nagagawa ang kakayahan ng mga bampira na makabasa ng isip ng iba.

***


Tapos nang magdasal ang mga bampira. Nakita ko namang may kinausap na kawal ang ama ni Vin.


Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang inutusang kawal na may dalang isang matulis na bagay. A dagger to be exact.


Ibinigay niya ang bagay na ito sa ama ni Vin. Ngumiti naman ito na siyang nagpakilabot sa akin.


Hindi ko alam kung ang lalaking ito ba ang ama ni Vin. Kahit magkamukha sila, malayong malayo naman ang aura nila sa isa't isa.


Nakita kong hiniwa ng ama ni Vin ang kaniyang pulso. Nakangiti naman ito na tila ba walang sakit na iniinda.


Isinalin niya ang sumisirit na dugo sa isang baso. Nang matapos ang pagdurugo ay dinasalan niya ang basong ito.


Hindi ko alam kung bakit hawak pa rin ng ama ni Vin ang dagger. Pero kalaunan, nalaman ko na rin ang kasagutan sa tanong ko.


Bigla niya kasi itong ibinato sa akin.


***


The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now