E-Ending

11.3K 265 62
                                    

"KAISHI!" Start!


Nanginginig ang kamay ni Dianne na nilukot ang papel. She looked up and met his piercing blue eyes that seemed to dug his way through her soul. Sinamaan niya ito ng tingin nang hindi pa ito kumilos at nanatiling nakatayo roon. Gusto na niyang matapos iyon!


Hinila niya ang necktie nito na siyang ikinagulat ng binata. Napayuko ito sa kanya. Halos maglebel na ang mukha nila. Inirapan niya ito at pinanatiling masungit ang ekspresyon. She grabbed his nape upang lalo pa itong yumuko. Idinikit niya ang kanyang ilong sa pisngi ni West. His addicting manly scent attacked her senses. Pinigilan niyang mapapikit habang naaamoy ang binata.


"Tsugini..." Next


Walang tinging kinapa niya ang bowl at bumunot ng papel. Dahil halos magkadikit na ang mukha nila ni Westley, nahihirapan siyang ipirmi ang normal na paghinga. Sasagasaan niya talaga si Laurence pagkatapos nito!


That bastard...


Ginagantihan ata siya ni Laurence dahil sa isang taong paglilihim niya rito! Or maybe not. He really is just a bastard. Tatanungin palang sana niya si West ngunit natagpuan niya itong halos maduling na sa kakatitig sa kanya.


"Read the damn paper, Fox."


Lumunok ito bago binalingan ang maliit na piraso ng papel. "Waist."


Bumuntong-hininga siya at idinikit ang sarili sa binata. Itinaas niya ang kanyang kanang hita upang idikit sa baywang nito. Muntik pa siyang matumba nang dahil doon. Mabuti nalang ay nahawakan kaagad nito ang likod niya.


Sandali siyang hindi nakakilos dahil sa palad nito sa kanyang likod. Kahit sa manipis na tela ng kanyang long dress ay nararamdaman pa din niya ang mainit na palad nito.


"Hands off." Hindi kaagad ito sumunod. "Hands off." Ulit niya nang mas madiin. Unti-unting dumausdos  at bumaba ang kamay nito hanggang sa kanyang balakang hanggang sa  tuluyan nito iyong maalis. He was still staring at her.


"Makikitaan ka." Puna nito sa dress niyang may slit sa kanang hita. Hindi naman iyon masyadong malaki ngunit dahil nakataas ang hita niya, lumitaw lalo ang balat niya. Not that she was worried. Mas revealing pa nga ang dress ng ibang babaeng naroon. Kung ikukumpara sa ibang magkapartner ay mas intimate naman ang mga ito kaysa sa kanila.


"Focus on the game."


"I can't." Halos bulong nito sa kanya. Tumingin pa ito sa labi niya na para bang kanina pa nauuhaw. Gusto niyang lumayo ngunit isang kilos lang niya ay bumabalik na naman ang kamay ni West sa likod niya. "Matatalo tayo." Paalala nito sa kanya.


Pakialam niya kung matalo?! Napasubo lamang siya dahil iniwan siya roon ni Laurence. Wala naman siyang balak na manalo roon. Gusto lang naman niyang makalayo rito!


"I don't care. Mas mabuti ngang matalo nang matapos na ang kagaguhang ito." His eyes went to her lips again while she was talking. Tila ba may malalim itong pinag-iisipan. Like there's some mystery hiding in her lips. "Westley!" Saway niya rito. Hindi ba talaga nito tatantanan ang labi niya?

Tied (BS#3)Where stories live. Discover now