"Yo! Jiro, here" Tawag naman sa akin ni Andrei habang may 2 girls na nasa magkabilang gilid nya.

"Anong meron at pinatawag mo kami dito?" tanong naman ni Migs.

"Oo nga???" dagdag pa ni Chris.

"Si Ate, bukas na darating..."

"HUWAAT!!!?" gulat namang sabi nilang lima sa akin.

"Joke ba yun?" tanong naman ni Jun.

"Yung Ate mo kasi ang daldal."

"Aba, kasalanan ko bang madaldal yun ate ko na yun?"

"Oo, kasalanan mo, dapat pinatahimik mo yun eh."

"Tss, ikaw dapat, ikaw lang gustong bumara dun eh, bat di mo ginawa."

"Chill mga pre, iinom nalang natin ito." sabi naman ni Lance.

"Tsk. Bakit naman kasi babalik pa yang bruhang yan eh?!"

"Wala naman tayong magagawa kung babalik na yun eh" Chris said.

"Teka, pinapunta mo kami dito para lang sabihin yan sa amin?" Andrei said habang ineenjoy yung 2 girls na nasa magkabilang gilid nya.

"Hoy! Kayong dalawa!" sabi ko doon sa dalawang babaeng nilalandi ni Andrei.

"Umalis nga kayo dito, your so annoying!"

"Don't listen to him mga girls, badtrip lang yan."

"Tsk.."

"Hoy Jiro! Di mo sinagot yung tanong ko!"

"Ano ba yun?"

"Kung pinapunta mo lang kami dito para sabihin sa amin na darating yang Kara na yan."

"Hindi."

"Eh ano pa?"

"Badtrip ako dun sa 3rd wave natin."

"Bakit?"

"Di maganda ang kinalabasan, sa inyo ko lang sasabihin toh huh."

"Ano nga yon?"

"Yung pagpapalayas sa bahay ng panget na yon mukhang napasama sa akin, peste, plano ko na wala silang matutulyan kahit saan which is naging okay naman nung una kaya nag-alsabalutan na sila sa tinitirhan nila ng mismong araw na biglaan kong binili yung property, ang problema lang may kumupkop sa kanila."

"Huh? Sino naman?"

"My Parents, ugh! Ayun dun na sya nakatira sa amin."

"Eeh? Anong sabi mo?"

"Bingi ka ba Andrei, palayasin mo kasi yang dalawang malandi sa gilid mo para marinig mo ako."

"Ang harsh mo talaga sa girls Jiro."

"Tsk. Sabi ko nasa bahay na namin nakatira yung Hampaslupa na yun."

"Kelan pa?" tanong naman ni Lance.

"Kahapon lang." saka naman sila tawa ng tawa.

"What's funny?"

"Malamang siguro ginagantihan ka na nung babaeng yun sa ginawa mo, hala ka, ahahahahaha. Worst nightmare nga."

"Tss. Hindi nya ako kaya no! Lalo na ngayong aalis pa sila Mom and Dad papunta ng China, isasama pa nila yung Uncle nun huh. Si Ate kasi nag-agree na patirahin muna pansamantala yung Babaeng yun sa bahay namin eh, panira talaga ng buhay yun."

"Tss. Hate na Hate mo ate mo huh, dahil ba sa pang bubully nya sayo? Ahahah."

"Parang kayo di nya kayo binully aah." napalunok silang lima at napatingin sa akin.

Gorgeous Six Où les histoires vivent. Découvrez maintenant